Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

CHAPTER 3

94K 4.1K 662
                                    

CHAPTER THREE

"WHY do you have to cover my eyes?" Celine worriedly asked McLaren.

He was holding a silver silk blindfold and was about to cover her eyes when she complained.

"What's that for?" She was referring to that silver thing.

Palabas na ang haring araw nang pareho silang magising ni McLaren na magkayakap sa sasakyan niya. Ngayon ay kasalukuyan silang nakaparada sa gilid ng kalsada sa lugar kung saan ay hindi siya pamilyar.

Pilit na gustong takpan ni McLaren ang mata niya ng telang hawak nito sa hindi niya malaman na kadahilanan.

"Just for fun, my angel. Wala naman mangyayaring masama sa 'yo kung tatakpan ko ang mga mata mo habang papunta tayo sa lugar ko."

Nagsalubong kaagad ang kilay ni Celine at nananantiya na pinagmasdan ang binata. Mula sa nakabukas na bintana ay tumatama sa gilid ng mukha nito ang sikat ng araw. Pinapatunayan lamang sa kanya na ang lalaking kaharap ay biyaya talaga mula sa langit para sa mga kababaihan.

Ang matitigas na muscle sa braso nito ay tila perpektong hinulma ng panahon. Ang mga pilyong kislap sa mga mata na palaging tumutunaw sa kanya sa tuwing tinititigan siya ay ebedensya lamang na hindi niya ito kayang hindian.

Ang mga bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito sa tuwing may lihim na binabalak sa kanya ay hindi niya napapalampas, ngunit gano'n pa man ay hindi mababago ng kapilyuhan ng mga mata nito at mapanglinlang na mga ngiti ang katotohanan na namuo na ang nararamdaman niya para kay McLaren.

"Tititigan mo na lang ba ako, Miss?"

Napakurap-kurap si Celine sa swabeng boses na iyon ni McLaren at napagtantong harap-harap na siyang ipinapahiya ng sarili sa lalaki.

"Ayoko ng blindfold."

Nangilabot siya sa ideyang nakapiring ang mga mata niya habang umaandar ang sasakyan! Hindi! Ayaw niya!

"Why?" He was curious. "Takot ka sa dilim?"

Mariin siyang napapikit nang may mga malabong imahe ang bigla na lang lumitaw sa kanyang balintanaw. Imahe na ngayon lang lumitaw sa mahabang panahon.

Those blurred images when she was a kid...together with other kids, but it was really hard for her to decipher the scenarios and the faces because of the blurriness of it.

Sasakit lamang ang ulo niya kapag ipinagpatuloy niya pa ang pag-iisip sa mga pangyayaring hindi pamilyar sa kanya.

Idinilat ni Celine ang mata upang lamang mabungaran niya ang mukha ni McLaren na nakatitig sa kanya. Napalunok siya sa intensidad ng titig na iyon. Palagay niya ay binabasa na naman siya nito.

"I hate the dark—"

"But you are working at a night club. Every night. It's dark."

Tama ito pero hindi niya makuha ang sarili niyang punto kung bakit may takot siya sa dilim. O ang ikinatatakot niya ba ay ang ideyang hindi niya makikita ang paligid kapag nakapiring ang mata niya?

El Secreto 1: Buried MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon