Chapter Thirty-Three

12 11 0
                                    


Chapter Thirty-Three

33

Nanginginig ang mga kamay ni Olly, namamanhid na ang buo niyang katawan dahil sa mga nangyayari kasalukuyan siyang nasa rooftop wala siyang maisip na solusyon sa problema niya

Alam niya ay nasa tamang pagiisip pa siya, alam niya ring matalino siya at makakaisip din siya ng mga solusyon sa mga pangyayari

Mabilis siyang umalis ng rooftop at pumunta sa Directors office

Pagkarating ni Olly ay akmang kakatok na sana siya ng makarinig ng malakas na sigaw mula sa loob napakunot agad ang noo niya saka idinikit ang taenga rito para pakinggan ang ingay mula rito

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ng tatay niya, "Ano na naman ginagawa ni Daddy dito?" Mahina niyang asik sa sarili

Walang sabi sabi siyang pumasok na ikinahinto ng Director at ng tatay niya

"Mr. Olly Edwards, bawal ang student sa directors office-"

Hindi na niya pinatapos ang pagsadalita ng director at bumaling sa tatay niya na ngayon ay masama ang titig sa kanya

"Dad" saad niya rito pero isang malakas na suntok lang ang ginawad nito sa kanya, pakiramdam ni Olly ay tumagilid ang panga niya dahil sa lakas ng pagkakasuntok

"Nandito ako para ayusin ang lahat ng kabobohang ginawa mo, sobra sobrang pagpapahiya na ginagawa mo sa akin alam mo ba 'yon?" Galit na wika nito sa kanya

"Dad, tama na" saad niya rito, unti unti ng namumula ang mga mata niya at nagbabadya ng magunahan sa pagtulo ang mga luha niya

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha!" Galit na sigaw sa kanya ng ama niya

"Mr. Edwards calm down" pagaalo naman ng director sa tatay niya pero may inilapag lang itong isang bag sa lamesa na ikinatanga ng director

Napahilot naman sa noo niya si Olly sa nakita

"Linisin mo lahat ng problema ng anak ko, kung hindi pababagsakin ko ang-"

"DAD STOP!" Umalingawngaw sa loob ng office ang pagsigaw ni Olly

Nanlalaki ang mata at tinitigan siya ng ama niya

"Olly!"

"I said stop!, Tama na Dad tama na please" naiiyak na wika ni Olly

"Napakaignorante mong anak, hindi mo talaga naiintindihan na ginagawa ko ang lahat ng ito para sayo!"

"Ginagawa niyo po ba talaga 'to para sa akin o para sa sarili niyo lamang?"

"Anong klaseng anak ka! Napakaignorante mo!"

"Sana nga ignorante na lang ako! Sana namatayna lang din ako katulad ni mama! Baka sakaling sumaya pa ko!

"Huminahon po kayo sir" pagaalo ng director sa ama niya

Pinunasan naman ni Olly ang luha niya saka bumaling sa director "I'm so sorry for what happened here in your office Mr. Director" pahayag ni Olly

"It's okay" tatango tango namang wika ng Director

"Ang usapan ay usapan director, kapag hindi naayos ang gulong ito ipapasara ko ang school na ito" may diing wika ng ama ni Olly saka ito padabog na lumabas ng office

"I want to resign sir" malamyang wika ni Olly

• • • •

Naglalakad lakad lakad sa hallway ng school si Rain, hinahanap niya ang presensya ni Olly dahil kailangan na niya itong makausap para sa mga possibleng mangyari bukas

The Ignorant (Completed)Where stories live. Discover now