CHAPTER 16

27 11 0
                                    

CHAPTER 16

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 16

"The 7th rule is to walk as fast as you can."

Tumawa ako. Napatingin sa akin si Sebastian dahil sa pagtawa ko. Umiling ako.

"Really? In this situation?" Puna ko sa kanya. Naningkit naman ang mata niya at halos magkasalubong ang kilay.

"Bakit? Last rule na 'yon, sayang kung hindi mo malalaman." Tumango tango nalang ako bilang pagsuko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa saradong warehouse. At naghahanap ng malulusutan dahil itong si Sebastian ay hindi naisip na sarado na ang talyer na 'to sa ganitong oras.

"When I first started to sneak out ay lagi akong nahuhuli dahil tumatakbo ako. Neighbors who are still awake or just happened to wake up that time, say that may tumatakbo daw palabas ng bahay namin. My parents already know that it's me because... it's me." Mahabang paliwanag niya.

Ako naman na nakikinig ay nangangapa lang ng lock na pwedeng gamitin para mabuksan 'tong warehouse.

"Emma, back off!" Nagtataka naman akong lumingon sa kanya. Pero saktong pagtingin ko sa likod ay siya namang paghagis ng bato ni Seb sa bintana na nasa tabi ko lang. Napatili ako at tumakbo palayo sa kanya.

Sebastian shushed me dahil baka may makarinig daw sa'min.

"Putangina, muntikan mo na akong patayin!" Pabulong na sigaw ko sa kanya. Nararamdaman ko pa ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Tangina.

Humagikgik lamang siya at pumasok na sa bintanang binasag niya. Ilang sandali pa ay nabuksan niya ang pinto ng warehouse at nakapasok din ako.

May iilang kotse na walang gulong at kulang-kulang ang piyesa na nasa bawat sulok ng warehouse. Nakakalat din ang iba't ibang mga tools na ginagamit sa paggawa ng mga sasakyan.

            Pagdating sa may gitna ay naroon na ang kotse ni Sebastian na wala nang yupi at mukhang bago. Hindi na siya nagsayang ng oras at sumakay na siya roon at binuksan ang makina. Sumilay ang malawak na ngiti sa kanya at niyakap pa ang manibela nito.

"Na miss kita, Luffy!" Narinig kong sabi niya. Is naming your car normal? Or it's just him?

Nang mapatingin siya sa'kin ay nilabas nya ang kanyang ulo sa bintana ng driver's seat.

"Hey, woman! You're not getting in?" Hindi man niya kita ay inirapan ko pa rin siya bago ako naglakad patungo sa kanyang kotse. Bago ako pumasok sa kotse ay pinagmasdan ko ito. He actually got a good taste.

Tuluyan na akong pumasok at naupo sa shotgun seat nang bumisina siya. Kitang kita ang gilagid niya sa pagngiti. Maging ang mga mata niya'y naningkit din.

"Ang saya mo ah?"

"This is my first car. I bought this with my savings." Tinanguan ko nalang siya at bagot na umupo. May mga kinalikot pa si Seb kaya lalong tumagal.

The Rules Of Sneaking OutWhere stories live. Discover now