Part 15

2.1K 78 6
                                    

Naalimpungatan sa pagkakatulog si Danica. May nauulinigan siyang kung anong diskusyon sa labas ng bahay. Pupungas-pungas na bumangon siya mula sa kama. Kinapa ang salamin sa bedside at isinuot. Tumingin siya sa orasan. Alas-singko pa lang ng madaling-araw. Sino ang kausap ni Tupe sa tarangkahan?

Lumabas siya ng kuwarto nang marinig ang ingay ng makina ng motor. Nabungaran niya sa labas ng bahay si Tupe—sumisinghot at umiiyak?

"Tupe?" tawag niya.

"Miss Danica." Lumapit ito sa kanya. Namumula ang mga mata. "Naistorbo yata namin ang tulog mo."

"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"

Nalukot ang mukha nito na waring pinipigilan ang pag-iyak. Pero nang suminghap ito ay nagtuloy-tuloy ang paghagulgol.

"Bakit?" naalarmang tanong niya.

The boy tried to explain between his sobs. "Si Bosing." Suminghot ito at pinahiran ang luha ng suot na t-shirt. "Nasa ospital yung Nanay ni Bosing. Ang sabi ng doktor cancer daw."

Danica couldn't utter a word. Hindi niya alam ang dapat sabihin. Wala siyang mahagilap na tamang mga salita dahil di niya kilala ang taong tinutukoy nito. Hinaplos niya na lang ang buhok ng binatilyo.

"Ilang sessions ng chemotherapy ang kakailanganin. Walang pera si Bosing. Gusto ko siyang tulungan pero wala din akong pera."

"Sandali." Pumasok siya sa loob. Kinuha ang wallet niya sa kuwarto. Twenty-thousand ang cash na naroon. Paglabas niyang muli ay ibinigay niya 'yong lahat kay Tupe.

Nanlalaki ang mga matang umiling ito. "Hindi po, Miss Danica." Itinaboy ang kamay niyang may hawak na pera.

Pilit niyang kinuha ang kamay nito at isinalansan doon ang cash. "Hindi pa ko nagde-deposito ng upa dito sa bahay."

"Pero tatlong libo lang po kada buwan ang sinabi kong presyo."

"Sige. May kapalit 'yan."

"Po?"

"Huwag mo na 'kong tawaging Miss Danica. Ate Danica na lang. Para kong may alalay kapag tinatawag mo 'kong Miss." Ngumiti siya dito.

Lalo itong napaiyak. Nahihiyang tinanggap ang pera. "Hiram lang po ito, Ate Danica. Pangako, ibabalik ko sa inyo ang huling sentimo."

"Huwag na. Okay lang."

"Ibabalik ko po," pilit nito. "Ang sabi ni Bosing, masamang kunin sa iba ang perang hindi mo pinaghirapan. Wala daw po 'yong ipinag-kaiba sa pagnanakaw."

"Grabe ang sense of justice ng Bosing mo, ano? Hindi pagnanakaw 'yon kung may consent ng may-ari."

"Basta po. Babayaran ko 'to."

"Pupunta ka ba ng ospital?"

Tumango ito. "Mamayang hapon po. Papasok muna ako sa trabaho. Tapos dadaan ako sa talyer para abisuhan si Mang Tonyo na hindi makakapasok ng ilang araw si Bosing."

Nalaman ni Danica na nagtatrabaho si Tupe bilang messenger sa isang lending company malapit sa dating hotel na tinutuluyan niya. Sa hapon ay dumidiretso ito sa isang talyer sa mismong barangay at suma-sideline bilang mekaniko. Natutunan daw nito ang lahat ng nalalaman nito sa pagkukumpuni ng sasakyan sa Bosing nito. Hindi daw graduate ng automotive ang lalaki. Chemical engineer daw ito at cumlaude nang magtapos. Hilig lang daw ang pangongolekta ng motorsiklo.

Sabay silang nag-almusal ni Tupe. Bumili ito ng pandesal at pansit-luglog sa kabilang kanto. Halata pa rin ang pagiging balisa nito sa hapag.

"Saang ospital ba naka-confine ang Nanay ng Bosing mo?" tanong niya.

True Colors [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Where stories live. Discover now