Chapter XXXIII

608 17 0
                                    

ILANG araw narin magmula nung sinamahan ni Kevin si Leann sa tunay nitong pamilya. Hanggang ngayon hindi parin pumapasok ang dalaga dahilan para hindi siya makita ni Kevin.

Gusto niyang kausapin o puntahin si Leann pero hindi niya magawa. Ayaw kasi nitong makausap siya at mas lalong ayaw niya munang umarap sa mga magulang niya.

Nalaman ni Kevin na nakatira na si Leann sa puder ng totoo niyang magulang.

Halos magdadalawang araw na rin itong lumiban sa klase,

Fuck. He wanted to see her. Miss na miss niya na ang mukha ng dalaga pero wala siyang magawa para makita ito.

"Bakit mukhang problemado ka?" Tanong sa kaniya ni Precious ng makalapit ito.

Umiling siya at nginitian ang dalaga. "Wala 'to" pagtatangi niya.

"Psh! I know you, Kevin. Alam kong na-mimiss mo si Leann. Lagi ka kayang ganyan kapag hindi siya pumapasok!" Sabi ng dalaga at inikutan siya nito ng mata.

"I want to see her but I can't. Alam kong galit siya sakin. Tang'na"

Kunot-noo siyang tinignan ni Precious. "Bakit naman siya magagalit sa'yo? Omg! Baka pinagsamantalahan mo siya?!"

"Fucking no! Hindi ko 'yun magagawa sa kaniya, Lil'sis."

"Dapat lang 'no! Kung hindi malalagot ka rin sakin!"

"Bakit kayo nag-uusap ni Bella?" Tanong sa kaniya ni Zrel ng bigla itong sumulpot. Halata ang inis nito ng makitang nag-uusap silang dalawa ni Precious.

Tsk. Fucking possessives as always.

"Pake mo?" masungit na sabi ni Precious.

"May pake ako dahil asawa moko"

Nung isang araw, nalaman nalang nila na na-aarangge marriage ang dalawa. Kaya naman pala ginawang assistant ni Precious si Zrel para mapaglapit ang dalawa. Nagulat sila dahil sa nangyari pero wala na silang nagawa tungkol dun.

Well sa pagkakaalam niya, gusto naman ni Zrel ang nangyaring pagpapakasal. Pero ang gulo! Girlfriend niya si Margo pero napakasal siya kay Precious. Fucking complicated right?

"Tse! Asawa ka dyan! Bahala nga kayo dyan!" Ani Precious at nilayasan ang dalawa.

Ramdam niyang nilapitan siya ni Zrel. "Bakit kayo nag-uusap ni Bella?" Tanong ng binata kaya napangisi siya.

"Tsk. Don't worry, bro. Hindi moko karibal kay Precious." Aniya sa kaibigan. "Masyado kang halata na nagseselos eh" dagdag pa niya.

"What? Hindi ako nagseselos"

"Nag-seselos ka. Tsk. Paano niyang gulo rin ng buhay mo? May girlfriend ka tapos naiinlove kana kay Lil'sis?"

"H-hindi ako naiinlove kay Bella"

Napailing siya sa sagot ng kaibigan. Fucking indenial. Tsk. "Payo ko sayo, bro. Linawin mo 'yang nararamdaman mo. Hindi pwedeng dalawa ang mamahalin mong babae. Tss"

Alam niyang girlfriend niya si Margo pero nakikita ni Kevin na mas priority nito si Precious.

"Just don't fucking mind my own life" sabi sa kaniya ng kaibigan. "If I know, magulo rin ang buhay mo. Ano, kamusta na kayo nung Leann?"

Tsk. Iniba pa nga ang usapan.

"Alam na niya ang totoo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, gusto ko siyang makausap pero hindi naman siya pumapasok"

"Give her time to think, Kevin. Kausapin mo siya kapag handa na siyang makipag-usap sa'yo"

"Pero papano nalang kung magalit siya sakin? Damn! Bakit kasi hindi ko nalang kaagad sinabi"

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon