Chapter 4: Ulan

83 15 15
                                    

Maaga akong nagising dahil 6am ang start ng klase namin ngayon. Natapos na rin ang isang linngo na puro kasiyahan. Ngayong araw ay magsisimula na rin ang klase. Medyo kinakabahan tuloy ako. Although, marami naman na kaming nakilala nila Phoebe at Calista sa mga ka-block namin. Mukha naman kasi silang mababait at hindi tulad ng inaakala ko na maaarte. Mga masasaya rin silang kasama at maiingay!


Nang matapos akong maligo at magbihis ay tinanaw ko ang balkonahe. Shemay, ang lakas ng ulan. Mahirap pa naman kapag umulan dito, bahain masyado. Ka-kailanganin mo talaga ng bota, eh!


"Shet, ang lakas ng ulan!" sabi ko habang pinapatuyo ang buhok sa tapat ng stand fan.


"Hala gagi, magpatila kaya muna tayo? Pahupain lang natin saka na tayo umalis," suhestyon naman ni Calista.


"Oo nga tutal maaga pa," pagsang-ayon pa ni Phoebe.


Hindi rin nagtagal ay bahagyang humina na rin ang ulan kaya naman kinuha na namin ang pagkakataon na 'yon para maglakad na papunta sa UST.

Pagkalabas namin ng building ay agad kaming naglakad deretso sa University.

"Shet, basa na sapatos ko, leche naman," inis na sabi ni Phoebe.


"Gagi, bili tayo ng medyas, putek basa na rin akin," inis na sabi ni Calista.


Grabe pala dito sa España kapag umulan eh parang may ilog na mabubuo.


"Bumili na kasi tayo ng bota!" suhestyon ko pa sabay tawa.


"Ikaw na lang, maghiheels na lang ako mga ten inches para safe," sabi naman ni Calista.

"Punyeta!" sambit ko sabay hagalpak ng tawa.

Nang makarating kami sa UST Carpark ay agad kaming bumili ng foot socks. Leche basang basa talaga! Pwede ng pigain, amp.


Pagkatapos bumili ay agad kaming dumiretso sa fourth floor dahil nandoon ang room namin. Maaga pa naman at hindi kami late, kaunti pa lang ang din ang tao sa room.


Pero magsstart na rin ang klase. Ang onti pa rin namin, nangangalahati pa lang. Nang sumilip ako sa bintana ay sobrang lakas ng ulan.


Teka, parang may naaamoy ako, ah! Agad kong binuksan ang twitter account ko saka chineck kung may announcement na ng suspension.


Shet, wala pa pero ang ibang lugar sa NCR ay nagsisi-announce na ng suspension. Shet naman.


Maya-maya ay nagsidatingan na rin ang iba sa mga ka-block namin at ang iba ay katulad namin, mukhang mga lumusob din sa giyera.


"Beh, sana magkasuspension man lang jusme!" sambit ni Phoebe habang nakatutok pa sa pagrerefresh ng feed n'ya sa twitter.



"Oo nga, tutal 'di pa ako ready!" singit naman ni Calista. Tabi tabi pa kaming nakaupo sa dulo. Ayos na dito sa dulo para kung sakaling magkarecit, tamang tago lang.


"Sana magsuspend!!!" malakas na hiyaw ni Maicah pagkapasok ng room. Medyo basa pa ang manggas ng blouse n'ya.


"True ka d'yan sis!" sagot na naman ni Yellah habang tinatanggal ang medyas n'ya na basa.


Umingay ang buong room at kanya-kanyang nagrant kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring suspension. May bagyo palang pumasok sa PAR kaya ganito na lang ang lakas ng ulan ngayon.


"Sa Caloocan nga oh, suspended na!" pagrarant pa ni Jerome saka ipinakita sa mga kaibigan n'ya.


"Hala oo nga pre, eto nga oh sa Quezon suspended na rin!" sambit ni Nikolai.


Kundiman Where stories live. Discover now