Chapter 47

228K 11.3K 17.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG47 Chapter 47

"I'm gonna wait in the car," sabi ni Vito nang huminto kami sa harap nung puntod ni Nanay. Tumango ako sa kanya habang naka-tingin doon.

Naupo ako sa damuhan habang nagsisindi ng kandila.

"Nandito na naman ako, Nay..."

Sinusubukan ko na pumunta dito dalawang beses kada linggo. Madali ko namang nagagawa dahil wala akong trabaho bukod sa pagtulong kina Tatay sa pananim namin.

Ganoon pa rin kaya?

Magkaka-trabaho kaya ako ngayon na abogado na ako?

May tatanggap kaya sa akin?

"Naka-pasa na po ako... May abogado na po kayo..."

Hindi ko alam kung bakit nagsimulang magtubig iyong paligid ng mga mata ko. Naalala ko nung unang sabihin ko sa kanya na mag-aaral ako ng batas... Akala ko nung una ayaw niya... Kasi marami kaming napapanood na mga abogado na nababaril... napapatay... Akala ko ayaw niya dahil nag-aalala siya sa akin.

Iyon pala ay natigilan siya dahil hindi niya akalain na magkakaroon siya ng anak na mag-aabogado. Kasi lahat sa pamilya niya, halos high school lang ang natapos... bihira lang iyong maka-tapos ng kolehiyo...

Tapos heto raw ako na ang taas ng pangarap.

Hindi niya raw akalain.

Simula nung sinabi ko sa kanila na mag-aabogado ako, napansin ko na tumanggap ng ibang trabaho si Nanay. Hindi niya alam pero nakita ko noon kung paano nagtabi siya ng isang garapon at doon niya nilalagay iyong mga kini-kita niya.

Nakita ko iyong sakripisyo niya...

Kaya ang sakit na wala siya ngayon para makita na ito na ako... na may abogado na siya...

"Nagluluto na sila Alec ng handa namin... Sayang wala ka rito..."

Ang dami kong gustong sabihin.

Hindi ko alam kung saan ko sisimulan.

"Nagtanong si Tatay kung magkano magpa-tarpaulin... Ipopost niya raw sa bayan para malaman nilang lahat na abogado na ako... Sabi ko 'wag na... kung ako lang, nawalan na ako ng gana na tumulong sa kanila... pero tama naman si Vito..."

Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon.

Pero kailangan kong alalahanin kung bakit ako nagsimula.

Nagsimula ako dahil gusto kong tumulong.

Kailangan kong bumalik doon.

Tutulong ako sa mga may kailangan sa akin... kasi kahit ganyan sila sa akin, karapatan nilang maipagtanggol...

Huminga ako nang malalim.

"Atty. Assia dela Serna..." sabi ko at mapait na napa-ngiti. "May abogado ka na, Nay..."

Mabilis na tumulo iyong mga luha ko nang humangin nang malakas. Ngumiti ako habang pina-pahid sila.

"Salamat, Nay... Pangako po tutulong ako sa mga nangangailangan sa akin... Gagawin ko iyong pangako ko... Hinding-hindi po ako makaka-limot..."

Nanatili pa ako ng ilang minuto hanggang sa tumigil ang luha ko. Nang bumalik ako ay nakita ko si Vito na naka-tayo sa labas ng sasakyan niya at naka-tingin sa akin.

"Tara na?" sabi ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. "You okay?" tanong niya at tumango ako. "You sure?"

Defy The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon