KABANATA 2

33 5 0
                                    

Paggising ko tinignan ko agad kung anong oras na before bumangon.

Timecheck: 5:00am.

Ok ang aga kong magising. Well mas better ng maaga kesa ako ang hinihintay. Bumangon na ako at inayos ang higaan ko tsaka pumasok ng banyo para simulan ang morning routines ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at pumunta na sa kusina. Nakita ko si mom at dad doon magkatulong na magluto ng breakfast namin.

"Good morning mom, dad." I greeted them. Nagulat ko yata sila dahil napahawak sa dibdib niya si mom. I chuckled at their reactions.

"Good morning princess, can you wake our Sitty up? Ihahanda na namin tong breakfast natin." Mom ordered and I nodded and head to Sitty's room and knocked on her door.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto niya bago pumasok only to find out na tulog pa siya. Napairap na lang ako. Kahit kelan tulog mantika talaga itong babaeng 'to.

"Hoy tulog mantika! Sitty bangon na dyan! May lakad tayo ngayon remember? Hoy bangon na! " panggigising ko sa kaniya pero no epek kasi nagtalukbong pa siya ng unan sa mukha. Ayaw mong gumising ha!

"Aba! Sige sabi ni Paulo pag di ka daw bumangon dyan aalis na siya---" di ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla siyang tumayo pero dahil tatanga tanga at excited siyang makita crush niya kaya ang ending? Nahulog po siya sa kama!

Tawang tawa ako sa itsura niya ngayon na nakasalampak sa sahig habang hawak ang pwet niya at ang sama ng tingin sa akin tapos nagpout siya.

"Ate Acie naman eh!" Nakapout niyang sigaw sa akin. Natatawa kong inalalayan siyang tumayo dahil as a responsible cousin-bestfriend I know masakit talaga yung bagsak niya.

"Ayan kasi excited makita si crush nafall ka tuloy sa kama mo." natatawa ko pang sabi sa kaniya na nakapout pa din. I'm trying not to laugh again kaya sinabihan ko na siyang mag ayos tapos bumaba na.

Pagbaba ko nakasalubong ko pa si dad na paakyat sa hagdan. Tumigil siya sa pag akyat ng makitang pababa na ako.

"Ano yung kumalabog sa taas Acie?" Tanong niya and I burst in laughter after I remember Sitty's epic wake up.

"W-wala po yun dad excited lang po si Sitty na makita yung crush niya kaya nahulog siya sa kama." sagot ko kay dad habang natatawa pa din.

Nangunot saglit ang noo niya tapos natatawang napailing na lang tsaka bumalik sa kusina. Sinundan ko naman si dad tyaka gumawa na ako ng pang snack namin mamaya. Which is bunwich. Sandwich na hindi tasty bread ang gamit kundi burger bun kaya bunwich tapos ang laman is vegetable salad and beef patty with col - slow dressing. My favorite. Saktong pagkatapos kong ihanda yung mga bunwiches na ginawa ko ay ang pagdating ni Sitty kaya sabay sabay na kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay nag ayos na kami ng sarili dahil maya maya ay darating na sila tita Camille.

Ilang minuto pang lumipas ay dumating na nga sila at sumakay na kami sa van. Bumili muna kami ng bulaklak tsaka kandila bago pumunta sa sementeryo.

Pagdating namin sa puntod nila mommy ay agad kaming nagtirik ng kandila at inilagay ko na yung bulaklak sa ibabaw ng puntod nila at umupo ako sa damuhan. Nasa likod ko naman sila mom, dad, tito, tita at sila Sitty at tahimik na nagdadasal. Napayuko ako ng ulo ko at napaiyak na naman but this time tahimik lang akong umiiyak. Ayokong mag alala sa akin ang mga kasama ko.

Mommy, daddy I miss you so much na po. Sorry at hindi ako madalas makadalaw sa inyo. Hanggang ngayon di ko pa din matanggap ang pagkamatay niyo. Bakit kayo pa po kasi yung nawala? Bakit hindi na lang ako? Sorry po if I'm thinking about that but I just can't help it. Mahal na mahal po namin kayo. Namimiss na namin kayo. If only I can bring back the time sana hindi pa kayo patay ngayon.

El SalvacioneWhere stories live. Discover now