🎵Chapter 6🎶

20 2 0
                                    

Simula nang madaling-araw na iyon, palagi ng sumasabay si Vinch sa pagkain. Gustung-gusto ko talagang itanong kung nagkulong lang ba siya sa studio niya sa taas o sadyang wala siya sa bahay nang mga nakaraang linggo, pero hindi ko ginawa. Ayokong madagdagan ang inis niya sa akin.

I suddenly remembered the look on his face when I asked him what his problem is. May percent ng pagkatao ko ang natakot na baka imbes mapalapit ako sa kanya ay mapalayo pa siya ng tuluyan kaya hanggang kaya kong iwasan ang pagiging curious, gagawin ko.

Tahimik kaming apat sa hapag-kainan nang biglang magsalita si Liam. "Dad, I want to visit grandma."

Naihinto ni Vinch ang pagkain saka matipid na sumagot. "No."

Mukhang hindi nagustuhan ng alaga ko ang sagot na nakuha niya mula sa Daddy niya at halatang malapit na siyang umiyak. Mabilis siyang tumakbo paakyat bago pa mangyari 'yon.

Siyempre, alangan namang ipagpatuloy ko lang ang pagkain ko nang parang wala akong nakita, kaya naman agad kong sinundan si Liam.

Inabutan kong tahimik na umiiyak ang bata sa kwarto niya. Nang maramdaman niya ako sa tabi niya, bigla na lang siyang sumigaw. "Leave me alone!"

Hindi ko ginawa. Naupo lang ako sa sahig, sa tabi ng kama niya. Pinanuod ko siyang umiyak.

Kaninang madaling-araw, si Vinch ang umiiyak habang yakap-yakap ang isang bote ng alak, ngayon naman anak niya ang kailangan kong patahanin habang nakatakip ang unan sa mukha. I took a deep breath. Kaya ko 'to.

"Bingi ka ba? Umalis ka na dito!" sigaw ulit niya.

"Hindi ako aalis kasi kailangan mo ako."

"Sino'ng may sabi sa'yo?"

"Hindi mo naman kailangang sabihin 'yon. Gusto mong magpunta sa Lola mo?"

Bigla siyang napahinto sa pag-iyak dahil sa ibinulong ko. I silently counted up to 10. After ten, tumingin na siya sa akin. "How?"

I smirked. "Trust me. I can get you visit your granny."

"Why would you do that?"

"Because I care for you."

Hindi pa rin siya nagtitiwala sa sinabi ko. He rolled his eyes. I locked the door and secretly whisper my plans to him.

He liked the idea. Now, it's time for me to bargain.

"Balik na tayo sa baba. Hindi ka pa tapos kumain." tumango lang siya at sumunod na sa akin.

I felt relief. Hindi ko na kinailangang makipagtalo sa kanya.

He silently ate. Naroon pa rin si Vinch. At hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya habang kumakain siya.

Huminto siya sa pagnguya pagkaraan ng ilang minuto saka tumitig sa akin.

Dali-dali akong uminom at sa iba tumingin.

Nang masiguro niyang hindi ko na siya titingnan, nagsimula na siyang magpunas ng bibig gamit ang table napkin saka tumayo.

"Mabuti at nakinig sa'yo ang batang 'yan." puna ni Nanay Truding nang makaalis si Vinch sa dinning room.

Ngumiti lang ako.

Umakyat na din si Liam pagkatapos kumain kaya kinuha ko ang oportunidad na 'yon para makapagtanong. Well, hindi ko na kasi matiis. My curiosity is killing me.

Tinulungan ko si Nanay Truding na magligpit ng pinagkainan at pasimpleng nagsimula ng usapan tungkol sa mag-ama.

"'Nay, sobrang malapit siguro si Liam sa balae niyo, ano? Grabe kasi ang iyak niya kanina nung ayaw siyang payagan ni Vinch."

She smiled and looked at me as if I told her some ridiculous joke. "Balae? Tingin mo ba, anak ko si Vinch?"

Napanganga ako kaya mabilis kong itinakip sa bibig ko ang sariling palad. "Sorry po. Hindi ho ba?"

"Dalaga pa ako at wala na akong balak na mag-asawa dahil para ko na ngang anak iyang si Vinch, pero hindi ako ang Nanay niya."

"Pasensya na po. Akala ko kasi talaga, Mommy kayo ni Vinch."

"Wag na 'wag mo lang babanggitin sa kanya ang tungkol d'yan. Hindi niya kasundo ang Mommy niya."

Tumango ako. "Ah, so yung Lola na tinutukoy ni Liam, Mommy yun ni Vinch at hindi Mommy ng Mommy niya?"

"Nanay ni Jane ang tinutukoy ni Liam. Hindi niya pa nakikita ang Nanay ni Vinch dahil ang alam niya, patay na ang Lolo at Lola niya."

Another revelation for me.

So, reality check... May Mommy talaga si Liam at may Lola pa nga. Jane's mom is somehow close to Liam and Vinch mom is still unknown.

Kahit ang alaga ko, walang ideya sa katotohanang iyon.

"E sino po ba ang Nanay ni Vinch?"

"Mas mabuti ng hindi mo alam." pagkasabi ni Nanay Truding noon, inagaw na niya sa kamay ko ang mga hugasing nakolekta ko. "Bantayan mo na ang bata. At 'wag na 'wag mong hayaang makalabas. Alam na niyan sumakay sa taxi. Baka magpahatid 'yan sa Nanay ni Jane, malilintikan ka talaga kay Vinch."

I smiled again. "Okay po."

Well, I am not exactly afraid. Ang mas importante sa akin ngayon, magawa ko ang ipinangako ko kay Liam. Hindi naman magagalit si Vinch basta hindi niya malalaman. And knowing how I work? I knew that I can make it happen without him knowing.

Parte ng plano namin ang pagtulog niya sa hapon para gising siya ng gabi. Masunuring bata si Liam basta makukuha niya ang gusto niya --- fair enough.

Kaya naman, naging maingat ako sa paglabas namin bandang alas-dies ng gabi.

Tulog na ang mga tao at nailagay ko na din ang decoy. The classic human pillow tucked in a blanket. Hindi ko din naman nakikitang sinisilip ni Vinch si Liam kaya sure akong walang magiging problema.

Sumama ako hanggang sa bahay ng Lola niya at ganoon na lang ang naging gulat ko nang makita ang isang pamilyar na babae.

I'm sure I saw her somewhere... I just can't remember when and where.

The old lady looked at me. "Ikaw 'yung bagong Yaya?"

"Opo."

"Foreigner ka o contact lense lang 'yan?"

"Ah, natural pong ganyan ang mga mata ko." nauunawaang sagot ko. Palagi na lang kasi talagang pinupuna ang blue eyes ko.

Pagkasagot ko, she totally ignored me after. Nilambing na niya ang apo niya at nakipagkwentuhan na siya kay Liam.

And he is surprisingly talkative. Sa kandungan ng Lola niya, para lang siyang normal na bata.

Saglit niya akong nilingon at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang ngitian niya ako. He's just probably thankful.

At sobrang priceless n'un.

OPPA SERIES V1 (Book 6): Mr. Conceited Crooner [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang