Chapter 4

29 1 0
                                    

News about the marriage of one of the famous bachelors in his generation became known in the span of one night. Hindi na nagtaka si German ng biglang may tumawag sa kaniya pagkagising na pagkagising pa lamang niya. 

Hindi niya muna sinagot ang tawag at dumiretso na sa banyo upang magshower at magsipilyo. Saka siya nagpunta sa closet upang kumuha ng susuotin niya sa kaniyang morning jog. Nang makapagsapatos ay saka niya binuksan ang bluetooth earphones niya. "Lu, speaking," bungad niya dito. 

"Sir, it's regarding the issue about you last night. A lot of people have been asking if it is indeed true. Should I confirm sir? Or should I ask the PR to do something about-" 

"It's true. Let it be," aniya. 

Bagama't nagulat ang assistant hindi na naman ito nagtanong pa. Alam nito na mainitin ang ulo ng boss at ayaw ng pauli-ulit. Pinag-usapan agad nila ang tungkol sa magiging schedule niya sa buong maghapon. 

"Sir, Mr. Garcia called to ask if you are available 2 PM today," anito, "You have no meeting 1 PM onwards sir pero tumawag po ang mama niyo kung pwede po ba kayo mamaya after lunch." 

Bahagya siyang nakaramdam ng inis sa sinabi ng assistant. Ano  na naman ba ang kailangan sa kaniya ng Garcia na iyon? Di pa ba sapat na tinanggap niya na ang suhol nila? 

"Reject, Mr. Garcia. And clear my schedule for the afternoon." 

"Okay sir," saka nito pinatay ang tawag. 

Mukhang alam niya na ang dahilan kung bakit gusto siyang pauwiin ng ina.

**

"You're getting married? At sa ibang tao ko pa malalaman!" Pambungad ng kaniyang ina pagkapasok na pagkapasok niya pa lamang ng ancestral house ng mga Lu.

"Enough, Martina." Napalingon ang mag-ina sa nagsalita.

Standing proud at the end of the staircase is his father, Jin Lu, the half-american, half-chinese known in his nickname 'the dragon' in the business world. Nobody in the business world doesn't know the old man.

"Dad," bati niya rito.

"Oh tigilan mo ako, Jin!" Himutok ng ina niya, "This man here needs to explain himself! Paano kung gold digger ang nakuha niya?"

"So?" Malamig na kontra ng ama sa ina niya. "As if it makes a difference, as long as she doesn't make him wear a green hat." Saka ito naglakad papunta sa dining room.

Bigla namang napipilan ang ina. Panaka-nakang tumitingin sa kaniya pero walang emosyon ang kaniyang mukha sa naging saad ng kaniyang ama.

Their relationship was...fine. but it became worse when his ex-wife cheated on him. Pakiramdam ng Ama ay nagdala siya ng kahihiyan sa angkan ng Lu. Bagay na alam niyang mahihirapang baguhin kahit ang kaniyang ina.

Because it was true.

He was the pride of the Lu's dahil siya ay nagiisang lalaki at ang mga kapatid niya ay babae. Parte na rin siguro ng pagiging Chinese ng Ama ay pinapahalagahan nito ang honor ng pamilya nila. He can't blame his father that's why he never speak when the old man starts to throw poisonous words at him.

"Anyway," tikhim ng ina niya upang walain ang awkwardness sa pagitan nila. "So ano nga? Totoo ba?" Iginaya siya nito sa living room.

Tumaas ang sulok ng labi niya, "And if it is?"

Hinampas-hampas siya ng pamaypay na hawak-hawak nito sa kaniyang braso, "You brat! Ano na naman bang iniisip mo? Huh? Huh?"

Napangiwi siya habang iniiwasan ang hampas ng ina na pabigat ng pabigat. "Nothing," aniya.

"Hey soon to-be groom!" Nilingon niya ang kapatid na kakapasok lang ng bahay kasama ang asawa nito.

"Ate," bati niya dito.

Kapansin-pansin ang bilog na tiyan ng kapatid niya. Biglang may kung anong mapait siyang nalasahan sa lalamunan niya. Agad naman niyang iwinaglit iyon sa isipan. "Kelan ka manganganak?" Tanong niya rito.

"Baka first week ng august or last week ng july," tuwang-tuwang sagot naman nito sa kaniya.

He gave her sister a rare smile. Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mata ng ate niya pati na rin ng inang nasa tabi na nakatingin sa kaniya.

They knew how devastated he was when he learned about Jessica's affair and especially during the hearing for the divorce. Her sister wanted to sue Jessica and her lover but he decided against it.

His mother and sisters thought that it was because of his feelings for the woman but it wasn't. Or maybe he's not too sure. All he knows is that, that time all he wanted was peace. Opening the topic of wearing a green hat for everyone to talk about was not something he wanted. Sumang-ayon naman ang ama niya sa naging desisyon kahit na hindi rin nito gusto na palagpasin nalang ang kahayupan ng dalawa.

I don't give a fuck about her now. Isip isip niya. Wala na rin siyang balita sa babae kung nasaan man itong lupalop ng impyerno namamalagi.

Yes, hell. Hindi naman porket hindi niya inamin sa maraming tao ang naging kagaguhan ni Jessica sa kaniya ay ibig sabihin palalagpasin niya na ang pang-iipot ng dalawa sa kaniyang ulo. Adrian lost his business and is currently crawling in the mud while Jessica might still be a part of the circle but that's all she could ever be.

Hindi na ito pwedeng makabalik sa pagiging international model dahil ginamit niya ang lahat ng connection na meron siya upang i-blacklist ang babae. Kahit sa entertainment industry ay hindi ito makakabaling lalo na at hawak ni Clarence ang entertainment. Hindi nito palulusutin ang babae.

They forced him to do that. He needed to do that.

"Well I was at the party last night," nabalik ang utak niya sa kasalukuyan ng marinig ang sinabi ng kapatid.

"Party?" Tanong ng ina nila.

"Yep," tugon naman ng kapatid, "The Garcias held a party. Hindi ko naman binalak pumunta pero wala naman akong magagawa dahil hinila ako ni Miranda," tukoy nito sa asawa ng business partner ng asawa ng kapatid niya.

"The girl seems fine, just a little aloof." Ani ng ate niya. May nanunudyo itong ngiti habang nakatingin sa kaniya, "She's 8 years younger than German and they are so alike. Both cold and pokerfaced."

Sa halip na makampante ang ina ay parang mas nabahala ito, "German, the Garcias' are known for giving away their children. Baka masangkot ka na naman sa eskandalo," alala ng ina niya.

"Most likely," simula niya. "But not because of what you are thinking," aniya at nagkibit-balikat.

"Oh come on, mom! You worrywart," ani ng kapatid na para bang wala lang ang sinabi niya, "He's a big guy now. You can't always worry about him. And besides, he needs to settle down and take a wife. He's not getting any younger. He needs a family—"

"Don't get any ideas," aniya, "I'm not taking anybody seriously," saka siya nagpaalam at tumayo na upang makaalis. Hindi na rin siya nagpaalam sa ama. Hindi niya na nagugustuhan ang nagiging takbo ng usapan.

Yes. Isip niya habang nagmamaneho. Biglang pumasok sa isip niya ang hilaw na ngiti ng babae saka siya napailing. He knows that she'll only bring trouble in his life. Women are like that.

He shouldn't take her seriously.

Tangled SheetsWhere stories live. Discover now