Chapter Eight8
Nilalamig ang buong katawan ni Rain nang pumasok siya sa Classroom nila, nagsuot na lamang siya ng Jacket at walang imik na umupo sa upuan
"Okay ka lang ba?" tanong ni Josh sa kanya
Nginitian naman niya ito saka tumango "Okay lang ako Josh" kunot noo naman na tumango si Josh habang siya ay dinukdok na lamang ang ulo sa lamesa
Ano ba 'tong nararamdaman niya? Pakiramdam niya ay lalagnatin siya
"Nakuha mo na ba ang P.e Uniform mo sa locker?" napatingala siya kay Josh
Nahintuan siya panandalian, saka niya lang naalala na may P.e nga sila ngayon! Paano na 'yon? Eh nanghihina pa naman siya ngayon at pakiramdam niya ay lalagnatin siya
"Okay ka lang ba talaga Rain?" tanong sa kanya ni Josh na may pagdududa
"Medyo masama ang pakiramdam ko e, pwede bang hindi muna mag p.e ngayon?" mahina niyang tanong
Nagkibit balikat naman si Josh "Susubukan kong ipaalam kay Ms. Jane mamaya kung maeexcuse ka" tumango naman siya
"Salamat Josh"
"Walang anuman" anito sa kanya at yumuko na rin ito sa lamesa para siguro matulog
Mukhang hindi siya makakapagfocus ngayong araw na 'to sa klase dahil masama ang pakiramdam niya
Bumuntong hininga na lamang siya habang nagmamasid sa mga kaklase na pumapasok sa classroom nila
Napagpasiyahan niyang lumabas ng Clasroom at pumunta sa locker niya dahan dahan niyang binuksan ang locker niya at nakita niya ang P.e Uniform na nakalagay doon, inilibot niya ang paningin sa ibang kaklase at nakitang may mga kinukuha rin ito sa kanya kanyang Locker
Napatingin din siya sa lalaking nakayuko sa tapat ng locker nito na halos katapat lang din ng locker niya
"Olly?" hindi niya makapaniwalang tanong, hindi siya sinagot nito nakayuko lamang ito at nariirnig niya ang malalim na paghinga nito
Lumapit naman siya rito "Olly okay ka lang?" mahina niyang tanong dito at sinilip ang nakayuko nitong mukha
Nahintuan siya ng bigla itong inangat ang tingin sa kanya "Sa tingin mo?" walang emosyon nitong sagot sa kanya
"Mukhang hindi?" sambit niya, dahan dahan na bumalik sa pagkakatayo si Olly "Okay lang ako Rain, ikaw okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya habang kinukuha ang mga gamit sa locker pati na rin ang uniform nito
"Kamusta ka Rain?" tanong ulit nito sa kanya
"Okay lang din ako Olly, mag p-p.e ka ba?" tanong niya rito
Ngumiti ito "Kailangan e, kailangan consistent ang grades ko" napaawang ang labi niya panandalian pero napatango tango naman siya
Bigla naman may mga nagtatakbuhan na mga ibang studyante sa harapan nila malakas nitong nabangga ang likuran ni Olly
"Hala" napatakip siya sa bibig
"Ah!" malakas na sigaw ni Olly at napaluhod ito sa mga locker
"Bullshit" anito bakas ang kirot sa mga mukha nito kaya naman lumuhod si Rain para makita ang mukha nito
"Okay ka lang ba? Hala anong nangyayari?" luminga linga si Rain para humingi sana ng tulong para maidala sa clinic si Olly dahil nanghihina ito sa harapan nila
"Olly, halika dadalhin kita sa clinic!" aniya saka hinawakan sa braso si Olly para alalayan ito tumayo
"Olly!" narinig naman niya ang sigaw ni Laila sa hindi kalayuan
![](https://img.wattpad.com/cover/223512713-288-k656762.jpg)
YOU ARE READING
The Ignorant (Completed)
Mystery / ThrillerDue to Personal Matters, Rain Yvette Abueva Transfered to a Mysterious Private School Kung saan makikilala niya ang mga iba't ibang klase ng tao na masyadong "Big Deal" ang katalinuhang taglay Not until someone makes her realize something- more impo...