🎵Chapter 20🎶

19 2 0
                                    

It was a ticket to Vinch's New York Concert Tour. It was a final concert and on the invitation letter, I read that he's retiring from being a singer.

Kaya iyon na ang huling pagkakataon na mapapanuod siya ng mga fans niya. And I am still part of that fandom. Napapaisip tuloy ako kung pupunta ako.

Pwede naman siguro akong makapunta duon nang hindi niya ako makikita, diba?

Ngayong alam ko na kung saan lang ako pwedeng tumayo sa buhay niya hindi na ulit ako magkakamaling lumampas sa limitasyon ko.

Ang fan, ay mananatiling fan.

Galing ang ticket kay Ate Gia. Siya lang naman ang nakakaalam ng address ng studio ko. Agad ko siyang tinawagan pagkababa ko sa envelop.

"Ate."

"I just thought you wanted to come." sagot niya kahit wala pa naman akong sinasabi. "Huling performance na ni Vinch. After ng concert na 'yan d'yan sa New York hindi na natin siya ulit maririnig. Ang balita ko kasi, ikakasal na siya." she paused and probably wanted to listen to my reaction pero hindi ako nag-ingay kaya nagpatuloy siya. "I already booked my flight. Ako pupunta. Kung hindi ka sasama---"

"Sasama ako." maagap kong sagot.

#marupok

"Okay. See you soon, couz. Okay ka na ba?

"Yeah!" I did my best to sound like I am really happy.

Masakit iyong nalaman kong magpapakasal na si Vinch pero sa isang banda, natutuwa na din ako dahil sa wakas matutupad na ang pangarap ni Liam. Bagay na hindi ko nakuha noon para sa sarili kong pamilya.

Maging masaya lang sila ni Vinch, masaya na din ako.

Kung ikakasal na nga si Vinch at Jane ulit, wala naman na sigurong masama kung pupunta ako sa concert para makita siya sa huling pagkakataon.

I moved my schedules to make time for the concert. I had a week to finish checking all the furnitures that I needed.

Pagkatapos noon, inasikaso ko na din ang ibang mga papeles para sa nalalapit na pagbubukas ng school.

And after a week, naroon na si Ate Gia sa studio/apartment ko para sunduin ako. Sabay na kaming pupunta sa concert.

"Sigurado ka na ba? Baka umiyak ka dun ah."

Tinawanan ko ang sinabi niya. "Ate, tanggap ko na. Okay? Hindi din naman talaga ako umasa ng malala ano? Ilang porsiyento ba ng chances na makakatuluyan ng isang fan girl ang idol niya? Wala pang 1%. Masaya na akong makita at mahalin siya sa malayo."

Nagkibit-balikat ang pinsan ko. "Good. Lezzgo?"

Tumango ako at magkasunod na kaming lumabas ng apartment ko. She hailed a taxi.

Aaminin kong naroon pa lang kami sa gitna ng traffic jam, kinakabahan na ako. Kabado na excited.

I think I am just nervous because I am expecting to see Liam there. Ngayong alam na ng buong mundo ang tungkol sa kanya, siguradong kasama siya ni Vinch duon pati na din si Jane. Galit pa kaya siya sa akin? Will he ever talk to me if we see each other again?

Sa totoo lang, wala pa akong maisip na sagot.

Pagkadating namin sa Madison Square Garden, nakita agad namin ang dagsang pila ng mga tao. As usual, VVIP ang ticket namin ni Ate Gia kaya nilampasan namin ang mahabang pila.

Usually sa VVIP lang available ang final rehearsal stage pero sa pagkakataong ito, walang kahit anino ni Vinch ang nakita namin. Naririnig lang namin ang boses niya habang nagpa-practice siya at sapat na iyon.

Ilang beses na parang gustong tumakas ng puso ko sa dibdib ko nang magpakita na siya sa stage habang tumutugtog ng piano.

Wala siyang ideya kung gaano ako kasaya ngayon.

Lahat yata ng paborito naming kanta niya ang nasa line-up ng mga performance liban lang sa huling kanta.

Medyo may pagkamalungkot ang tunog ng isang iyon.

"This last song is a song that I have been writing for the past eight months. Sobrang nahirapan ako sa isang ito dahil yung inspirasyon ko sa kanta, iba't ibang emosyon ang idinulot sa akin. I was literally thought that this could be our love song but sadly, she left without saying a word."

Narinig kong nagbulungan ang mga fans. Dinig na dinig ko pa ang sinabi ng katabi namin. "Malamang 'yung si Desire 'yun. Grabe. Bakit niya naman kasi iniwan? Hindi niya ba napanuod 'yung public apology ni Jane?"

Kunut ang noong tiningnan ko si Ate Gia. Nagkibit siya ng balikat na parang ibig ipahiwatig na kasalanan ko nga iyon.

"That woman taught me everything from love to pain. Akala ko, sapat na iyong pinagdaanan ko sa ex-wife ko, pero mas malala itong nararamdaman ko para sa kanya. Kasi kahit na wala na siya sa akin, hindi pa rin ako humihinto sa pag-asang isang araw, babalik siya. At mamahalin niya ulit ako."

Dapat umiwas na ko...
Mata ay inilayo...
Kunwari'y bulag ako...
sana'y pumikit lang ako...
Sana... Di na ko tumingin sa 'yo

Dapat tumakbo na ko...
Di na nasa nakinig pa...
kunwari'y bingi ako...
Sana'y tinakpa'ng tenga ko
Sana... 'di nalaman pag-ibig mo

Sa isang iglap pag-ibig ay nalaman...
Sa isang iglap ako ay 'yong minahal...
Hinayaan mo ako... na madama ito...
Ngunit bigla kang tumakbo...

Sa isang iglap pagibig ay lumayo....
Bigla-biglang ako'y tinapon mo...
Ginulat mo ako... Mga labi...
Ngayo'y wala nang masabi...

Bakit ang hapdi nito...
kirot ay walang hinto...
Nangungulila sa 'yo...
dahil wala ka na dito...
sana... ang dati ay ibalik mo

Sa isang iglap ang luha ay tumulo...
Sa isang iglap nalugmok ang puso...

Sa isang iglap Pag ibig inantay ko..
Bigla-biglang ako'y sinaktan mo...
Ako'y isang tanga na umaasa...
na sa ulap mahanap ka
Sa isang iglap Paalam na sa iyo...
Bigla-biglang hanggana'y nandito...

Puso ko'y nabigla... Nagwawala...
hindi ito nakahanda...
Binigla mo akoo

Sa isang iglap ika'y narito...
Biglang biglang naglaho...
Para lang bang trangkaso... Na dapat na tiisin ko
Ngunit... may pilat na iiwan to

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos niyang kumanta. At kasabay noon ay ang mabilis na pag-agos ng mga luha ko.

OPPA SERIES V1 (Book 6): Mr. Conceited Crooner [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon