Chapter 5

27 10 1
                                    

-Left-

Tumayo ako.

"Saan ka pupunta?" sabay-sabay nilang tanong.

"May kukunin lang ako sa room, nakalimutan ko e."

Sabay-sabay silang napailing, "Makakalimutin talaga."

I just smile at them at umalis na ng Cafeteria.

Lagot ka saking Leo ka!

PUMUNTA ako sa pinaka dulo ng University at pumasok sa abandonadong classroom na andon at napaubo nalang ng binuksan ko ang pinto at bumuluga ang makakapal na agiw at alikabok isama mo pa ang maraming ipis.

Tumawa ako ng mahina, my sweet revenge start now.

Luminga linga ako at naghahanap ng plastic bottle, ng may makita ako ay agad kung linapitan ito at pinulot kahit marumi.

Bakit ko nga ba ginagawa  'to? Ugh, kahit marumi ka, bahala na.

Binuksan ko ang takip, linapag ko sa sira-sirang lamesa at kinuha sa bulsa ko ang cellphone para buksan ang flashlight.

Ano ba naman toh! Daming agiw! Medjo mabaho narin. Kung hindi lang dahil sa revenge na yan ay hindi talaga ako pupunta dito! Ang laki mo talagang damuho sa buhay ko Leo!

Nagpalibot-libot ako ng mamataan na ang mga pakay ko tinanggal ko muna ang heels ko.

This is ridiculous!? Tatanggalin ko talaga ang heels ko para dito? Ewan ko sa'yo Sofia Jade!

Huminga ako ng malalim at hindi ininda ang mga alikabok. Ang dami talaga,nasa mga 20 siguro. Unti-unti akong lumapit para hindi sila magtakbuhan ulit, ng makalapit na ako ay nag squat ako at pinag papalo  ang mga ipis gamit ang heels ko para mamatay sila. Buti hindi nasira ang heels ko.

"Ayos!" sigaw ko, nakapatay ako ng sampo. Okay na'to!

Tumayo ako at sinuot na ang heels bago lumapit sa plastic bottle na iniwan ko kanina sa lamesa at kumuha ng tissue sa pocket ko para pulutin ang mga pinatay kung ipis. Of course, I'm will never hold patay na ipis.

Isa-isa kung pinulot ang mga namatay at tinakpan na ang bottle bago lumabas. Kailangan kung bilisan ng maabutan ko ang paglalagyan ko ng mga ito.

Hmm, humanda ka saking Leo ka pati narin ang mga mahaharot mong mga babae. Napangisi ako at nag lakad ng mabilis para makabalik sa Cafeteria.

Dahan - dahan akong pumasok sa loob para hindi makita ng mga kaibigan ko at pasimpleng pumasok sa kusina. Naabutan ko ang dalawang kusinerong may pinag uusapan at tinuturo kaya naman nagtago muna ako sa gilid ng ref para hindi nila makita.

"Okay na ba lahat ng order nila ma'am Kristelle?" tanong ng isa do'n sa isa.

I dont know their name, bahala sila jan. Tinignan ko ang mga pagkaing sinasabi nila. Whoah! Ang dami naman pwede ng mag pa cater si Kristelle, tsk tsk tsk, maharot talaga!

"Okay na, I-pupunta ko na ba sa table nila?"

Kinabahan ako sa sinabi ng isa. Wag muna please, mamaya niyo na dalhin ang mga 'yan hindi ko pa nagagawa ang balak ko.

Umiling ang isa at kumuha ng mga plates, spoons and forks at linagay sa isang tray.

"Dalhin muna natin  'to."

Whoah!umaayon ang pagkakataon saakin. Lumabas ang dalawa at lumabas narin ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa mga order nila.

This it it!

Masama na kung masama, kasalanan naman ng Leo na ' yon, kaya wala na akong pake.

Tinignan ko ang bottle na hawak ko. At ngumiti ulit. I feel like crazy when I'm smiling like this! Kanina pa. Umiling nalang ako at binuksan ang takip non bago binuhos ang laman sa katabing lamesa, kumuha rin ako ng kutsara sa kabinet at inisa-isa kung kinuha ang mga ipis at hinalo sa mga order nila.

Hate at First Sight?Where stories live. Discover now