Chapter 16

15 4 0
                                    

-Cartolina-  

LoL, HAHA

------

Napatanga ako sa sinabi niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit, dahil ba sa ayoko ng sinabi niya or ano.

"Hala! May fiancé ka na pala ate Sofia, congrats!" tili ng mga junior.

Naiilang akong tumingin sakanila at ngumiti nalang. Ano nga ba kasing sasabihin ko e parang hindi ata gumagana ang utak ko.

"Let's go." yaya ni Leo at inakbayan ako papasok. T-Teka ba't siya umakbay saakin? Tatanggalin kuna sana ang braso niya ng bumulong siya. "Don't." his voice was husky that caused my spine to shivered. Ano bang nangyayari saakin!

Nagpatinaanod ako sa pagakbay at hila niya. Pero ng makarating na kami sa corridors ay natauhan ako at pasimple ko siyang sinamaan ng tingin at nginuso ang braso niyang naka-akbay parin saakin dahil hindi pwede ang mga ganito dito sa University. Binitawan niya naman ako. Iniripan ko muna siya bago nagpaunang maglakad papasok ng classroom.

"Ten tenen ten ten!" sigaw ni Shania at lumapit saakin ng makapasok na ako. Pinagkunutan ko naman siya ng noo. What is she doing again?

"Whoah, your blooming! Kamusta? Ms. na soon to be Mrs.?" nakakloko niyang ngisi.

Nginiwian ko siya at hindi pinansin dumiretsiyo ako sa upuan ko at linagay sa upuan ang bag ko.

"Luh hindi namamansin!" iniripan ko lang siya at humalakipkip sa pagkakaupo ng isa-isang magsilapitan ang mga kaibigan ko.

A lot of questions to answer again!

"Is your date okay, Pia?" Sam asked. Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikina tikom ng bibig niya at sumenyas pa na kunwaring sumusuko. Tsk!

"So.. how about the picture, Pia, kahapon lang 'yon ah! Nag date ulit kayo?" tanong naman ni Say habang matamis na naka ngiti saakin. Nginitian ko rin siya habang dahan-dahang tumayo at bigla silang pinagbabatukan isa - isa.

"Mga baliw kayo! Pinain niyo ako ha! Ha!" singhal ko sakanila.

"Wa-Wait!" pigil ni Erich.

Pero hindi ako tumigil, nakakita ako ng kulay itim na kartolinang naka roll at iyon ang pinaghahampas ko sakanila. Napatili sila at nagsi takbuhan, hindi ko sila tinantanan. Nag habol habulan kami sa loob ng classroom. Hindi naman kami pinapansin ng iba naming mga kaklase, tumatawa lang sila. Except to Kristelle na nakangiwi na ngayon saamin habang nakatingin.

"So childish." bulong niya na narinig ko rin naman. Bweset toh! Pakielamerang hipon!

Tumigil ako sa paghabol sa apat at tinignan ng masama si Kristelle bago tinaasan ng isang kilay. "What's your problem?" inis kung tanong. Lumapit ako sakanyang tabi.

Lumayo naman siya ng bahagya at parang nandidiring tinignan ako. What's her problem?! Nakakinis talaga kahit kelan ang isang 'toh!

"Duh! My problem is you! You're so childish Oh my gash!" she said then flip her hair, dahil mahaba ang buhok niya ay umabot ito sa mukha ko. Napapikit ako ng mariin dahil may tumama sa mata kung strands. What the hell! Sarap mung lutuin sa kumukulong tubig! Peste! Inis akong tumayo at tinapon nalang basta ang cartolinang ginamit ko sa paghampas sa mga kaibigan ko. Lukot lukot narin naman 'yon at may punit narin. Babayaran ko nalang ang may-ari. Sino nga ba? Luminga-linga ako.

"Sinong may-ari nung cartolina?" tanong ko sa mga kaklase. Walang sumagot sakanila, kaya pumihit nalang ako para umupo sa upuan ko ng..

"What the hevk?" napalingon ako sa nagsalita at nakita si Leo, kapapasok lang at  masama na ang mukhang nakatingin sa kulay black na cartolina. Eh?

Hate at First Sight?Where stories live. Discover now