Chapter 7: Maybe the Night

70 12 0
                                    

Alas dies nang matapos akong magreview kaya naman agad akong gumayak. Nagshorts lang ako katerno ng oversized shirt ko at sneakers. Sinuot ko rin ang navy blue na Adidas baseball cap ko.

Tulog na sila Phoebe at Calista kaya naman nag-iwan na lang ako ng note na may pupuntahan lang ako saglit at 'wag na nila ako hanapin.

Paglabas ng unit ay nag-aabang na sa akin si Kameron. Nakapamulsa pa s'ya. Nagulat ako nang makita ko s'yang nakagayak na rin. At katulad na katulad pa ng suot ko. Cap, shorts, at shirt. "Gaya-gaya ng outfit!" 

"Ikaw 'yon, nauna kaya akong matapos sa'yo,"

Humalukipkip na lang ako at inirapan s'ya. Ba't ba kasi parehas pa kami ng porma, mapagkamalan pa kaming magjowa eh! Pero pwede na, 'di naman na ako lugi! Hehehe.  "Saan ba yung chill bar na 'yun? Pwede na ba ako do'n? 17 pa lang ako eh,"

"Chill bar lang naman, pwede ka na do'n, besides, kilala ko naman ang may-ari, ako bahala." sabi n'ya nang makarating kami sa kotse.

"Ikaw, ilang taon ka na ba?" kyuryosong tanong ko. 

"20," 

"Oh, ahead ka pala sa akin ng 2 years?" mangha kong sabi.

"'Di halata ano? Mukhang magkayear lang tayo eh, siguro gano'n talaga 'pag baby face," 

"Wala na bang mas kakapal pa sa d'yan sa mukha mo?" lakas loob kong tanong sa kanya at napahagalpak naman s'ya ng tawa. 

"Graduating ka na pala next year, edi dederetso ka na sa law school?" serysoso ko ng tanong.

"Oo, sayang time kung titigil pa ako eh," sabi n'ya naman saka ipinark ang kotse sa tapat ng isang chill bar.

Malapit lang din pala sa unit yung Chill Bar na tinutukoy n'ya. "Sabagay, limang taon din 'yun sayang ang panahon kung titigil pa," sabi ko naman.

"Almost half of our lives nga natin puro na pag-aaral, patatagalin ko pa ba? Siyempre hindi na," sabi n'ya saka itinaas ang handbrake ng kotse.

Parehas lang din pala kami ng perspective sa buhay. Ako ayaw ko na rin patagalin pa ang pag-aaral ko. After fiver years of Accounting, work na agad pero shempre, 'di ko hahayaang sa pagtatrabaho lang magrerevolve ang mundo ko. 

Pababa na sana ako ng kotse pero nagmadali si Kameron na umikot at pinagbuksan ako. Natawa na lang ako sa kanya. Napakagentleman naman nito. Nag-eexist pa pala sa mundo yung mga ganitong lalaki. "Thank you, nag-abala ka pa," sabi ko saka tuluyan ng bumaba sa kotse.

Pagpasok ng chill bar ay maraming tao. Halatang hinihintay na rin nila ang mga bandang dadalo ngayon. Malamig sa loob at may kanya-kanyang pwesto na ang mga tao. "Nagpareserve na ako ng upuan kanina," sabi ni Kameron saka dumiretso sa magkatapatang upuan na nasa second floor pa ng chill bar.

"Pero kung gusto mo, baba tayo do'n mamaya para mas solid!" aniya saka itinuro ang mga tao na nasa harapan na ng stage. Ang iba ay umiinom na pero wala pa naman akong nakikitang lasing.

"Sige baba na lang tayo mamaya, para mas malapit sa banda!" nasasabik na sabi ko. Shet, ang ganda ng vibe nung place. Madilim, malamig, may alak at mamaya may banda pa! 'Di na ako makapaghintay!

Kinuha ni Kameron ang upuan na nasa tapat ko at tumabi s'ya sa akin. Agh! Ba't ba ako kinakabahan kapag ang lapit n'ya?

Binuksan ni Kameron ang cellphone n'ya saka ipinakita sa akin. "Eto yung line up oh," 

Binasa ko isa-isa ang mga banda. Ang iba ay hindi pamilyar sa akin. Siguro ay mga bago pa lang at kasisimula pa lang nila sa pagtugtog. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang huling dalawang banda na nasa listahan.

Kundiman Where stories live. Discover now