WAR #43

94 8 0
                                    

"Just a touch of your love is enough to take control of my whole body"

Touch By: Little Mix

Lahat kami ay napa-bagsak na lamang sa sofa pag-uwi. Maya-maya lang din ay nandito na sina Mina, Tyron at Myco, siguradong lupaypay din sa pagod ang tatlong yun. Lagariin mo ba naman ang mga isla ng Pilipinas eh.

Walang nag-tangkang mab-bukas ng telebisyon, puro balita lang daw kasi tungkol sa kanina ang ipapalabas. Hindi naman sa ayaw namin sa balitang iyon, nag-kasundo lang kami na ayaw namin makita ang aming mga mukha sa telebisyon.

"Hindi halatang hindi ka prepared sa speech ah" pang-aasar nanaman ni Harriet. Kanina pa ganyan yan, palibahasa walang pumipigil dahil nauna nang umakyat si Luke kasama ang mga bata sa kuwarto.

Mukhang pagod din dahil sa dami ng inasikaso, everyone's safety is important.

"Infairness, puwede na" singit ni Lali. Nahawa na siguro sila kay Cody at nag-team up pa para pag-diskitahan ako.

"Anong puwede na?" ayan na nga ba, nakisali na si Cody.

"Puwedeng nang asawa ng president. First lady ang dating eh" Lali continued.

I looked at her flatly. Sa dami ng gagawing nobyo eh yung katulad pa ni Cody, na-virus tuloy ang utak niya.

"I won't be the president anymore" sambit ni Pyro, he got our attention.

Hindi na siya? Eh sino na? Si Cody? Huwag naman sana, mukhang matino pa naman si Pyro para gawin ang bagay na iyon.

"What do you mean?" tanong ng kanyang nakababatang babaeng kapatid, naguguluhan din ang tinig.

"I will quit and leave the position to Myco"

I didn't expect that from him, well Pyro is really full of surprises.

Kay Myco niya ipapaubaya ang Pilipinas? Myco is an honorable man, except sa pang-hahalik ng babaeng hindi niya kilala sa club ah, mas malala din naman si Pyro sa kanya pag-dating sa ganoong larangan. Sa kanilang mag-kakapatid, mukhang si Myco nga ang pinakang qualified na sumalo sa tungkulin ni Pyro.

Tyron is busy with his hospital, devoted siya sa pagiging doctor at nagpapatakbo siya ng sarili niyang pagamutan kaya malabong nagka-oras pa siya para sa pagiging presidente. Don't even get me started with Cody, baka gawin niyang playground ang buong Pilipinas. Mababaliw ang kanyang nasasakupan dahil sa mga kakokohan niya. Harroet never wanted to be someone that high, she'd probably reject the offer if ever. Alangan namang si Harley? Shit, natawa ako dahil sa naisip ko.

"Sinasapian na si Zach!" sigaw bigla ni Cody, pinag-krus pa ang mga daliri at saka itinapat sa akin.

Walanghiya talaga ang bruhong ito.

"Are you thinking about Tom Holland again?" nang-aakusang tanong ni Pyro, hindi ko alam kung seryoso o nag-bibiro.

Nasabi ko na ba na.... kakaiba talaga ang mga Fox? Lahat sila ay nakaka-bwiset pero sa iba't-ibang paraan.

Cody keeps on nagging me. Pyro is always teasing me. Harriet makes me wear revealing clothes. Harley keeps me up sometimes at night because of her loud cries. Myco? That freak just kissed me at the club!

Mukhang may matino pa naman, si Tyron. Bless Mina's soul though.

Inirapan ko lang si Pyro, umusod siya papalapit sa akin at saka nilagay ang kanyang braso sa aking batok.

Tahimik lang kami at walang nag-sasalita, ang iba ay nakapikit, ang iba naman ay nakatingin sa kawalan. Masyado sigurong pagod kanina, ang dami din kasing inasikaso ng magkakapatid na ito. Madami silang kailangang batiin na may matataas na posisyon.

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Where stories live. Discover now