Chapter 12

41 1 0
                                    

"Hi, darling. We have a guest." Tawag niya sa pansin ng asawa.

Hindi naman ito agad sumagot. Nakita niya ang seryoso nitong mukha habang nakatingin sa bisita nila. She then glanced at their visitor and saw a hopeful look in her face. Natasha secretly sneered.

Looks like her husband is still affected. Kaya naman pala hindi man lang nangingimi ang babaeng bisita nila ngayon sa pagpasok sa bahay nila na para bang hindi ito bisita sa halip ay may-ari ng bahay.

"What are you doing here, Jessica?" Malamig ang boses ni German ng magsalita ito.

Bahagyang namutla ang mukha ni Jessica bago matamlay na ngumiti. "How are you, German? I visited you because I heard that you...remarried." saka siya nito tinapunan ng tingin. Wala siyang naging imik sa sinabi ni Jessica.

Ngumisi naman ng nakakaloko si German habang pababa ng hagdanan. Nanatiling tahimik si Natasha habang nakatingin sa dalawang dating mag-asawa. Their current situation is very awkward. The wife, the ex-wife and their common husband.

Napailing na lamang si Natasha sa sitwasyong kinasasadlakan niya ngayon.

"Excuse me, tatapusin ko lang ang niluluto ko. You two should talk." saka siya nagpaalam sa dalawa ngunit wala namang pumansin sa kaniya. Not that she cared. Pero bago pa man siya makaalis ay bigla niyang naramdaman ang presensya ng asawa sa tabi niya. Hinawakan nito ang bewang niya kaya't nilingon niya ito at nginitian. 

He was smiling dearly at her. Bahagyang napataas ang kilay niya sa mukha ng asawa pero hindi naman ito kita ng bisita nila dahil nakatalikod siya ngayon dito. Pinalibot ni German ang mga bisig sa bewang niya. There aren't very obvious actions or gestures between the two of them instead, it looks like they've been doing it naturally for a very long time.

"Don't be jealous. I'm sure our guest knows the way out of our home." nilingon nito si Jessica habang nakapalibot parin ang bisig nito sa bewang niya. Nilingon niya si Jessica at nakita ang sakit sa mata nito at ang maputla nitong mukha pati na rin ang pagkuyom ng kamao nito habang nakatingin sa kanila.

"Don't be like that." mahinhing puna niya rito.

"I'm sure she doesn't mind." sagot nito sa sa kaniya

"German, stop it! Ginagawa mo lang ito kasi galit ka sa akin! Alam ko, okay? I know it. You-"

"Don't be so full of yourself, Jessica." malamig ang boses ni German. "You should leave while I'm still being polite. I'm sure you wouldn't want to be the headline for tomorrow's papers, don't you?"

"I-"

"Leave."

"Fine! But don't think that I don't know that you two are fake." Tiningnan silang dalawa ni Jessica bago siya sinamaan ng tingin at tumalikod. Leaving the two of them alone with an indescribable silence. She studied the man standing beside her, his hands around her dropped the moment Jessica left the place. Jessica got that correctly, they were fakes pero mas mapag-panggap naman ang kasama niya. She shrugged.

"Itutuloy ko lang ang pagluluto ko." saka niya iniwan ang lalaki.

**

Habang naghahanda ng pagkain ay hindi parin umiimik si German. Hindi na rin muna ito pumasok at mukhang hindi ito papasok ng ilang araw base sa nabanggit nito sa kaniya. They are still adjusting to the presence of each other, mostly it's German who's adjusting. Halata niya rito na hindi na ito sanay na may kasama sa bahay.

"Bukas ay magkakaroon na tayo ng ibang kasama sa bahay. Si nana na ang bahala sa pagkain at paglilinis." saad nito habang kumakain sila.

Saglit siyang nanahimik at natigilan. "Hindi ba masarap ang luto ko?" she asked nonchalantly. Kung hindi nito gusto ang luto niya ay pwede naman siyang mag-aral ng recipe ng sinasabi nitong nana o ang nagbantay dito noong maliit pa ito.

Tangled SheetsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα