Chaptet Twenty-Five25
Few years ago...
"Yes!" Masayang sigaw ni Olly habang naglalaro ng Video Games sa harapan niya
Ang batang Olly ay masayahin at madaldal gustong gusto nitong naglalaro palagi sa kuwarto nito
"Double Kill!" Mababakas ang kasiyahan nito habang naglalaro pero agad ding nahintuan ng marinig ang malakas na kalampugan mula sa labas
Maya maya pa ay namatay ang power ng video game na nilalaro at napalingon sa taong may gawa noon
"Daddy" nanginginig na sambit ni Olly
Galit na galit na lumapit sa kanya ang ama saka isinampal ang mga Exam Papers na hawak nito sa mukha niya
Dahil maliit lang si Olly ay lumagapak siya sa sahig ng kuwarto niya dahil sa lakas ng impact ng sampal
"Daddy I'm sorry" naiiyak na wika ng batang si Olly
"Bagsak ka Math Exam niyo, akala mo hindi siguro makakarating sa akin?" Nanginginig na wika ng Daddy niya
Malakas ang iyak ni Olly habang nakaluhod sa harap ng tatay niya
"Sorry po Daddy"
"Tapos nakukuha mo pang maglaro ha! Kaya ka nagiging bobo dahil sa kalalaro mo ng mga Video games na iyan!" Dinuro duro pa ng tatay niya ang noo niya
"Sorry po, magaaral na po akong maigi" humihikbing sambit ni Olly, nanginginig ang mga kamay nitong nakahawak sa shorts niya
"Hindi ba dapat pagaaral lang ang inaatupag mo?"
"Sorry po Daddy"
"Nagtatrabaho ako para may maipalamon ako sa inyo ng kapatid mo pero ito lang ang isusukli mo?"
"Sorry po Daddy, hindi na po mauulit sorry" umiiyak na sambit ulit ni Olly
Takot na takot siya sa tatay niya..
"Pinapahiya mo akong bata ka, simula bukas tatanggalin ko na lahat ng gadgets mo at magaaral ka lang naiintindihan mo! Ayoko sa bobo! Wala akong bobong anak!"
Agad siyang napatingala sa Tatay niya, lalong lumakas ang iyak niya
"H'wag po Daddy, promise magaaral na po ako mabuti" aniya saka yumakap pa sa paanan ng ama pero sinipa lamang siya nito
"Magaral ka" galit nitong sambit bago lumabas ng kuwarto niya
Tamemeng naiwan ang batang si Olly sa kuwarto niya
Kinabukasan ay isa isa ng tinatanggal ng mga katulong nila ang mga laruan niya pati na rin ang mga gadgets niya
Iyak lamang ang nagawa ni Olly habang pinapanood ang mga katulong nila na linisin ang kuwarto niya
"Anong iniiyak iyak mo ha?" Bumalik siya sa ulirat ng tampalin siya ng tatay niya
"Daddy I'm sorry" mahina at inosente niyang wika rito
"Kung gusto mo bumalik ang mga laruan mo, magaral ka patunayan mo sarili mo sa akin, puro kahihiyan na lang ang natatanggap ko mula sayo" wika ng tatay niya sa kanya
"Opo" patango niyang sagot
Simula noon ay nagtanda si Olly, wala siyang nagawa kung hindi ang magaral ng magaral pahigpit ng pahigpit ang tatay niya sa kanya at tanging alam niya lamang ay patunayan ang sarili niya rito
![](https://img.wattpad.com/cover/223512713-288-k656762.jpg)
ESTÁS LEYENDO
The Ignorant (Completed)
Misterio / SuspensoDue to Personal Matters, Rain Yvette Abueva Transfered to a Mysterious Private School Kung saan makikilala niya ang mga iba't ibang klase ng tao na masyadong "Big Deal" ang katalinuhang taglay Not until someone makes her realize something- more impo...