Part 29

2K 98 5
                                    

"JESTER, hon!" Niyakap agad siya ni Lizette nang malapitan siya sa loob ng isang café. "I miss you, hon. Bakit ngayon mo lang ako tinawagan? Hindi kita makita kahit saan." Nagtatampo ang himig nito. "Iniiwasan mo ba ako?"

Sapilitan ang ginawa niyang pagkalas sa mga braso nito na nakapaikot sa kanyang leeg. "Lizette, please. Mag-usap tayo ng masinsinan."

Kunot ang noong naupo ito sa kabilang panig ng table nang senyasan niya itong maupo.

"Pinuntahan mo daw si Nanay noong isang Linggo?" pagbubukas niya ng usapan.

Hindi ito nakakibo. Lumatay sa mukha ang pagdududa at pait. "Alam mo na, hindi ba?"

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin Liz?" Pumiyok ang boses niya dahil sa hinanakit sa dating kasintahan. "Bakit hinayaan mong makalaya ako para sa wala?"

Pumikit ito. Tumulo ang mga nag-aambang mga luha sa pisngi. "Dahil wala kang kasalanan. At dahil mahal kita. Sobra. Kaya ginawa ko ang lahat para pumayag si Atty. Asuncion na hawakan ang kaso mo."

"Do you still think that I'm going to marry you with that bastard's child?" pagdidiretsa niya.

Ngunit hindi man lang ito natinag. "Oo. Dahil para 'yon sayo."

Mariin siyang pumikit at marahas na huminga. "Liz... hindi ko iyon hiniling sayo. Hindi mo ko binigyan ng pagpipilian. Alam mong hinding-hindi ko hihingin sayo na gawin iyon."

"Kaya nga hindi ko sinabi e! Kaya nga gusto kong huwag mo na lang malaman!" Humahagulgol na sinalo nito ang mukha. "Hindi ko mapapatawad si JC sa pagsasabi niya sayo. Ipapalaglag ko itong bata."

"No!" agad na saway niya sa sinabi nito. "You won't do that, Liz! You're not that kind of girl!"

Suminghut-singhot ito. "But you're breaking up with me, Jester."

"Oo, dahil 'yon ang tama!"

"No! Ayoko!" Walang tigil ang pagpupunas nito ng panyo sa mga mata. "Hindi ko mahal si JC! Hindi ako magiging masaya sa kanya."

Kinuha niya ang isang kamay nito sa mesa. "Kaya mo. Magiging masaya ka sa kanya para sa magiging anak niyo. Liz , ikaw ang pumili sa daang ito. Kailangan mong panindigan at kailangan kitang talikuran."

"Don't you love me anymore Jester?"

He looked at her with all the feelings he locked inside his heart. "I do. I still do. And I don't know If I'm going to love anyone the way I love you." Ngunit umiling-iling siya. "Pero may kailangan na tayong ikonsidera sa sitwasyon natin ngayon, Liz. Hindi ikaw. Hindi ako. Kundi yung mga taong kailangan nating protektahan."

True Colors [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon