CHAPTER 3

87 38 9
                                    

CHAPTER 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 3

After a stressful shift last night ay wala sa sarili akong naka-uwi nang bahay. Narating ko ang bahay ng mga quarter to eight ay nakahanda na ang breakfast sa hapag.

"Oh, nanjan na pala ang pinsan kong rebelde!" Tumaas ang kilay ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Lance? Anong ginagawa niya rito?

Nang bumaling ako sa gawi ng dining room ay hindi nga ako nagkamali. Naroon ang pinsan kong si Lance, kasama ang mga magulang ko.

"Mija, come join us here. Please." My dad said that made my whole body walk towards them. It's funny how he uses the word 'please' but you have no choice to refuse.

He's usually kind, lalo kapag kasama ang mga business partners and stockholders niya. Pero kapag kami ang kausap niya ay tila hindi kami ang pamilya niya. Kumbaga mas strikto siya pagdating sa pamilya niya.

I understand him naman. He was raised by my grandparents in Spain. 

Humalik ako sa pisngi ni daddy at mommy. Hindi ko naman pinansin si Lance na naka-upo sa pwesto ko. Nagsimula naman na akong kumain dahil hindi ko ma-ikaila na gutom talaga ako. Sinisiko naman ako Lance habang kumakain ako. Puta, isip bata talaga.

"Emma, bakit parang tamlay mo baby?" My mom asked. On the other hand, she's always there for me. Unlike my dad na parang sobrang hirap pakisamahan, si mom naman ay ang naging sumbungan ko everytime na may nang-aaway sa'kin o 'di naman kaya ay malungkot ako.

Naalala ko pa nga no'n kung paano siya nagalit kay dad dahil ayaw akong payagan itayo yung convenience store. At kung paano niya ako ipagtanggol sa mga relatives ko na lagi akong pinag-uusapan kapag may mga gatherings. I love her so much! Moms are really amazing!

"Eh kasi mom, may party kagabi sa Hilda Grounds. Usually, they go to my store when they need something kaya sobrang busy kanina." Pagku-kwento ko. Pumasok na naman tuloy sa isip ko yung lalaking nakasagutan ko kagabi. Jusko, sakit sa bangs!

"Why don't you just get an internship in our company, mija? Should I schedule you a meeting with Ms. Flor?" Bigla akong nasamid sa sinabi ni dad. Oh, here we go again. Nakita ko naman na natawa si Lance sa nangyayari. Yeah, enjoy our teleserye life asshole.

"We already talked about this, Roman." Mom said. Tumango-tango nalang si dad at bumalik na sa pagkain. It's Sunday, it means nandito lang sila sa bahay buong araw. It also means wala akong duty tonight at kasama ko sila sa bahay na 'to.

"How about your resort in Aurora, Lance? Nahihirapan ka ba?" Na kay Lance na ngayon ang atensyon namin dahil sa tanong ni dad. Parang mapupunit naman ang labi nitong pinsan ko dahil sa lawak ng ngiti niya.

"Ayos naman po, tito. I expected it to be more complex but I'm surprised na hindi ako nahihirapan." Yabang nito. Akala mo naman talaga siya ang nagha-handle. If I know, lagi lang 'yan puma-party at nag-iinom.

The Rules Of Sneaking OutWhere stories live. Discover now