🎵Chapter 19🎶

17 3 0
                                    

Pagkatapos kong malaman na okay na si Liam, nagmadali na din akong nag-alsa balutan at nagpunta sa airport. Bumili agad ako ng ticket pauwi sa New York. Iyon na lang ang ang natitira kong paraan para makalayo kay Vinch at sa pamilya niya. At ang Amerika ang pangalawa kong bahay at ang huli kong matatakbuhan.

Hindi na ako nagpahatid kay Mama dahil alam kong apektado pa rin siya na kumalat na sa buong village namin na kabit ako ng isang singer at inagawa ko ng asawa ang isang aktres. Ayoko lang din na makahanap pa siya ng ayaw para lang maipagtanggol ako.

Kung tutuusin, kaya ko namang gawin iyon para sa sarili ko. I can post a vlog to defend myself but I find it unneccessary. Iisipin lang ng lahat na guilty ako masyado kaya nagpost pa ako ng video.

Tuluyan ko na lang na iniwasan si Vinch. Ayoko lang kasi na magkaroon pa siya ng dahilan para hindi ituloy ang pakikipagbalikan kay Jane. Huli man pero at least, magagawa ko na ang pangako ko kay Liam.

Tumigil na din naman na si Vinch sa pagtawag sa akin. He's probably giving it a shot.

Masakit isipin pero alam ko naman hindi naman siya akin talaga.

🎵🎶🎵

He tried giving her space. Pero mukhang hindi iyon ang kailangan ng relasyon nila ni Desire.

Isang araw pa lang niyang inihinto ang pag-kontak sa babae, halos mabaliw na siya. Mas lalong nakadagdag sa anxiety niya ang posibilidad na tuluyang mawawala si Desire sa kanya kapag hindi pa rin niya ito nakausap.

Kaya kahit gabi, pinuntahan niya si Desire sa bahay nito. Wendy found her house for him. At duon, magalang siyang kumatok.

Ang Mama ni Desire ang nagbukas ng gate. Sigurado siya dahil kamukhang-kamukha ng dalaga ang babaeng iyon. "Gabi na. Wala dito ang kailangan mo."

"Ma'am. Kailangan ko lang pong makausap si Desire." balewala na sa kanya kung gaano siya mukhang gago ngayon. Ang kailangan niya, oras ni Desire.

"Bakit ba hindi mo na lang balikan ang asawa mo? Hindi itong anak ko ang ginugulo mo!" Naiintindihan niya ito. Kahit sino namang magulang, poprotektahan ang anak nila.

Hindi siya nakaimik. Sana pala dinala na niya ang annulment papers. Napirmahan na nila ni Jane iyon. Ipapa-proseso na lang niya kay Ice, ang abogado niya.

"Alis na." Singhal pa nito.

"Gustung-gusto ko po kayong makausap. Hayaan niyo akong magpaliwanag."

"Wala ka ng dapat na ipaliwanag. Please, gawin mo 'to para sa anak mo. Layuan mo na ang anak ko." iyon lang at pinagsarhan na siya nito ng gate.

Tinext niya si Desire pero hindi ito sumagot. Tinawagan niya ulit pero mabilis nitong pinapatay ang tawag pagkatapos ng isang ring.

Dahil sa frustration, minabuti niyang lunurin ang sarili sa alak.

Kainuman niya si Wendy at Baro.

"Wag mong sabihing isang araw lang naging kayo?" gusto niyang batuhin si Baro dahil sa wala sa lugar nitong pagbibiro.

Mabuti na lang at siniko na ito ng nobya nito para sa kanya. "Saan ba kasi nanggaling ang balitang gusto ni Jane makipagbalikan? We both know that she's screwing with someone else's husband. Ano 'to laro lang? Kapag nagkahulihan na, balik na sa base?" mapait na sabi ni Wendy.

"No. I'm sure that Jane wanted the annulment. Siya pa nga ang unang pumirma, diba?"

"Malay mo, nagbago ang isip niya."

Napailing siya sa sinabi ni Baro. Kilala niya ang babaeng 'yon. Hindi mahilig magpabagu-bago ng isip si Jane.

"Well, I guess you just have to ask her."

At iyon ang ginawa ni Vinch kinabukasan. Eksaktong naroon ang babae para dalhin ang anak nila.

Ipinagluto pa siya nito ng sopas para sa hang over niya. Malamang nabanggit dito ni Nanay Truding na nagpunta siya kagabi kayla Wendy at umuwing lasing.

"Kamusta ang ulo mo?"

"Let's cut the chase, Jane. Why? Bakit mo sinasabi kay Liam na babalik ka? Iyon din ang sinasabi ng Mommy mo."

Hindi makatingin sa kanya ang babae.

"Answer the fucking question."

"Dahil babalik ako. I want us."

Natawa siya. "You have six years to do that. Ilang beses kitang sinuyo. Ilang beses akong nakiusap sa'yo. Pero hindi ka nakinig. Hindi na kita mahal."

Iyon ang unang beses niyang nakitang lumuha si Jane simula nang magkahiwalay na sila.

Mas lalo tuloy siyang napu-frustrate ngayon. Ano bang inaasahan ng babae? Na tatanggapin niya ito nang ganoon na lang? "Please. 'Wag mong gamitin sa akin ang natutunan mo sa mga acting workshop."

"Look, Vinch. I know I was wrong and I am so stupid to hurt you like that. But can't you spare a second chance for me?"

"Madami na akong binigay na chance sa'yo, Jane. Lahat iyon, sinayang mo. Sa tingin mo, karapatdapat ka pa bang bigyan ng isa pang pagkakataon?"

"Paano si Liam?"

"Wala namang mahirap sa sitwasyon. Hindi mababawasan ang pagiging magulang natin kahit hindi tayo magsama. Jane. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nakakilala ako ng babaeng totoong nagpapasaya sa akin. Sana sapat na 'yung anim na taong paghihintay ko sa'yo habang hinahabol mo yung kaligayajhan mo. Hayaan mong habulin ko naman ang sa akin."


🎵🎶🎵

Manhattan, New York
One Month Later

I was able to settle in just a month. My Dad helped me, of course. May binili siyang studio at hinayaan niya akong magbukas ng gymnastics school. Iyon lang naman ang pinakamalapit sa figure skating na alam kong gawin. My gymnastics school will operate after two more months. Kaunti na lang.

Sinadya kong abalahin ang sarili ko sa pag-aadjust pabalik sa buhay ko dito sa US kaya wala na akong kahit na akong balitang narinig mula sa Pilipinas.

Literal na tinapon ko ang cellphone ko at nagsimulang gumamit ng home phone sa studio para may komunikasyon pa din kami ni Mama.

Kapag ibubukas naman niya ang usapan tungkol kay Vinch, nagdadahilan na ako para hindi ko na marinig kung anuman ang sasabihin niya.

I was doing great for the past three weeks at sa katunayan, madami ng estudyante ang nag-e-enroll kahit hindi pa bukas ang studio.

Malaking tulong din kahit paano ang pagiging figure skater ko noon para makapag-build up ng reputasyon.

Everything is happening smoothly until I received that package from my mailbox this morning.

OPPA SERIES V1 (Book 6): Mr. Conceited Crooner [COMPLETED]Where stories live. Discover now