WAR #42

83 7 0
                                    

"Standing there, killing time, can't commit to anything but a crime"

All the good girls go to hell By: Billie Eilish

Pyro tapped the microphone before speaking. I can't help but feel amazed by watching him speak infront of many people. Oo matapang ako at palaban, pero ma-iihi siguro ako kung ako ang naroon sa kanyang puwesto. Nakakamangha din na hindi siya nag-ingles sa kanyang mga sinasabi. We really wants to prove that even though his facial features are foreign, he really belong in this country. This is the land where he was born and the land that witnessed all his hardships and struggles in life.

Ang media ay hinarangan ng officers para hindi ito makalapit sa crowd at sa stage. Dalikado kung dadami pa lalo ang mga tao at gugulo ang paligid.

"Pasensya na at inabot pa ng ilang taon bago ko napawalang bisa ang batas na pinatupad ng aking tiyuhin. Tama ang inyong narinig, Anthony is not my father. Jonathan Fox is my real father. To make the long story short, ginamit ako ng akala kong ama at hinawakan niya ako sa leeg" I heard heavy gasps from the crowd. And ilang ay nag-bulungan pa dahil sa sinabi ni Pyro.

I'm glad he already cleared his name, he doesn't deserve the hate.

Eto ang mali sa mga tao eh, they judge according to their judgement.

"I don't want to make anymore excuses, I just wanted to say sorry. Patawad sa mga pamilyang nasira, patawad sa mga haligi ng tahanan na nawalan ng mga importanteng babae sa kanilang buhay at patawad sa mga babaeng kinailangan manirahan sa ganoong klaseng lugar. Patawarin niyo ako kung kailangan niyong maranasan ang lahat ng ito. Patawarin niyo ako kung kailangang mag-hirap ng nakararami sa inyo"

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha habang nakikinig sa kanya. I am so proud of him.

"Madami akong napag-tanto dahil sa buong buhay ko ay nag-patali at nag-pagamit lamang ako sa aking tiyuhin. Nabalot ako ng takot at pangamba ngunit hayaan niyo akong ipakilala sa inyong lahat ang babaeng tumayo sa kanyang sariling mga paa at nag-pamuka sa akin kung gaano ka-mali ang lahat ng nangyayari"

Napaigtad ako nang marinig ang mga salitang iyon kay Pyro, lumingon siya sa gawi ko kaya naman mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. Damn this guy! I am not fond of attention.

Ngumiti siya sa akin pero sinimangutan ko lamang siya. Si Cody ay tawa na nang tawa, pati sina Tyron at Myco ay tumatawa mula sa malalaking screen. Nag-tataka tuloy ang mga tao kung bakit sila tumatawa, baliw talaga ang magkakapatid na Fox na ito. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit nag-tatawanan sila!

"Her name is Zacharias. The only girl who stood up against me, ang tanging babae na nananapak ng mga officers sa loob ng pasilidad. Alam kong kilala niyo na siya dahil siya ang tinaguriang 'The Master's Slut' but trust me, she is far from one. She is a precious gem-"

"Amazona yan kuya!"

Punyeta talaga ang Cody na ito, kung wala lang mga bata sa gitna namin ay nabugbog ko na siya.

Nag-hiyawan ang mga tao na para bang nanunukso, nangingibabaw ang sigaw nina Rhian. Nilingon ko siya, mukha siyang nag-poprotesta sa kasisigaw niya ng kung ano-ano na hindi ko naman maintindihan.

Umiling si Pyro bago muling nag-salita.

"I know you don't want attention Zach, but you deserve this. The people deserves you words so please come here and let them hear your voice"

Shit. Hindi ko alam kung tatayo ako o ano, kung susunod ba ako sa utos niya o hindi. Ang sarap sabunutan! Tinulak ako ni Harriet, tumatango-tango pa, inuutusan ako na pumayag na.

Slut Keeping Facility (#Wattys2020)Место, где живут истории. Откройте их для себя