CHAPTER 17

27 11 0
                                    

CHAPTER 17

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

CHAPTER 17

Minutes ago, some romantic songs played inside my head. I feel like I'm a protagonist in a movie or a teleserye. Juliet or whoever. Slow motions and close-ups to my face are what I expect it to be.

But minutes after minutes, Sebastian and I are still running, literally. Instead of a romantic movie, our genre at this time could pass as an action film. I laughed at my silly thoughts.

"Tangina, hindi ko expect na literal na tatakbo kapag run away?" Asik ko habang patuloy na tumatakbo at hinihingal. Halos sampung minuto na kami tumatakbo at hindi ko alam kung saan kami patungo. Sinusundan ko lang si Seb.

Narining ko mahinang tawa niya na nangunguna sa'kin.

"Malapit na, Emma. Just run." Aniya. Maririnig na natutuwa siya sa nangyayari ngayon. Ako? Hindi! Never akong naging fan ng pagtakbo. Whenever I'm with Seb, it's either kinakabahan ako o pagod ako. Pick a struggle.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ulit. Pati ang mababaw at mabilis na paghinga ni Seb ay naririnig ko na rin.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Doon ko napansin na parehas ang suot niyang damit kahapon na kasama ko siya. Bakit hindi siya nagpalit?

Hindi tumagal ay nakarating kami sa isang bakanteng lote na kung hindi ako maglalayas ay hindi ako magkakamaling puntahan ito. May mga maliliit na damo at nagkalat na basura. Napansin ko rin ang mga pakete ng condom sa lupa. Muntik na akong maduwal nang makakita ako ng isang gamit na.

Napatulala ako kay Seb nang pumasok siya sa isang sedan. Wala sa lote ang kotse niya. Bumusina siya nang nakapasok na siya kaya mabilis akong naupo sa shotgun seat. Pamilyar ako sa ganitong kotse kaya mabilis kong kinalikot ang air condition at itinodo ito.

Wala kang maririning kung hindi ang makina ng sasakyan at ang nag-uunahang paghinga namin dahil sa pagod. Natawa ako at bumaling kay Seb.

"My heart is beating so fast, but I like it." Nakangiting sambit ko.

"That's how you know you're having fun." Kinindatan niya ako at nagsimulang mag-drive. Makikita mo ang excitement at tuwa sa mga mata niya. Tumango ako. I'm having fun!

Hours have passed pero naka-idlip lamang ako. Ilang beses ko rin inalok si Seb na magpahinga muna at ako na ang mag-drive pero tumatanggi siya.

Nang magising ulit ako ay hindi ko na sinubukang matulog dahil napansin ko ang hitsura ni Sebastian. Nangingitim ang ilalaim ng mata niya at halos pumipikit na. Napailing lang ako.

"If I talked to you hindi ka na ba aantukin?" Nagtatakang lumingon siya sa akin pero tumango lang din siya. Nahiya pa.

"What's your favorite color?" Tanong ko. Matalim niya naman akong tinignan kaya nagtaka ako.

"Magigising tayo pareho sa ambulansiya kung ganyan ka magtanong." Nang-aasar na sabi niya. Inirapan ko lang siya at nag-isip ng maitatanong.

"Ih, wala akong maisip!" Usal ko. Humagikgik naman si Sebastian dahil sa sinabi ko. Alas-tres pa lang ng madaling araw kaya wala pang masyadong sasakyan sa daan.

"Ako na nga! Nakapagpaalam ka ba sa pamilya mo?" Natahimik ako sa tanong niya. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang napag-usapan namin ni Lance. Napansin ni Seb ang pananahimik ko kaya tumingin nalang ako sa labas.

"Is there something wrong?" He asked. Should I say it to him? Wala naman mawawala 'di ba? Atsaka ilang beses na kaming nakapagkwento sa isa't isa.

"I'm not the heir anymore. Si Lance na ang successor ng family." I explained. Nakita kong napakunot ang noo niya.

"That's what you want, right?" Tanong niya ulit. I sighed. People know that 'yon ang gusto ko pero deep inside, I know it isn't, anymore.

"I wouldn't be here with you if that's what I want." Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Natahimik lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Gumaan naman kahit papano ang dibdib ko dahil sa pagkwento ko.

"Sebastian, could you answer my questions?" I asked. Binigyan ko ng diin ang letrang 's'. He just nodded. This can help my curiosity, and also him, para hindi na siya antukin.

"Why... Why are we using this car? Nasaan yung kinuha natin sa talyer?" I asked. Tila inaasahan naman niya na itatanong ko 'to dahil hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ayokong mapahamak yung kotse na 'yon kaya tinago ko lang. Extra ko lang na kotse 'to." Napatango naman ako. Mayaman din naman pala siya. Akala ko talaga kailangan niya ng pera no'n kaya in-offer niya sa akin yung tutorial.

"By the way, I did the rules kanina. They worked!" Nakangiting usal ko sa kanya. Natawa lang din siya at binuksan ang radio. Hindi pamilyar sa'kin ang kanta kaya nakinig na lamang ako.

"Three nights at the motel, under streetlights." Nilingon ko siya nang sumabay siya sa kanta. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta. That could be my favorite song now.

I called his name and he looked at me. Binalik niya rin agad ang tingin niya daan. Huminga ako ng malalim at bumaling sa kanya.

"Why are you running away?"

The question caught him off guard. Halos mapapreno siya nang itanong ko iyon. We almost crashed again, thank god we're both wearing our seatbelts. Natuto na siya.

"M-My ex-girlfriend wants me to make up with my brother." Usal niya. Napansin ko ang pagbibigay diin niya. Seryoso siyang nagmamaneho at nakakunot ang noo. Pinagmamasdan ko lang siya at kinikilala nang husto kung sino nga ba ang kasama ko ngayon.

Nang hindi ako nagsalita ay pinagpatuloy niya ang pagkwento.

"I will never forgive my brother. I will never forgive the two of them." Seryosong sabi niya. Umayos nalang ako ng upo. Malapit nang mag-alas-kwatro at napansing umalis ang kotse sa highway.

"Where are we going?"

"Sleep. We need to sleep."

Habang naghahanap ng matutulugan ay narating ng mga mata ko ang pantalon ni Seb. May iilang pulang mantsa sa iba't ibang parte nito. Hindi ko na masyadong pinansin iyon dahil nagsalita siya ulit.

"Ikaw, why are you still running away? What's your new reason?" Tanong niya sa'kin. Ngayong hindi ko na kailangan tumakas sa responsibilidad ko, ano nga ba ang dahilan at tumatakas pa ako?

Napaisip ako. Liniko ni Seb ang kotse at nabasa ko ang mga umiilaw na letra. Motel.

"Maybe I'm here because I want to be here."

The Rules Of Sneaking OutHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin