DDCT13

1.7K 92 15
                                    

Kabado man ay natapos ko rin nang maayos ang pagliligpit nang pinagkainan namin. Isang himala na wala akong nabasag sa mga hinuhugasan ko. Naglalakad na ako patungo sa sala kung saan nakaupo si Deanna. Seryoso ito habang sumisim-sim sa wine niya.


Naupo ako sa kahabaan nang sofa na inuupuan niya. Pero pagkaupo na pagkaupo ko ay saka naman siya tumayo habang hawak sa kaliwang kamay ang wine glass niya at ang kanang kamay ay nasa bulsa nang jogger niya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa ikinikilos nito. Kanina ko pa kasi pansin na umiiwas siya sakin.


Deanna: Talk.

Napamaang ako sakanya. Yun lang ba ang sasabihin niya? Ano naman ang sasabihin ko.

"H-Huh?"

Deanna: I said talk.

Mahinahon ngunit may diin niyang sabi.

"Anong sasabihin ko? I don't have any idea why are you acting like this tapos sasabihin mo talk?"

Deanna: Mm.. tell me why are you in the hospital?

Natigilan ako. Pero agad ding nakabawi.

"I-I was there when I took the result of my test."


Diretsyo siyang nakatingin sakin. Nakasandal ang kanan niyang balikat sa may gilid ng wall nang aming living room habang nakasuot ang kaliwang kamay sa bulsa at ang kanang kamay ay nakahawak sa wine glass. Uminom ito sa wine niya nang hindi inaalis ang tingin sakin.


Deanna: Result of your test? Yeah...but as far as I remember...

Tumayo na siya nang tuwid.

Deanna: You told me last night that your result was okay? So it means you got your result already, right?




"Y-Yeah yun nga ang s-sinasabi ko. Nagpaalam nga ako sayo di ba?"


Deanna: Kanina..what did you do to Doc. Bersola's office?


Shit.. eto na nga ba ang sinasabi ko. Malamang sinabi ni Rosie yun.

"W-Who said that to you?"

Deanna: It doesn't matter.. I'm asking you kung bakit ka nandon sa hospital kanina.

Medyo tumaas na ang boses niya. Nakita ko kung pano humigpit nag pagkakawak nito sa wine glass niya. Kaya naman dali dali akong tumayo sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sakanya.


"Let me explain l-love..."


Hahawakan ko palang siya sa magkabilang braso niya ay agad na siyang umiwas sakin. Napapikit naman ako at napakagat sa labi ko. Kasalananmo to Jema.


Deanna: Go on! Explain.

Sabi nito kaya humarap ako sa may likuran ko para makita ko siya. Galit na galit ang mukha nito.


"Doc Bersola called me kaya nandon nga ako sa hospital kanina...s-she discussed everything tungkol sa lagay ko."

Hindi ko na mapigilan ang hindi maluha. Nakatungo ako habang nageexplain.


"S-Sabi niya kung pipilitin natin pwede parin akong mabuntis pero h-hindi ko daw kakayanin ang panganganak...it can caused death saakin at sa magiging anak natin... ang isang paraan nalang daw ay hahanap tayo nang magdadala sa baby natin."

Dreams Do Come TrueWo Geschichten leben. Entdecke jetzt