Chapter 11

305K 10.9K 10.3K
                                    

#DTG11 Chapter 11

Agad na nakita ko si Niko sa gitna. Napapa-libutan siya ng maraming tao. Ang saya niya tignan. Talagang friendly siya. Si Sancho kasi medyo may pagka-suplado. Si Vito naman ay hindi magsasalita kung hindi mo kaka-usapin. Si Niko iyong pinaka-friendly... kung sabagay, mahilig kasi siyang manghingi ng papel o manghiram ng ballpen kaya wala siyang choice kung hindi kausapin iyong mga tao sa classroom.

"My birthday wish for you is for girls to stop pretending that you knocked them off," sabi nung isang lalaki na katabi niya. Biglang naibuga ni Niko iyong ininom niya na alak. Nagtawanan iyong mga tao.

Masaya naman yatang magparty. Wala pa naman akong nakikita nung sinasabi ng mga classmate ko na bastos—

"What?" tanong ni Vito nang nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako naka-sagot. Sinundan niya iyong tinitignan ko at nakita niya rin iyong babae at lalaki sa isang gilid na...

Hala.

Ang bastos nga dito.

Agad na humarang sa harapan ko si Vito.

"Are you hungry? There's food here," sabi niya.

"Ah... oo," sabi ko na lang pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko iyong nakita ko. May kwarto naman dito... Sa labas talaga nila ginagawa? Ang dami pa kayang tao...

Hinawakan ni Vito iyong pala-pulsuhan ko at saka marahan akong hinatak. Sumunod na lang ako sa kanya dahil wala rin naman akong kakilala rito maliban doon sa tatlo.

"Can I have a menu?" tanong niya roon sa lalaki. Inabot sa akin ni Vito iyong menu. "We can go to a fast food if you want real food. I think they only have finger food here."

Umiling ako. "Hindi na," sabi ko. Birthday ni Niko, e. Magstay na lang ako rito. At saka uuwi na rin naman ako mamaya dahil inaantok na talaga ako.

Hindi ko alam kung ano ang oorderin ko kaya hinayaan ko na si Vito ang mamili ng kakainin ko. May tiwala naman ako sa kanya. Masarap naman lagi ang kinakain niya. Pagkatapos niyang umorder, nagpaalam siya sa akin na pupunta raw siya sa CR.

"Hey," sabi ng isang lalaking lumapit sa akin.

"Hi," sagot ko.

"Have a drink," sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na baso.

Agad akong umiling. "Hindi po ako umiinom..." sabi ko tapos tumingin sa paligid para hanapin kahit sino sa tatlo pero wala akong makita.

"Just one?" sabi nung lalaki.

"Hindi po talaga..."

"Come on... Masamang tumanggi sa alak."

Tumingin ako sa lalaki. Siya iyong katabi kanina ni Niko, e. Mabait naman siguro 'to. Saka mukhang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako pumapayag.

"Isa lang, ha..." sabi ko habang kinukuha iyong baso. Agad kong inatras nung matikman ko kung gaano katapang iyong lasa. Tumawa iyong lalaki sa harap ko.

"Just drink it straight," sabi niya. Nagsalin siya sa isa pang hawak niyang baso. Grabe. May dala talaga siyang bote. "I'm Lui, by the way. Are you a law student? Or the other friends of Niko?"

"Sa law school," sagot ko.

"Oh. I'm from SCA," sabi niya. "Cheers."

Sinunod ko iyong sinabi niya at diretso kong ininom iyong alak. Parang may kung ano sa lalamunan ko tapos ang init ng tyan ko. Grabe naman... Kakainom ko pa lang parang naiinitan na agad ako...

"Lui, what the hell!"

"What? I'm just making friends," natatawang sabi ng lalaki. "See you around, Assia," sabi niya pa bago kumaway at umalis.

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon