CHAPTER 21

2K 101 4
                                    

CHAPTER 21

SAMANTHA ODETTE POV

Buong klase lutang lang ang isip ko.
Hindi ko talaga magets ang lahat na nangyayari.

"Huy! Oddy kanina ka pa tulala, tara na break na nagugutom na kaya ako" yaya ni Terry sakin tatangi sana ako sa kanya pero ginatungan naman netong Maxton.

"Oo nga Odette, sabo mo ililibre mo ko tara na" hila nya sakin kaya wala na kong nagawa

" Pwede ba sa Garden nalang tayo tapos bili nalang" nagbabakasakali kong sabi sa kanila.
Hays

"Sige ako nalang bibili ng foods una na kayo ni Maxton don dahil hindi pa nya alam yun" masayang sabi ni Terry, hays sana kaya kong ngumiti kagaya nya.

Sumangayon naman si Maxton kaya lumihis na kami ng daraanan, pero mali ata ang pag yaya ko sa kanila dahil nakasalubong ko sila.

Balak ko sana silang ngitian pero parang hangin lang ako na dumaan.

"Odette" tawag sakin ni Maxton

"I'm fine Max, okay lang ako, Cr lang ako saglit una ka na doon sa likod ng Junior building" hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin nya at tumakbo na ko sa Cr bago tuluyang makawala ang mga luha ko

Pero sa kamalas-malasan, nabangga ko yung anak ni Satanas

"What the hell! Hindi ka ba tumitingin sa daraanan mo ha?" Sigaw nya, kaya napayuko nalang din ako dahil gustong-gusto na bumuhos ng luha ko.

"Oh, look who's here, Samantha Odette ang feeling prinsesa ng School" Demmonica said na sinang ayunan nila.

"Sorry talaga" akmang aalis na ko ng hawakan ako sa braso ni Santana

"So ganun-ganun nalang yon? Pagkatapos mo kong banggain aalis ka lang? Bakit mababayaran ba ng sorry mo ang branded kong sandals?"
Pilit akong nag pupumiglas sa kanya pero mas hinihigpitan nya ang hawak sakin.

"Kasalanan ko bang nakaharang ka sa gitna? Sa gitna ka pa talaga makikipag chismisan? T*nga ka ba? Nakita mong tumatakbo di ka tatabo?"

Hindi ko na talaga mapigilan ang inis ko sa kanya
Pero agad nya kong tinulak kaya alam kong babagsak ako sa lupa, pero good thing, may sumalo sakin

"Are you okay?" Tanong ng isang lalaking  nakasalamin pero kitang-kita parin ang kagwapuhan nya.

"And who the hell  you are para makilaam?"  Kaya nabalik ang tingin ko kay Santana.

"Excuse me, pero baka gusto nyong ma report sa Guidance?" Seryosong  sabi ng lalaki kaya naman natakot ang tatlo at umalis

" Hindi pa tayo tapos Odette"

"S-salamat sa tulong"  sabi ko sa kanya ng makaalis na ang kampon ng kasamaan.

"No problem, sa susunod iwasan mo ng makabangga ulit" paalala nya  kaya nag taka naman ako ano yung 'ulit'

"Im Izxel Sebastian, from Senior Level, ako tung nabangga mo last week" shocks! Sya yun.

"So-sorry talaga" pero umiling sya

"Libre mo ko dahil nabangga mo ko last time at niligtas kita ngayon" hila nya sa kamay ko kaya hindi na ko nakapalag pa

"Te-teka, bakit lalabas tayo,  Class hour na mamaya" paalala ko dahil dinala nya ko sa Parking

"Dali na minsan lang naman" agad nya kong pinasakay sa sasakyan kaya no choice Odette.

SNOW WHITE AND THE SEVEN GANGSTERS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon