DDCT8

2.2K 109 6
                                    

WARNING ⚠️

MAY KAUNTING SPG!!




Deanna

Sobra sobrang saya ang nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Jema noong nakaraang araw. Halos mapunit na ang labi ko kakangiti nang malawak habang nag dadrive ako.



Jema: Kinakabahan na ako sayo love ha. Kanina ka pa ngiti nang ngiti jan sino ba yang iniisip mo ha?


Saglit ko siyang sinulyapan. Nakahalukipkip ang kanyang braso sa dibdib niya at mataray na lumingon sakin.


"Wala naman. Naiisip ko lang na sa ngayon ikaw yung taong pinakamamahal ko."


Pasulyap sulyap ako sa kanya tinitingnan ko ang reaction niya habang iminamaniobra ko ang sasakyan.


Jema: Ha?

Tsk slow.


"Sabi ko ikaw ang pinakamamahal ko for now."


Jema: For now?!!


Pinigilan ko ang pagtawa ko dahil sa reaction niya. Nanlalaki pa ang mga mata.


"Oo for now."


Jema: Ah ganon? So may balak ka pang magmahal nang iba?


"Oo tapos tatawagin ka niyang MOMMY."


Paglingon ko sa kanya ay natatawa na ito bahagya pang namula tapos hinampas ang braso ko.


"Love I'm driving ano ba."

Nagulat kasi ako sa paghampas niya buti nalang at nakadaan na kami sa intersection na bago niya ako hampasin.


Jema: Bwisit ka kasi!

Tumawa nalang ako. Ang sarap sarap niyang biruin. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa Hospital ni Doc Ramirez. Sinamahan ko kasi si Jema para magpacheck up kasi nabanggit niya sakin ang pinag usapan nila ni Dra. Ramirez.



Bumaba agad ako pagkapark ko at umikot sa pinto nang misis ko para pagbuksan siya. Palagi ko tong ginagawa sakanya kaya naman malaki ang ngiti niya paglabas nang sasakyan. Hinawakan pa niya ang magkabila kong pisngi at humalik nang mabilis sa labi ko. Tsk Tsk napakagaling nang misis ko.


Nakaangkla ang kamay niya sa braso ko habang naglalakad kami papasok sa ospital. Ang clingy niya no?


Huminto kami sa isang opisina na sa harap na dingding ay gawa sa bubog tapos nakita ko pa sa glass door ang nakalagay na OB. Nakaramdam ako nang excitement. Ang opisina nang OB ni Jema si Dra. Ramirez kaibigan nang mommy ko. Tumingin muna ako kay Jema at sabay kaming ngumiti sa isa't isa tapos ilang saglit lang din ay binuksan ko na ang pinto.

"Doktora Ramirez."


Banggit ko nang makapasok kami sa loob. Nakangiti naman kaming sinalubong nito.

Dra: Deanna. Kamusta hija.

Bumeso siya sakin. Tapos lumapit kay Jema.

Jema: Hi Doc. Sumama ang isang yan hindi mapakali haha.


Tatawa tawa sila ni Doc at yumakap din kay Jema sabay beso sa isa't isa.
Pinaupo niya kami sa couch niya at doon nag usap.


Dra: Kamusta Deanna? Ang mommy mo kamusta?


Dreams Do Come TrueWhere stories live. Discover now