Chapter XXVI

623 22 1
                                    

HINDI parin maalis sa mukha ni Kevin ang galit na nararamdaman niya. Hindi niya na maintindihan sarili kanina. Bakit niya ba sinabi 'yun kay Leann? Alam niya sa sarili niyang mahirap 'yun paniwalain pero may magagawa ba siya kung ito ang nararamdaman niya?

Alam niya sa sarili niya na indenial siya kapag sinabi niyang walang epekto ang paglapit ni Andrius kay Leann.

Gusto niya munang makasiguro sa nararamdaman niya pero hindi niya na kayang hindi makielam kay Leann kapag kasama niya 'yung lalaki. Naiinis siya kapag nakikita ang dalawa na magkasama, nawawala siya sa mood kapag tumatawa si Leann ng dahil kay Andrius at lalong nagagalit siya kapag pinipili ni Leann si Andrius kumpara sa kaniya.

Eh bakit naman kasi gusto niya siya ang piliin ng dalaga? Fuck! Hindi na niya talaga maintindihan ang sarili niya.

"Cuz?"

Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. "Xavier ikaw pala" sabi nito sa pinsan niya. Nasa corridor siya ngayon habang iniisip ang nangyri kanina, ayaw niya munang pumunta sa room dahil panigurading maiinis nanaman siya kapag nakita ang dalawa.

"Bakit lukot na lukot 'yang mukha mo ha?" Tanong sa kaniya ni Xavier.

"Hindi ko na alam, Cuz. Naiinis talaga ako kapag nakikita ko 'yung dalawa na magkasama."

Bahagyang tumawa si Xavier kaya naman kumunot-noo si Kevin. "When did the last time you feel that?" Tanong sa kaniya ni Xavier kaya napaisip siya.

Matagal tagal narin magmula nung maramdaman niya 'yun. Almost one year na siyang hindi nakakaramdam ng ganun. Bakit ba kasi naging apektado siya kay Leann?

"Nung kami pa ni Beatrix" sagot ni Kevin kaya tumango si Xavier.

"That's it" sagot ni Xavier kaya lalong nagukuhan si Kevin.

"Anong that's it?"

"Concern ka sa babaeng 'yun. Hindi lang basta concern dahil hindi ka naman magseselos kung hindi mo 'yun gusto" napatanga siya sa sinabi ng pinsan niya.

Gusto?

May gusto siya kay Leann?

"What? Impossible cuz! Alam mong ayoko sa mga babaeng hindi ko naman kilala"

Hindi niya nga ba kilala ang dalaga?

"Alam kong alam mo na kilala mo na ang babaeng 'yun kaya ka na-aatract sa kaniya. Wag mong gawing excuse ang galit mo sa mga babae para sabihing hindi ka ulit magkakagusto" ani Xavier.

"Gusto kong makasiguro, cuz. Naguguluhan pa 'ko, hindi ko alam ang nangyayari sakin"

Hinarapan siya ni Xavier "Ganito, magtatanong ako tapos sagutin mo, ok?" Aniya kay Kevin kaya tumango ito. "You're feeling happy with her?"

Natitig siya sa pinsan niya at inalala kubg nagiging masaya ba siya sa tuwaing kasama si Leann. "Oo masaya"

"Ayaw mong makita siya na umiyak o malungkot?

Naisip niya 'yung nangyari doon sa bar. Nang makita niya si Leann na umiyak ay talagang nagalit siya ng sobra at nakuha niya pang suntukin ang kaibigan niya.

"Ayoko" sagot niya.

"Gusto mo lagi siyang masaya?"

"Syempre"

"Naiinis ka kapag hindi ikaw ang rason ng pag-ngiti niya"

"Oo sobra"

"Nag-aalala ka kapag ilang araw na siyang hindi nagpapakita sayo?"

"Oo" naalala niya pa nun nung namatay ang parents niya tapos ilang beses siyang umabsent. Inaabangan niya nung ang dalaga, nakuha niya pa ngang magbahad ng tig-3k sa mga taong pinagtatanungan niya kung pumasok ba si Leann.

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat