Chapter 13

21 5 0
                                    

-Good night -

"Anong date?!" singhal ko habang nakasunod sakanya.

Lumingon siya saakin. "Date? Hindi mo alam 'yon?" ngumisi siya.

Iniripan ko siya. "Hindi ako taga ibang planeta para hindi alam ang ibig sabihin ni––"

"Oh! You know what's the meaning! but when you reacted it's like its your first time to heard it."

"Shut up! Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sakanya at nag lakad na palayo.

Bwisit na yan! Date Date pang alam!

"Why so grumpy?" may umakbay saakin at hinapit ako sakanya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at unti-unting liningon ang kamay niyang nakaakbay saakin.

Ang kapal ng mukha niyang akbayan ako!

Tinignan ko siya ng matalim at siniko sa tiyan dahilan para matanggal ang pagkaka-akbay niya saakin.

Serves you right!

Nakahawak siya sa tiyan niya habang nakatingin saakin at natatawa. "Why did you do that to your fiancé?" paawa niyang tanong.

Daming alam!

Ngumiti ako sakanya at piningot ang tenga niya.

"Ah!"

"Alam mo! Ang dami mong alam! Umalis ka nga sa paningin ko!" binitawan ko ang tenga niya at naglakad na paalis.

Papasok na sana ako sa isa pang boutique ng biglang may humila sa braso ko at dinala sa quantum.

Ugh!

"Anong gagawin mo dito!" sinabunutan ko siya ng mahina kaua napatingin ang ibang tao saamin.

He look at me with his amusing eyes. "Anong mo? Tayo dapat halika na!"

Hinila niya ako sa palitan ng pera. Nagbigay siya ng 500.

500?ang dami naman ata!

Pagkatapos kunin ang mga coins ay hinila na naman niya ako sa basketball game.

"Oh!" Inabot niya saakin ang bola.

I look at him with my bored look. "Aanhin ko yan?"

Umirap siya. "Duh! Kakainin mo."

Duh? Bakla ata to e!

Akmang susuntukin ko na siya ng magsalita siya.

"Op! Easy! I'm just kidding." he chuckled and shoot the ball into the ring na pumasok naman tumingin siya saakin at kinindatan ako.

Inismiran ko siya at kinuha ang isang bola para i-shoot. Pumasok iyon at ngumisi ako sakanya.

"Chamba!" akusa niya.

"Chamba mo your face!" iniripan ko siya at kumuha ulit ng bola.

Limang beses namin yung inulit bago pumunta sa claw games.

"Hindi mo yan makukuha." sabi ko dahil kanina pa niya pilit na kinukuha ang isang pink teddy bear.

"Wait lang! Makukuha ko na talaga toh!" pinunasan niya ang pawis at nag lagay ulit ng coins.

Umirap nalang ako at pinanood siya.

UMABOT  siya ng isang oras sa kakakuha ng gusto niyang hindi naman niya nakuha. Madaya nga kasi ang ibang ganyan e.

Sumandal ako sa claw machine na nasa gilid niya at tinitigan siya.

Kung hindi lang damuho ang isang toh baka nagustuhan ko na siya nung una pa. But when I'll looked at him parang familiar ang mukha niya na hindi ko maalala.

Hate at First Sight?Where stories live. Discover now