Chapter 32

9.7K 347 85
                                    

Paris

"Paris, thanks sa pagsama rito kay Pamu, ah?" Anda said, gently holding me by the arm. "Hindi ko alam na ikaw na lang pala naiwan dito. Nakakahiya naman."

Tumawa lang ako ng mahina. "It's no problem, Anda. Don't mind it."

Totoo naman kasi. It was no big deal for me. I considered Anda as a friend and her daughter was a nice girl, too. Hindi naman masakit sa ulo si Pamu.

"Gago talaga 'yung Z na 'yon. Hindi man lang ako tinext na aalis siya!"

Napabuntong hininga ako nang marinig ang pangalan niya. What Anda said made me a little worried again. Ni hindi niya natext si Anda kaya baka nga talaga seryoso at mabigat yung problema ng kumpanya nila ngayon?

"Anyways," she added. "Sure kang hindi ka na magd-dinner dito? I'll gladly cook you something pa naman."

Bahagya ulit akong natawa. She was really still her old conyo self.

"Hindi na," sabi ko habang umiiling. "Just say goodbye to Pamu for me again."

Nagpaalam naman na ako kanina pero gusto ko lang gawin ulit. Ang OA pakinggan pero sa tingin ko mamimiss ko yung bata, e! Ang cute at jolly niya kasi talaga.

"Oh, sure! Balik ka rito 'pag may time!"

Matapos no'n ay tuluyan na akong nagpaalam sa kanya at pumasok sa sasakyan. May kaunting ngiti pa sa mga labi ko nang umalis. I really did have a great time. Kaya lang, nang makauwi sa condo, naalala ko nanaman si Ezzio. The look on his face before he left told me that there was definitely something wrong. Gusto ko siyang tanungin tungkol doon pero mas nangingibabaw ang pag aalala ko para sa kanya.

I wonder how he is?

The question stayed in my mind for hours. So after I took a warm bath, I finally decided to text him.

> Is everything alright now?

I busied myself with asking Marky about how things went in the shop while waiting for him to reply. And once he did, I checked it instantly.

> It's fine

Medyo napakunot pa ang noo ko nang mabasa 'yon. I was expecting a yes or a no. Pero kahit ganoon ay napanatag pa rin ako sa sagot niya. He said it was all fine so maybe it was.

The next morning, I realized how dumb I was for believing it. Of course, everything wasn't okay!

"Ven?" patanong kong sabi nang sagutin ang tawag ni Venny.

"Ate, have you seen the news?"

She sounded a little nervous. Kinabahan ako agad.

"News where? Sa TV?"

I hadn't watched the news for a couple of days now. Malay ko ba kung ano nang nangyayari ngayon sa mundo!

I heard Venny sigh.

"Listen. I'm sending you a link to a news article right now. Check your messaging app."

The urgency in her voice was evident. Hindi na ako umangal pa nang diretso niyang pinutol ang tawag. I just waited for what she was about to send me. Nang makuha ang link ay agad kong binuksan ang article. My forehead creased when I saw the headline. It was about drug smuggling. Ano namang kinalaman no'n sa'kin?

Confused, I decided to read the whole article. Its content made my jaw drop. Lalo na nang mabasa ko ang pangalan ng kumpanya nina Ezzio!

I felt my heart skip a beat. Napatakip pa ako sa bibig ko. Apparently, the news said that a Chinese manufacturer of herbal teas based here in PH- or at least what their product seemed to be, smuggled drugs during the process of their export to Singapore. Lahat ng kumpanyang may kinalaman sa kanila, kasama na ang cargo at trading company, ay nabanggit sa article. Nabanggit doon ang Voyager Trades, ang mismong nag-handle sa exportation process ng produkto.

Head Over Heels For Ezzio (Villaverde Series #1)Where stories live. Discover now