🎵Chapter 17🎶

17 2 0
                                    

Minabuti kong hindi na sumama sa interview. Alam kong kaya na niyang sumagot sa mga itatanong sa kanya kahit wala ako sa set.

Hindi na din ako nagpahatid dahil madami pa siyang inaasikaso kaya nag-taxi na lang ako pauwi.

It was one of the happiest days in my life. Sobrang namiss ko si Mama. Mahigpit kaming nagyakap saka siya nagpa-kwento ng mga nangyari sa akin dahil ang tagal ko ring hindi nagpakita.

Araw-araw man akong nagte-text sa kanya sa nakalipas na anim na buwan, palagi pa rin niyang hinihiling na makita ako. At ngayong magkayakap na kami, parang gusto niyang umiyak.

"Saang lupalop ka ba nanggaling na bata ka? Ni wala ka bang day-off?"

Ngumiti ako saka sinimulang ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari. She was just silent when she heard that I am working for Vinch as a Nanny. Kaya medyo nag-aalala ako sa sasabihin niya. "Ma? Galit ka?"

"Hindi. Pero nababaliw ka na talaga anak. Ano'ng pumasok sa ulo mo at nag-yaya ka? Para lang talaga sundan ang lalaking 'yon? Ano namang napala mo?"

"He likes me too, Ma."

Napairap siya. "Sinabi niya 'yon?"

Tumango ako.

"Papuntahin mo dito. Ipakilala mo ng maayos."

"Okay Ma. Kailangan ko na lang pong ipaliwanag sa anak niya." I took all the time that we have to explain everthing to her. Ayokong isipin niyang nang-aagaw ako ng may asawa. Dahil alam kong masakit iyon noong pinagdaanan niya.

"Siguraduhin mo lang na hiwalay na, Desire. Ako mismo ang kakalbo sa'yo."

"Oh bakit may kalbuhan?"

Napatili kami ng sabay ni Ate Gia -- pamangkin ni Mama, nang magkita kaming dalawa. Siyempre ang dami niyang kwento at ang dami ding tanong. Hindi ko na nga alam kung alin sa mga iyon ang uunahin.

Naroon pa lang ako sa part ng pagkukwento kung gaano ka-sungit si Vinch sa personal nang magyaya siyang manood ng TV.

Alam din niya kasing may live interview si Vinch ngayon.

Kaming tatlo lang ni Mama ang naroon dahil nasa opisina ang iba naming pinsan.

Nagsisimula na ang interview nang maibukas ang TV.

Tutok na tutok kaming tatlo. Si Mama, dahil inuusisa si Vinch. Ako, siyempre dahil namimiss ko agad siya at si Ate Gia dahil crush niya din si Vinch. Member din yata ng fans club si Ate Gia.

At hindi pa rin niya alam ang tungkol sa something sa pagitan namin ni Vinch.

Hindi ko din kasi alam kung paano sasabihin.

Si Mama, wala din imik habang kilig na kilig si Ate Gia.

"We are just curious, Vinch. Kailan ka ba lalagay sa tahimik? Any plans on marrying the woman of your dreams?" Iyon na ang sumunod na tanong ng interviewer.

Vinch smiled and looked at the camera. Pakiramdam ko tuloy sa akin siya nakatingin. "Actually, I already found her. Kakatapos ko lang siyang yayaing maging nobya. Siguro, we just need a few months before we could settle down. Depende sa kanya."

Isang daang porsiyente. Sigurado ako. Madaming babae ang bahagyang disappointed, heartbroken pero masaya para sa kanya. Katulad ni Ate Gia. "Sino 'yung babaeng 'yun? Hindi to pwede! Kilala mo ba 'yun, Desire? Nakita mo na?"

Bago pa ako makasagot, may follow-up question na ang interviewer. "Kilala ba namin itong lucky girl na 'to?"

"Uhm, yeah. May vlog siya. You can follow and support her. Her name is Desire Miller."

Dahan-dahan ang ginawang paglingon sa akin ni Ate Gia. "Oh Mhay Ghad. Desire!!!" she literally screamed on top of her lungs.

"Huy, Georgia! Magtigil ka nga!" saway ni Mama.

"Tita. May jowa na ang anak mo! 'Yung crush pa niya!"

"Nadinig ko! Mamaya pasukin tayo ng mga kapit-bahay, akalain nilang may nanalo sa atin ng lotto."

"Ay naku, Ta. Naka-jackpot nga si Desire! Vinch Lim is in love with her!"

"Shhhuu!" Ako naman ang sumaway sa kanya. Minsan talaga si Ate, may pagka-OA.

"Couz. I'm so happy for you! Kailan mo dadalhin si Vinch dito?"

"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan Ate. Masyado pang maaga. Saka kumalma ka nga lang."

Pagkatapos naming manuod, nagpakwento na siya kung paano nangyari ang lahat. Hindi ko na dinetalye dahil kukulangin ang magdamag.

Kung kailan patulog na ako, saka ko lang naisip si Liam. Napanuod kaya niya ang interview? Sana hindi pa.

Ayokong sa ganoon niya malaman ang tungkol sa amin ng Daddy niya.

Simula nang sumagi siya sa isip ko, hindi na ako nakatulog. Hanggang sa makatanggap ako ng tawag mula kay sa bahay nila Vinch. Si Nanay Truding pala iyon.

"Hello Desire? Si Nanay Truding 'to. Naku, ayaw sanang ipaalam sa'yo ni Vinch pero alam kong ikaw lang ang makakatulong sa amin. Nawawala si Liam."

Halos nanlamig ang buong katawan ko.

"Naglayas kanina sa bahay nila Pacita. Tumawag lang si Jane kaninang alas-sais. Akala niya daw e may binili lang sa tindahan 'yung bata dahil nanghingi ng pera, pero hindi na nakabalik."

Mabilis akong tumayo mula sa kama ko. Nakapajama pa ako at walang ayos ang mukha at buhok nang lumabas ako dala lang ang cellphone at wallet ko.

Wala akong eksaktong destinasyon.

Kung kailangan kong galugarin ang buong Pilipinas makita lang si Liam, gagawin ko.

"Anak! Anak!" kanina pa pala nakasunod si Mama. Napahinto niya lang akong nang pigilan niya ang kamay ko. "Saan ka ba pupunta? Alas-onse na ng gabi!"

"Ma, nawawala 'yung alaga ko."

"Ano?"

Pinipilit niya akong bumalik sa bahay pero hindi ako sumunod. Sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid malapit sa bahay nila Vinch. Duon sa mga lugar kung saan kami minsan tumatambay kapag naglalaro siya.

Pero wala akong Liam na nakita.

Nakatanggap ako ng tawag sa Tito kong pulis at nakarating na pala sa kanya ang problema ko. Hinihingian niya ako ng picture ni Liam. Mabuti at madami akong stolen shots sa cellphone ko kaya may nai-send ako sa kanya.

Wala ako sa huwisyo para makipagkwentuhan pa sa kahit na sino. Malamang napanuod na ni Liam ang interview at kung naglayas nga ang bata, isa ako sa mga dahilan kung bakit niya ginawa 'yon.

OPPA SERIES V1 (Book 6): Mr. Conceited Crooner [COMPLETED]Where stories live. Discover now