CHAPTER 32

2.1K 106 3
                                    

CHAPTER 32


SAMANTHA ODETTE POV

Naalimpungatan ako sa sikat ng araw na tumama sa muka ko. "Teka, umaga na?" Takang tanong ko,
dahil ang huli kong naaalala ay nasa Van kami paalis sa lugar na yon.

Bigla nalang sumagi ang kalungkutan dahil alam kong wala na si Migs.
"Sorry Migs, dahil sakin namatay ka pa" kahit alam kong hindi nya na ako maririnig pa.

Napalingon nalang ako sa pinto ng may kumatok
"Pasok"

"Mabuti, gising ka na Sam-sam" agad na niyakap ako ni Jed ng makalapit sya.

"Salamat sa pagtulong Jeddy" nakangiti kong sabi.
"Umm, Sam-sam dahil sa nangyari kahapon gusto ko sanang sabihin sayo to. Dahil ayokong maging huli na ang lahat" seryoso nyang sabi peri halata ang pag papawis nya.

"Ano ba yun Jeddy?" Ngiti kong sabi sa kanya na ikinagalaw naman ng adams apple nya.

"Sam-sam una palang iba na ang epekto mo sa akin, Sam gust-"

"Hoy! Jeddy sabi ko sabay tayong pupunta kay Snow bakit ka nauna!" Pasok ni Cain sa Kwarto

"Uy Cain"bati ko sa kanya.

"Hai Snowyyyy kuh" ngiti nyang malapad, sabay yakap sakin, ewan ko ba nasanay narin ako sa pagyakap nila sakin.

"Nakakainis ka Cain, panira ka" nagulat nalang kami ng makitang badtrip na lumabas si Jed.

"Anong nangyari?" Tanong nya sakin na kinailing ko "hindi ko alam, sayo sya galit eh"

"Ay, baka sa kanya lang napasa ni Enoch yung pagiging moddy" Halakhak nya "tara kumain na tayo, alam kong gutom ka. Hinihintay ka na rin nila"

Sumangayon naman na ko't lumabas.
"T-teka, si Chandler?" Naalala ko na nabaril nga rin pala sya kahapon.

"Mabuti na ang kalagayan nya, hanggang ngayon tulog pa" sagot nya bago kami makapasok ng dining.

"Ako nalang magdadala ng breakfast nya pag katapos natin" kaylangan kong bumawi, marami na syang naitulong sakin, ilang beses nya na akong prinotektahan.

"Samantha mabuti gising ka na" nakangiting bungad ni Graysen. Kaya nginitian ko na rin sya.

"Gising ka na Sam"

"T*nga kaya nga nakatayo kasi gising" bara ni Enoch, kaya sinamaan sya ng tingin ni Maxton.

Natuwa naman ako, kasi pansin kong nagiging okay na ulit sila. Kahit na hindi ko naabutan ang friendship na meron sila noon, ramdam kong malalim yun.

"Tara Sam-sam upo ka na, maraming niluto si Graysen" nakangiting hinila ako ni Jed sa bakanteng upuan.

"Si Forrest?" Bungad ko ng makaupo, wala kasi sya dito sa dining. "Ah, umalis kasama si Atty. Brixton"

Napakibit nalang ako sa sagot ni Graysen, minsan talaga ay madalas sya lang ang matino pag sinapian ng pagiging isip bata ang mga to.

Imagine kahit si Maxton.
"Hoy aking yang hotdog! Nakarami ka na ah!" Inis na inaagaw ni Cain kay Enoch.

"Hoy dalawa itlog mo kay hotdog ka pa! Bakit nang aagaw ka!" Napatingin naman ako sa platonni Cain pero wala namang laman yung plato nya na.

SNOW WHITE AND THE SEVEN GANGSTERS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon