Part 32

1.9K 92 9
                                    

"Bosing. Nagpaalam ka ba kay Ate Danica?" Ang tanong na iyon ni Tupe ang umagaw sa atensiyon niya. "Dapat kahit papaano, sinabihan mo siya na aalis ka na ngayon."

Ginawa niya na. Pero sa mismong araw na iyon ay wala siyang lakas ng loob na harapin ito. Hindi niya alam kung bakit. Nanatili lang siyang nakamaang sa saradong pinto nito. Hindi naman masakit sa tainga ang naging paliwanag niya dito pero ang pagtanggi ay pagtanggi. Sa huli ay isang mabigat na buntong-hininga lang ang nagawa niya bago tuluyang lisanin ang kanyang bahay.

"Tupe, ikaw nang bahala sa kanya, ha?" habilin niya dito. "Uuwi ako sa operasyon ni Nanay." Tumayo siya nang lumitaw sa departure board ang flight niya. Ginulo niya ang buhok ni Tupe. Niyakap at tinapik si Bob sa likod.

"Suwertehin ka sana doon, pare," anang kaibigan niya.

Jester just nodded at him. Sana nga. Bitbit ang traveling bag, akmang maglalakad na siya paalis nang isang bulto ng babae ang mahagip ng mga mata niya. Bigla ang ginawa niyang paglingon. Kumawala ang isang singhap sa lalamunan ni Jester nang matukoy niya kung sino iyon.

Danica was standing meters away from him. Daig niya pa ang namatanda. Wala ang pamilyar na salamin sa mga mata. Wala ang hood ng sweatshirt na nakasaklob sa ulo. Isang simpleng puting bestida ang suot nito pero walang simple sa itsura nito. The girl was no doubt a beauty. And she was glowing again. Sino mang kalahi ni Adan ang mapapatingin dito ay tiyak na hindi ito lulubayan ng tingin. At iyon nga ang nangyayari sa kasalukuyan.

Dinig niya ang ginawang pagpito ni Bob. "Sino yan? Artista?"

"Ate Danica..." tawag dito ni Tupe.

Scopophobia. The fear of being stared at. Maraming nagdadaang tao sa loob ng airport. Ang ilang mga kalalakihan ay halos magkandabali ang leeg sa pagbaling dito. Kitang-kita ni Jester mula sa kinatatayuan niya ang pagkakakuyom ng mga kamay nito sa gilid—the habit of the girl biting her lips and the stiffness of her body. Isang teenager ang napadaan at walang paalam na kinuhanan ang dalaga ng larawan. Lalo itong tila naging bato. Then he realized that the girl was suppressing her breath. What the hell?!

Nanlalaki ang mga matang tinakbo niya ang direksiyon nito. Kumurap si Jester nang hawakan niya ang babae, nanlalamig ang katawan nito. Namumuo ang pawis sa noo. "D-danica! Danica! Danica!" nag-aalalang sinapo niya ang mukha nito at pilit na ipinaling sa kanya.

She wheezed like an asthmatic. "They were staring at me... people are staring at me..." paulit-ulit na bulong nito habang nandidilat ang mga mata. Maputlang-maputla ang kulay nito. Naninigas ang katawan.

Agad na hinubad ni Jester ang jacket at isinaklob sa ulo nito. "It's okay. It's alright. Wala nang nakatingin." Marahas na tinabig niya ang binatilyong nakatutok pa rin ang smartphone sa kanila. "Delete that or I'll sue you," babala niya dito. Umatras naman ito na waring nahintakutan.

"Pare!"

"Bosing!" Patakbong lumapit sa kanya sina Tupe at Bob. Nang ilibot niya ang tingin ay kumukuha na sila ng atensiyon sa loob ng airport. At ang dalagang kabig-kabig niya ay walang tigil ang panginginig.

"Bob, umalis na muna tayo dito," instruksiyon niya sa kaibigan. Pinagtaasan siya nito ng kilay pero isang nakikiusap na tingin ang ibinigay niya dito. Dumako ang paningin nito kay Danica at napapakamot sa ulo na napabuntong-hininga na lang ito.

Nang nakasakay na sila sa owner jeep ng kaibigan niya ay saka naman umiyak ang dalaga. "I-I'm s-sorry Jester. S-sorry." Her lips were quivering, so as her voice. "Ang a-akala k-ko kaya ko," humihikbing paliwanag nito. "S-saan tayo pupunta? F-flight mo na, di ba?"

Nagkatinginan silang tatlo nina Tupe at Bob. Sinenyasan niya ang kaibigan na iiwas tingin nang pakatitigan nito si Danica sa passenger's seat sa tabi niya. Nagtatanong ang mga mata nito pero nagawa itong sikuhin ni Tupe upang huwag munang umentra.

"Pupunta tayo ng ospital, Danica," malumanay na pahayag niya dito. But that only aggravated her condition.

"No! No! No!" mariing tanggi nito na may kasama pang marahas na pag-iling. "Hindi ang ospital! Huwag mo kong dadalhin doon!"

Natigilan si Jester. Naalala ang kuwento ng dalaga tungkol sa asylum na pinagdalhan dito. Marahil ay hindi nito gusto ang kaparehong ambience ng institusyon. "Okay, okay. Calm down, Danica. Iuuwi kita sa bahay. Pero hindi ko alam ang gagawin para mapatigil ang panginginig mo. And for Pete's sake don't hold your breath! Mauuna pa kong atakehin sayo."

Sumingasing ang babae. Unti-unting huminga sa bibig. "S-sorry. Hindi ko mapigilan. May downers ako sa bahay. P-pero ang flight mo?"

Umiling siya at inakbayan ito. Inayos ang pagkakasakblob ng jacket niya sa ulo nito. "Huwag mong intindihin ang flight ko. Sarili mo ang intidihin mo. Hindi halata pero kinakabahan ako dito, Danica." Mahigpit na hinawakan niya ang kamay nitong nangangaligkig pa rin.

Nang makarating sila sa bahay niya ay maagap na dinala niya ito sa kuwarto nito. Inutusan niyang kumuha si Tupe ng tubig para dito. Pinaghintay niya Bob sa labas.

The girl was still trembling while holding the glass of water. Inalalayan niya itong makainom ng gamot na nanggaling sa plastik na botelya sa drawer ng bedside. Pagkatapos ay patang nahiga ito sa kama. Kinumutan niya ito nang mamigat ang talukap ng mga mata nito. Nakuha pa ring magpasalamat sa kanya ng babae bago ito tuluyang pumikit.

Paglabas niya ng bahay ay nakaabang kaagad sa kanya sina Tupe at Bob.

"Pre sino 'yon? Bago mong girlfriend?" kaagad na tanong ng kaibigan niya.

"Si Kuya Bob ang kulit, sabi na ngang hindi e. Malabong ligawan ni Bosing si Ate Danica." Si Tupe ang sumagot para sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may magandang babaeng nakatira sa bahay mo?" Hindi nito pinansin si Tupe at patuloy siyang inenteroga.

Napakamot siya sa ulo. Hindi niya alam ang sasabihin dahil ang isip niya ay nakatuon pa rin sa babaeng namamahinga sa kuwarto. Sa halip ay apologetic na sinulyapan niya ang kaibigan. "Bob, pasensiya ka na. Mukhang hindi na ako makakaalis. Makitawagan mo yung pinsan mo. Ihingi mo na rin ako ng dispensa sa tiyuhin at tiyahin mo." Nilamukos niya ang plane ticket sa mga kamay.

"Sigurado ka ba, pre?"

Alam niyang malaking kaabalahan ang idinulot niya sa kaibigan. Pero hindi niya kayang umalis na ganoon ang kalagayan ni Danica. Lalo siyang nakukunsensiya. "Sigurado na, pre." Jester sighed again. "Pasensiya na ulit. Nakakahiya sa mga kamag-anak mo."

Bob tapped his shoulder. "Sige, okay lang. Kahit ako, pigilan ng ganoong babae, matutuliro din ako. Pero anong problema no'n? Takot sa mga tao?"

"Scopophobic. Takot matingnan. Takot sa atensiyon," maikling paliwanag niya.

Pumalatak ito. "Problema nga 'yon. Maganda pa naman."

"Kuya Bob, isusumbong kita sa Misis mo," banta dito ni Tupe. Inihilamos lang nito ang isang kamay sa binatilyo bago nagpaalam.

****

- Amethyst -

True Colors [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Onde histórias criam vida. Descubra agora