Chapter 12

22 4 0
                                    

-Date-

"You."

Huh?

What the hell! Agad akong umiling-iling at napapikit ng mariin.

Anong you! Nababaliw na ba ako?!

Minulat ko ang isang mata ko ng may tumikhim sa harap ko.

"Me? Talaga? Hindi ka nagkakamali! Masarap nga ako magaling pa!" ngumisi siya saakin at unti-unting lumapit. Doon kuna minulat ang isa ko pang mata at gulat ko siyang tinignan.

"Huh? What are you talking about?!" sinigawan ko siya at lumayo. Pumunta ako sa isang side ng counter top.

Hindi ako ang baliw dito kung hindi siya! Napaka! Ugh!

"Me? Talking about?" tinuro niya ang sarili niya na parang ewan. "I'm just talking about how delicious and good am I on--"

"Hep! Magtigil kang lalaki ka!? Delicious?! Ikaw? Yuck ha!" Inirapan ko siya.

"Bakit? Hindi ka naniniwala? Want me to prove my self, huh!" tinignan niya ako ng masama at ngumisi.

What the! Psychopath!

Tinaas ko ang braso ko at pinagcross ito sa harapan ko. "Nevermind, don't prove your self baka mandiri lang ako!" Umirap ulit ako at lumapit sa isang black high stool chair para umupo.

Tumingin siya saakin ng may hindi makapaniwalang itsura. "Mandiri?! Wow ha! Marami ngang naghahabol saakin, e!"

I look at him in a bored expression. "Sila yon. Not me! Baka!"

Lumapit siya sa ref at bunuksan iyon. "Anong baka? Wala naman ah! Karne ng baboy at manok lang ang nandito. Yun ba gusto mong kainin?"

Pananingkitan ko siya ng mata at umiling-iling. Bahala ka sa buhay mo!

Hindi kuna siya pinansin at kumuha nalang ng saging na nasa isang brown small basket na nakapatong sa counter. Hindi narin siya nagsalita at inumpisihan nalang ang pagluluto.

Ano naman ang iluluto ng isang toh?

Habang nagluluto siya ay tumayo muna ako saglit at pumunta sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko na nakalimutan kung kunin kanina.

Bumaba rin ako agad at bumalik sa pwesto. Bunuksan ko ang cellphone ko at nakitang may mga text ang mga kaibigan ko sa.

Habang binubuksan ang message ay nakataas ang isa kung kilay baka mamaya chismiss lang 'to!

Sam: Woi mall daw tayo bukas nood tayo sine.

Shania: Ano G?

Erich: Sama kana siguradong masaya yon! :)

Say: 5pm, bukas :)

Sine? 5pm? Ano nanaman ang papanoorin ng mga toh.

Hayst sasama na ako! Saturday bukas at ayokong kasama ang damuhong toh!

Napaangat ang tingin ko sakanya na nakatingin rin pala saakin. Tinaasan ko siya ng isang kilay.

Problema neto!

"What?" tanong ko.

"Sinong ka text mo?"

"It's none of your business." iniripan ko siya at nag type ng 'okay' then send.

PAGKATAPOS naming kumain sa linuto niyang sinigang ay umakyat agad ako at linock ang pinto ng kwarto.

Bahala siya jan maghugas ng pinggan.

Hate at First Sight?Where stories live. Discover now