WAR #12

235 36 0
                                    

"Good girls better get bad"

That's my Girl By: Fifth Harmony

"So this is the girl who rebelled against your brother?" the girl with red hair said.

"You didn't look like someone who would rebel against anyone. You look small and cute" sambit naman ng kasama niyang gray and buhok.

I smiled awkwardly. Gagang to, sabihan ba naman ako ng maliit.

Pinatulog ko lang saglit si Zef, gusto ko kasi na natutulog siya sa hapon para lumaki pa siya, 'di tulad ko. Pagbaba ko ay may mga bisita na si Harriet.

The girl with red hair is Jamie and the other one is Annie.

They are sisters and Luke got them to help us. Ang isa ay hacker at ang isa naman ay stylist.

"Enough with that, we need you to help us" seryosong tugon ni Harriet.

Tumango naman ang dalawa.

"We are planning for a strike. Jamie we need you to help us hacking the cctvs and speakers. Ikaw naman Annie, kailangan namin ang materials mo. We have to disguise. We still got one week to prepare" Harriet has a potential of being a leader. Seryoso siya sa mga ganitong pagkakataon.

Napagkasunduan namin na magkita-kita sa araw bago ang strike. Kinakabahan ako, hindi pa namin sigurado kung sasang-ayon ba sa akin ang mga kababaihan doon.

Ibang bagay na ang pinaguusapan nila dahil nasabi naman na ni Harriet ang plano. Hindi naman ako masyadong makarelate dahil ngayon ko lang din sila nakikila.

Nanatili lang ang tingin ko sa telebisyon. Wala din naman akong maintindihan sa palabas dahil nasa ibang bagay ang isip ko.

Hinihintay ko nalang din ang tawag ni Erik at Fred. Kay Harriet sila tatawag at mag-babalita kung ano nang nangyari sa binilin ko sa kanila. I am so thankful I met them.

Maya-maya pa ay natahimik ang tatlo dahil pumasok si Pyro sa loob ng kabahayan. Napalingon siya saglit sa akin pero agad din namang nag-iwas para kausapin si Harriet.

"Our brothers are coming, we will occupy the couch" sambit niya na parang wala lang ang pag-papaalis niya sa aming kinauupuan. I don't know any of his brothers except that Tyron one.

Umakyat si Pyro sa kanyang kuwarto.

"Wala pa talagang nangyari sa inyo?" bulong ni Annie sa akin. I was caught off guard with her question.

"Tigilan mo nga yan Annie. Saan tayo Harriet?" tanong naman ni Jamie.

"Eh kasi naman, ang imposible!" hindi pa din tumitigil si Annie.

"Darling, there is more to life than male attention" maarte kong sambit.

Napasimangot si Annie, tumawa naman si Harriet at Jamie.

Harriet said we should just stay in the kitchen. Kailangan niya din kasi mag-prepare ng pagkain para sa kanyang mga kapatid. She doesn't seem to be excited at her brothers arrival.

Habang tinutulungan ko siya sa kusina, nanatili namang nakaupo sina Jamie at Annie sa stool malapit sa amin.

We prepared some nachos for her brothers.

"I forgot to tell you something Zachy" pamabasag niya sa katahimikan naming dalawa.

Tiningnan ko siya at nag hintay sa sasabihin.

"Well, as for Cody.... he's my uhm..."
Tila ba hirap na hirap siyang sabihin.

"Don't tell me boyfriend mo din si Cody? Fuck Harriet!" pabulong na sigaw ko. Binatukan niya naman ako.

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora