Chapter XXXVII

566 20 0
                                    

TULALA si Leann habang hinihintay ang papa niya. Nagpasundo kasi siya sa harapan ng mall.

Hindi siya makapag-isip ng maayos dahil narinig niya  ang usapan ng dalawa.

Aalis na sana siya ng mall kaso nakita niya sina Kevin at Ate niya na nag-uusap dun.

Nakita niya kung papaano yinakap ng ate niya si Kevin. Tang'na ang sakit. Eto ang iniiwasan niya, masyado na siyang napalapit kay Kevin..

B-bakit ang ate pa niya ang ex girlfriend nito? Base sa narinig niya kanina, ang ate niya ang rason kung bakit napariwara si Kevin.

Siya ba ang dahilan kung bakit naging Casanova ang binata? Ang ate Bea niya ang dahilan kung bakit walang respeto si Kevin sa kahit sinong babae... Ibig sabihin, masyadong nasaktan ang binata dahil minahal niya ang Ate Bea niya.

Napapikit si Leann sa naisip. Masyadong maliit ang mundo at ang ate niya pa ang naging ex nito.

May bumusina sa harapan niya dahilan para mahinto siya sa pag-iisip. "Claire anak" tawag sa kaniya at sumilip ang papa niya sa bintana.

Dali-dali siyang pumasok sa kotse. Tulala parin siya habang iniisip ang mga narinig.

"Ang lalim yata ng iniisip mo anak?"

Napalingon siya sa papa niya. "Am wala naman po" aniya at bahagyang ngumiti.

Pagtapos ng ilang minuto ay nakarating na sila ng bahay nila. Dali-dali siyang pumasok ng kwarto at ibinagsak ang sarili sa higaan.

"Tang'na. Bakit si Ate pa ang ex girlfriend ni Kevin?" Napasabunot siya sa sarili niyang buhok.

Hindi niya alam kung bakit siya nararamdam ng inis sa nalaman.

Napabalikwas siya ng higa ng may kumatok sa pintuan niya. "Pasok" sigaw niya dito.

"Leann"

"Ate" aniya at nabigla ng yakapin siya ni Beatrix. Umiiyak ito ngayon habang nakayakap sa kaniya.

"Ang tanga tanga ko"

Hinarap niya ang ate niya. "Pinabayaan kong mawala 'yung lalaking mahal ko...Leann, ang tanga ko" aniya habang patuloy parin sa pag-iyak.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Leann sa narinig. Hanggang ngayon mahal niya parin si Kevin?

"M-mahal mo parin?"

Tumango ang ate niya dahilan para masaktan siya ng sobra. Yinakap niya ulit ito. "Ipakita mo lang na sincere ka sa sorry mo. Malay mo patawarin ka niya at mag-balikan kayo ulit" aniya at tipid na ngumiti.

Masakit para sa kaniya ang sinabi niya.

"Bakit alam mo? Narinig mo ang usapan namin?"

"Oo. Nasa labas kaya ako ng mall nun tapos nakita kitang hinila ni Kevin palabas at dun nagusap"

"H-hindi ko talaga sinasadya ang nangyari..Nung araw na 'yun tanging si nanay lang ang iniisip ko, gusto ko siyang maipagamot kaya ko tinanggap 'yung pera"

"Alam ko 'yun, Ate. Ginawa mo lang 'yub dahil kay nanay... Sigurado akong maiintindihan ka ni Kevin"

"Talaga?"

"Oo naman. Hindi mo naman ginamit 'yung pera para sa sarili mo eh"

"Sana nga maintindihan niya ko" sabi ng ate niya. "Am teka, bakit nga pala kayo magkakilala ni Kevin?"

Hindi alam ni Leann kung ano ang sinasagot niya. "A-am. Mag kaklase kami ate"

"Ahhh. Eh bakit magkasama kayo sa mall?"

Ruthless Casanova #2.1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now