Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER 6

101K 3.5K 306
                                    

CHAPTER SIX

KASABAY ng paggalaw ng mga paa niya upang habulin ang van na sinasakyan ni little girl ay ang pagbitaw niya sa laruan na hawak.

"Wait! Wait for me!" Little McLaren shouted as he ran towards the van.

Hindi niya alam kung bakit kailangan niya pang habulin ang sasakyan, but seeing her crying like that made him cry, too. Bumagal ang takbo ng van, at nang tuluyan itong huminto ay lumabas ang daddy ni little girl.

"Gusto mo bang sumama sa amin?" Pinakatitigan ng batang McLaren ang mukha ng malaking lalaki. Nakatingala siya rito bago dahan-dahan na tumango. Nakita niya ang pagguhit ng nakakatakot na ngiti sa labi nito. "Halika na."

Hinayaan niya na buhatin siya ng lalaki at ipasok sa loob ng van. Hinanap agad ng mata niya ang batang babae.

"Little girl..."

"Bakit ka sumama?!" galit na tanong nito sa kanya. "They are bad guys!"

Itinuro ni little girl ang dalawang lalaki na nasa harapan. Sinilip ng batang McLaren ang mga iyon, mukhang hindi naman sila naririnig o wala lang talagang pakialam sa kanila. Muli niyang ibinalik ang atensyon dito. Naguguluhan.

"Why are you still crying?"

"Because I want to go back home!" She was sobbing. "I asked help from you, pero ayaw mo kasi...kasi inapakan ko ang toys mo!"

Naalarma ang batang McLaren nang hindi mahanap ang laruan niya na regalo sa kanya ng daddy niya!

"My toys...where are my toys?!"

"Wala ka namang dalang laruan nang dalhin ka rito ng bad guys!" Hinanap ni McLaren ang isa pang boses na iyon ng bata.

Lumuhod siya sa upuan ng van upang tingnan sa likod na upuan ang may-ari ng boses. Isang bata na nakapatagilid na higa sa upuan ang nakita niya, ginawang unan ang maliliit na kamay nito.

"Who are you, little girl? Dalawa kayong little girl dito?"

"Yes, little boy." Ipinikit ni little girl number two ang mga mata. "Sana paggising ko...kasama ko na ang mommy at daddy ko." Isang butil ng luha ang kumawala sa mga mata nito at dumaloy pababa sa pisngi. "I miss them so much."

Then she started sobbing while her eyes were closed.

PINILIT ni McLaren na alalahanin at ipagpatuloy pang sariwain ang mga kaganapan na iyon, ngunit hindi na kaya ng utak niya. Pabalikwas siyang bumangon. McLaren frustratedly brushed his hair using his finger.

What the fuck is going on? Why did images become blurry?

"Good morning, bunso ko." Malamyos na boses ng ina ang nagpabalik sa kanya sa katinuan.

"Mom..."

She smiled warmly at him.

"Masakit ba ang ulo mo? Heto, dinalhan kita ng gamot at almusal." She put the tray on the side table, then sat at the edge of the bed. "Pwede kayong magkakapatid uminom, pero huwag naman yung tipo na hindi na kayo makabangon sa kalasingan."

Lalong sumakit ang ulo ni McLaren nang maalala ang pag-iinom nilang tatlo kagabi. Hindi na nga niya alam kung anong oras sila natapos at kung paano siya nakarating sa silid niya.

"I'm sorry about that, Mom. I can't remember anything from last night." McLaren laid down on his bed again and closed his eyes. "I'm not hungry, though." Ilang sandali na hindi umimik ang ina. "I swear, I will eat that later. Huwag lang ngayon, Mom."

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay missgrainne, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni missgrainne
@missgrainne
When secret agent McLaren Lane starts dreaming about a little girl, b...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 36 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @missgrainne.
El Secreto 1: Buried MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon