CHAPTER 8

2.3K 138 3
                                    

CHAPTER 8
DRUNK

SAMANTHA ODETTE POV

Mabilis din naman ang byahe at nakarating na kami sa Unit ni Forrest.
"Salamat Maxton sa pag hatid" baling ko sa kanya bago bumaba,

"Walang ano-man Odette" napakunot naman ang noo ko, the whole time kasing magkasama kami, hindi ko naman nasabi ang pangalan ko. Did He knew me?

"Hey, kalma nakita ko sa ID mo" sabi nya kaya naman nawala ang pagkaagam-agam ko.

Bumaba na ako at kumaway bago pumasok, kahit nakakailang araw na ako dito hindi parin ako sanay sa pag Bo-bow nila.

Asa tapat na ako ng Unit, ay pansin kong mukang hindi pa talaga nakakabalik sila, dahil mukang wala pa si Forrest dito.

Agad akong pumasok sa kwarto ko para ilabas ang mga binili ko.
Minabuti ko munang mag timpla ng Gatas bago mag review.

nakaupo na ako sa study table ng biglang mag Vibrate ang phone ko

1 message from Jeddy...

From Jeddy:
Sam-sam! :(
Sorry nawala sa isip ko na susunduin ka pala namin.

Nag reply naman ako para hindi sya mag alala.

To Jeddy:

It's okay Jed, bahay na ko.
Keep safe :)

Sent....

Itinuon ko naman ang sarili ko na sa pag re-review ng mga notes na galing kay Terry.

Asa kalagitnaan ako ng pag re-review ng maramdaman kong bumakas ang Pinto sa labas.

'siguro dumating na si Forrest'
Pero bigla nalang akong napatayo ng makarinig ng mga kalabog sa labas.
Kaya dali-dali akong lumabas ng kwarto ko

Laking gulat ng makita ko si Forrest na nakahiga sa sahig.

Hala!  Anyare sa kanya.

Agad ko naman nilapitan sya at amoy na amoy ko ang Alak sa kanyang hininga maging sa kanyang katawan.

"Hey Forrest, okay ka lang ba? Huuy"

Pero hindi sya nag sasalita.
Tinulungan ko syang maka tayo at inakay papunta sa kwarto nya.

"Wag ka nga magulo, ang bigat bigat mo Gubat" sabi ko sa kanya.

Dahan-dahan ko syang hiniga sa kama nya.
"Bakit ba amoy alak ka huh"

"San.." mahina nyang sabi.
Sino ba yang San na yan. Tss.
Hinubad ko yung sapatos nya para mas maging komportable sya.

Pumunta ako sa banyo nya at kumuha ng towel at palangganang maliit na may tubig.

Shemaay! "Hoy wag kang malisyoso huh, huhubarin ko lang ung pang itaas mong damit para malinisan kita" sabi ko sa kanya, kahit alam kong tulog na tulog sya.

Dahan-dahan kong tinanggalan ng botones ang damit nya sheeet! Huhu inosente po ako mga readers hu.

Hindi ko sya pagnanasaha- wow abs.
Six packs abssss. Henebe

Umiling ako,
"Bad Odette" sisi ko sa sarili.

Hays ng matanggalan ko na sya ng damit ay agad kong pinunasan ang Ulo nya, braso , kamay at yung ano-yung Abs nya. Yon.

Ng matapos ako, agad ko namang kinuha ang First aid sa Kusina para gamutin yung mga maliit na sugat sa labi nya at kilay.

"Naki pag basag-ulo ka ba huh gubat?" Tanong ko kahit alam kong hindi naman talaga nya masasagot ang Tanong ko.

SNOW WHITE AND THE SEVEN GANGSTERS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon