DDCT2

2.2K 79 3
                                    

Maaga akong nagising. I checked my watch it's 5 am in the morning. Ang usual na gising ko ay 7:30 or 8 pa kasi 9 or 10 ako pumupunta sa office depende nalang kung may mga meeting.




Bumangon na ako at napansin ko yung comforter na nakapatong sa katawan ko. Kumuha ba ako ng comforter?
Nakita ko si Jema na mahimbing pang natutulog sa kama namin. I stretch my shoulders and my back ang sakit eh. Pati leeg ko masakit. Sana pala sa kabilang room ako natulog.




Pumasok ako sa walk in closet namin para kumuha ng damit pang office. Lumapit ako kay Jema para halikan ito sa noo at magsabi ng Goodmorning kahit na di naman niya maririnig. At tsaka ako lumabas papunta sa kabilang kwarto para doon nalang maligo.





Wala kaming katulong dito ni Jema. Lagi naman kasi kaming wala kaya ok lang. Nagpapapunta lang ako ng mga limang katulong dito na galing sa bahay namin every week para maglaba ng damit namin at para maglinis na rin ng buong bahay.





Nang matapos ako hindi ko na ginising si Jema. Naiinis parin ako because of our little argument kagabi siguro nga mali talaga ako.





Nasa daan na ako papunta sa office ko. Dumaan ako sa isang coffee shop para magkape. Ilang oras din ako doon para mag muni muni. Mga 7 am na nang magpasiya na akong pumunta sa office. Sumalubong agad ang valet ng makita ang sasakyan kong huminto sa may tapat ng building.




Valet: Goodmorning po Ms. Wong.



Tinanguan ko lang ito at dumiretsyo na ako sa elevator patungo sa floor ko. As usual marami ang bumati sakin mukhang mga gulat pa sila kasi ang aga ko. Pagkarating ko sa opisina ay naupo na ako sa swivel chair ko. Kinuha ko ang telepono para tawagan si Anne.



"In my office now!"



Sabay baba ko sa telepono at nag umpisa na ako sa trabaho ko. Maya maya lang ay may kumatok sa pinto ng opisina ko. It is Anne my secretary.


Anne: Goodmorning boss.



"What's my sched for today?"



Sabi ko habang nagbubuklat ng mga papers sa lamesa ko.



Anne: May meeting ka po with new investor by 3 pm.



"Can I see the profile?"



Anne: Boss wala pong binigay masyado pong private kahit po pangalan wala.



First time yata na walang maglalabas ng kahit anong info sa kanila ah. I believe in privacy naman so sige.




Anne: Ang tsismis po boss sa baba ay matandang babae na masungit, kulubot na ang balat boss tapos byuda.




Napangiwi naman ako sa sinabi ni Anne. Bakit parang puro negative yata ang description sakanya.



"Other than that may meeting pa ba ako?"



Anne: Wala na boss.



"Just remind me again later about the meeting"



Tumango siya at tsaka lumabas na ng opisina ko.Maya maya lang ay tumunog naman ang phone ko. Sumandal ako sa swiveling chair ko bago ko ito sinagot.




Misis ko Calling...



Maghehello palang sana ako pero sunod sunod na sermon agad ang binungad sakin.


Dreams Do Come TrueWhere stories live. Discover now