Part 48

1.5K 81 6
                                    

TULALANG dumausdos paupo si Danica sa bench na naroon sa plaza. Nanghihina ang mga tuhod niya at nanginginig ang bawat himaymay ng kanyang laman. Pakiramdam niya ay huminto ang oras at wala siyang marinig na kahit na ano.

Galing siya sa clinic ng isang siruhano. Dahil sa dumadalas na hilo, panlalabo ng paningin, at pagsakit ng kanyang ulo ay pinatingnan niya ang mga mata. Isang bagay na malabo niyang gawin noon. Ngayon ay nabawasan na ang takot niya sa mga doktor. Pruweba na nagawa niya itong pakiharapan ng normal. She remembered their conversation that almost sipped all her strength away.

"Kumonsulta ka na ba sa ophthalmologist noon?" tanong ng manggagamot sa kanya matapos silipin ang mga mata niya sa isang malaking equipment na tila sumisilip sa isang microscope. Autorefractor daw ang tawag doon.

Umiling si Danica. "Simula nang maging color blind ako, sa isang optometrist ako dumeretso para alamin kung may gamot doon."

"Ms. Navarro, there is no cure in color blindness," paliwanag ng doktor na siyang narinig niya na rin sa optometrist na tumingin sa mga mata niya five years ago. "May mga naimbentong aided lenses pero hindi accurate at hindi pa available dito sa Pilipinas dahil di common ang color blindness dito. But your vision is totally gray shades. You can't count on it." Alam na rin niya ang bagay na iyon kaya nga dumaan siya sa matinding depression na isa sa mga sanhi ng pagtatangka niya sa sariling buhay. "But if the cause of color blindness is hereditary, of course there's no possible cure because we're talking about genes. Pero kung physical factors ang sanhi tulad ng sakit o ano mang physical condition, iyon ang mismong bibigyang-lunas."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig niyong sabihin?"

"Hindi ka ba ni-refer ng optometrist na iyon para magpatingin sa isang ophthalmologist?"

"No. Ginawa niya. Ako ang hindi sumipot." Dahil ng mga panahong 'yon ay hulog na hulog na siya sa desperasyong hindi na siya makakapagpinta pa kaya binalewala niya na ang lahat. Hanggang sa maipasok nga siya sa sanitarium.

Nagpakawala ng isang buntong-hininga ang doktor. "Ms. Navarro, ipapaliwanag ko sa'yo. Sa loob ng mata natin. May tatlo tayong cone na tinatawag. Ang mga cone na 'yon ang responsable kung bakit tayo nakakakita ng kulay. Kaya nga may mga lebel ang color blindness base na rin sa kung anong cone ang may depekto. In monochromacy which is your case, those three have defects. Kaya shades of black and white lang ang nakikita mo. But it's not a defect per se dahil hindi ito faulty cones na karaniwang makikita natin sa mga hereditary cases. Sa kaso mo which is very rare lalo pa't babae ka, may harang lang sa mga cones na ito, dahil naaapektuhan ang optic nerve mo."

Kumabog ang dibdib niya. Bigla siyang nabuhayan ng loob. "Ibig niyong sabihin puwede pa akong makakita ng mga kulay? May pag-asa pa ako?"

Tumango ang doktor pero walang positibo sa anyo nito. Inilabas mula sa envelope ang resulta ng kanyang MRI. "Ms. Navarro, it's actually not a good thing. The cones in our eyes are connected to our brain. Kung may harang o bara, isa lang ang ibig sabihin no'n. There is a lump inside our brain. O mas tamang sabihing tumor."

Natigagal siya sa narinig. "H-ha?"

"Iyon ang lumabas na resulta sa MRI mo. May tumor ka sa ulo."

She felt like someone slapped her repeatedly. Naiintindihan niya ang salitang 'yon pero bakit hindi 'yon kayang iproseso ng utak niya? "T-tumor? A-ako?" Itinuro niya pa ang sarili.

Tumango ito. "It seemed the tumor got bigger in those five years. Na-detect ito nang lumaki ang bukol. Nagkaroon ng tinatawag na optic pathway nerve fibre compression na naging dahilan ng pagiging color blind mo. Pero kapag nagtagal pa, tuluyan ka nang mabubulag. Kaya nakakaramdam ka na ng panlalabo ng paningin at pagsakit ng ulo."

"D-doc, m-mamamatay ba ako?" pagdidiretsa niya na. Gumaralgal na ang boses niya.

"Hindi ako ang makapagsasabi niyan. Kailangan mong magpa-tingin sa isang neurosurgeon. I will refer you to Dr. Cinco of Cebu Medical Center."

"Doc sabihin niyo, pakiusap! Tiyak na may ideya na kayo! May mga kaso na rin kayong na-handle na ganito, tama?"

"Hindi ako puwedeng magbase tungkol lang doon Ms. Navarro. Iba-iba ang chances base sa laki ng tumor. Si Dr. Cinco ang magpapaliwanag sayo."

"Please Doc! Sabihin niyo. Andyan na ang resulta ng MRI ko. Pihadong alam niyo na iyon."

The ophthalmologist sighed. "I've heard cases but as I've said I'm not a neuro expert so this is just an estimate. Sa kaso mo Ms. Navarro, maaaring forty-sixty ang successful rate ng operasyon."

"Sixty percent na mabubuhay ako? At forty percent na mamamatay ako?"

"No. Forty percent you'll make it and sixty percent you'll not."

Para siyang pinabagsakan ng langit at lupa sa narinig. Kung fifty-fifty nga ay kinokonsidera nang nasa hukay ang kalahati ng katawan mo, iyon pa kayang forty percent lang?

Suminghot si Danica at tuloy-tuloy ang patak ng mga luha niya. "Tuluyan ka nang mabubulag kung hindi ka pa magpapa-opera." Iyon ang huling sinabi nito. But she was afraid to die more than anything right now. She looked at the ring on her finger. Ayos lang kung mabubulag siya dahil makakasama niya pa rin no'n si Jester.

Pero kung mamamatay siya, tapos na ang lahat. Wala na. Nakakatawa na kabaligtaran iyon bago niya makilala si Jester---na mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa mabulag o maging color blind. Pero walang nakakatawa dahil ni hindi niya makuhang ngumiti. She was going insane because of painful denial.

Napasigok siya at nagkatunog ang pag-iyak. Sinagot ang tawag sa smartphone sa ganoong estado. "Kayla..."

"Danica! Nasaan ka na ba? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Kung hindi ka pa uuwi ng Maynila, baka ang Mama mo ang pumunta diyan."

"K-kayla..." she cried and squeaked.

"D-danica? Anong problema? Bakit ka umiiyak?"

Sunod-sunod ang naging pagsinghap at pagsigok niya. "I'm... dying Kayla," umiiyak na siwalat niya.

"Ano?! Bakit? Inaatake ka ba? Panic attack?"

"No. B-brain tumor. Kaya ako naging color blind dahil may tumor ako sa ulo, Kayla." Tuluyan na siyang humagulgol. Walang pakialam kahit pinagtitinginan na siya ng ilang mga taong naroon sa plaza.

****

- Amethyst -

True Colors [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon