DDCT11

1.9K 93 11
                                    

Tahimik akong sumisimsim sa kape ko habang nakatutok ang mata sa labas nang bahay namin. Nasa may gilid ako nang pool at doon ako nakaupo habang nagkakape. Sabado ngayon at naisip kong magpahinga nalang muna sa bahay.

Doon ko naisip ulit ang ikinikilos nang misis ko. Akala ko nga aalis siya ngayon tulad nang ginagawa niya pero nakakapagtaka na nandito siya sa bahay. Masaya ako dahil kasama ko siya pero hindi maalis sa isip ko ang pag iisip.

Napabuntong hininga nalang ako. At maya maya ay may mga kamay na yumakap sa may leeg ko mula sa likuran.

Jema: Goodmorning asawa ko. What do you want for breakfast?

"Pwede bang ikaw ang gawin kong breakfast?"

Natahimik siya kaya naman tinanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sakin at iginaya ko siya para maupo sa lap ko. Hinalikan ko siya sa leeg at balikat niya maging sa labi. Sobrang namiss ko to ilang araw o linggo na yatang hindi ko ito nagagawa sa asawa ko.

Jema: Deanna..

Hinalikan ko siya nang mapusok sa labi habang ang kaliwa kong kamay ay ipinasok ko sa loob nang damit niya hanggang sa maabot ko ang boobs niya. Hindi ko pa man napipisil ito ay inalis niya ang kamay ko at tumayo na siya na ikinagulat ko.

Jema: I'm sorry, I'm not in my mood love. Pasok na ako sa loob magluluto lang ako tatawagin kita kapag ready na ang breakfast.

Iniiwas ko ang tingin sakanya at tsaka ako tumango. Konti nalang talaga iisipin ko nang may iba siya. Palagi nalang siyang wala sa mood pailang tanggi na ba niya sakin.

Nang matapos siyang magluto ay tinawag niya ako kaya kahit wala sa mood ay kumain ako at
hindi ko na hinintay na pagsilbihan niya ako. Dahil ako na mismo ang naglagay nang kaunting pagkain sa plato ko.

Pansin kong tumitingin siya sakin habang ako ay kumakain. Kaya naman nakakatatlo o dalawang subo palang ako ay tumayo na ako.

Jema: Tapos kana agad?


Sa halip na sagutin siya ay nagkibit balikat lang ako. Hinugasan ko rin ang kinainan ko at nang maramdaman kong papalapit siya sakin ay binilisan ko na kaya bago pa siya makalapit ay nakaalis na ako.

"Maliligo lang ako sa taas."

Sabi ko nang hindi manlang siya sinusulyapan. Masyado na akong nagtatampo sakanya. Sana nagsasabi siya kung may problema di ba? Hindi yung ginagawa niya akong tanga.


Inilaan ko ang halos isang oras sa pagliligo. Paglabas ko sa banyo ay nandoon siya sa mini living room dito sa kwarto namin at nanonood siya nang tv. Nagsuot ako nang damit at habang pinupunasan ko ang ulo ko ay biglang tumunog ang phone ko sa ibabaw nang kama.

Kunot noo ko itong tiningnan at sinagot. Tumatawag si Jayce.

OTP

Jayce: Deans!

Oh napatawag ka?

Pansin kong nakatingin si Jema sakin kaya lumabas ako sa balkonahe nang kwarto namin. Kunwari pa siyang walang pake sakin. Kainis

Jayce: Night out naman tayo mamaya nakakamiss na kayo. Sasama silang lahat ikaw nalang hinihintay napakabusy mo kasi.

Tsss.. oo na sige na sasama na ako. Isasama ba ang mga girls?

Narinig kong natawa siya.

Dreams Do Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon