KABANATA 1

69 6 1
                                    

"Ready and standby. We only have 1 minute before airing." Tumango kaming lahat kay Direk at nag ayos na para sa interview namin. Premiere na kasi bukas ng bagong movie namin kaya puro kami interviews at guestings para sa promotion at advertisements.

Ng makita namin na nagkulay pula na yung 'Air' ay nagsimula na yung host na iintroduce kami.

"Good morning sa ating lahat. Kasama namin ngayon ang mga characters at casts ng El Salvacióné. Let's all welcome Acia Domingo, Nico Cruz, Paulo Santiago and Sitty Arsena!" Nakangiti naman kaming kumaway sa mga audience at sa camera ng ipakilala kami ng host. Eto naman ang usual naming ginagawa eh.

"Hello girls!" kumakaway sabay kindat na bati ni Paulo at Sanjo na nginiwian na lang namin ni Sitty.

Natawa naman ang host sa patitilian ng babaeng audience.

"So how's life?" Tanong ng isang kasama ng host na may maintrigang ngiti. Tsk. Heto na naman sila.

"Same old. Same old.Single pa din. Tsk." Sagot nila na natatawa. Pati na rin kami natawa ng bahagya. Paissue.

"El Salvacione is a historical fiction story right? Can you tell us some hints about sa movie?" Panimula naman ng host. Nagkatinginan kami saglit tapos nagsenyasan kung sino ang sasagot.

"Yep! El Salvacione is a historical fiction written by our beloved author ms. Maxchy and this movie is all about a General's Salvation story who lived in Spanish Colonization era 1800s." Panimula ni Sitty. Tumango tango naman yung dalawang host as a sign na ituloy yung summary nung story.

"Heneral Joaquin Francisco Vargas is a half Spanish half Filipino Civil Guard in 1800s. Sa kaniyang pamumuno bilang Heneral ng Espanya sa Pilipinas maraming pagsubok ang dumadating sa kaniya. His life is always in danger. Lalo na at maraming Pilipino ang nag aaklas sa pamumuno ng mga Espanyol. But at the end let's just wait for the release of the movie para hindi kami maging spoiler." nagtawanan kami sa huling sinabi ni Paulo dahil akala namin sasabihin niya na yung end nung story.

"Naku akala namin sasabihin mo na Paulo eh." Sabi nung isanng host kay Paulo na natatawa pa din sa kalokohan niya. Napailing na lang kami.

"So Acia, how does it feels like to be the leading lady of the lead character of El Salvacióné?" Napabalik wisyo ako ng tawagin nung host yung name ko. I hate history really. Not to be bitter pero diba naman past is past. Bakit pa kasi kailangang balik balikan yung history na yan. Psh.

"Ahh---well since you all know naman that I'm not fond of history. Ok lang naman it's just a normal thing to get amazed and pressured at the same na ako ang leading lady ni Heneral Vargas sa movie kasi I hate history. Wala akong mapaghugutan para makarelate sa story." Alanganin kong sagot. Kita kong natahimik silang lahat even direk. I'm just being honest.

"O-Oh sabagay... Mahirap mag act kapag hindi ka makarelate sa story diba?" Sabi naman nung kasama nung host na hindi pa yata maka-move on sa mga sinabi ko.

***

"ACIA!!!"

Napaupo ako ng di oras mula sa pagkakahiga ko sa sofa dito sa office ni Manager Scyla.

Pinatawag niya kasi ako dahil nagviral yung interview ko na umamin akong hate ko ang history. Ngayon marami ang bumatikos sa interview ko. Tsk.

"Acia! Ano bang kalokohan pumasok sa kokote mo ha? Look what you've done! Gusto mo bang masuspend? Pati Phil. Historical Commission binabatikos ka na!" Bulyaw niya sa akin habang nakapameywang siya sa harap ko.

"Tsk. Naging honest lang naman ako. I hate history. The end." Bored kong tugon kay Manager na napapailing na lang habang nakapameywang pa rin at nakatingin ng masama sa akin.

El SalvacioneWhere stories live. Discover now