Chapter 11: Ride Home

68 7 6
                                    

"May kailangan ka pa bang tapusin or gawin tonight?" tanong ni Kameron habang iniistart na n'ya ang sasakyan. Tapos na ang paskuhan kaya naman pauwi na kami. 

"Wala naman, bakit?" taka kong tanong.

"Okay lang road trip tayo?" tanong n'ya saka humarap sa akin, hinihintay ang kumpirmasyon ko. Agad din naman akong tumango at sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Kung alam lang n'ya na super hilig ko sa night road trips, nako!

Nagsimula na siyang magmaneho. Unti-unting lumuwag ang kalsada nang nakalayo na kami sa Espanya. Kakaunting mga tindahan ang makikitang bukas pa mula sa dinadaanan namin. 

"Pwede magpatugtog?" tanong ko kay Kameron.

"Sure, connect ka lang."

Pagkaconnect ko sa speaker ng kotse n'ya ay binuksan ko agad ang playlist ko sa Spotify. Gumawa na talaga ako ng playlist dito na bagay na bagay for roadtrips. Halos lahat ay old songs.

Nilapag ko ang cellphone ko sa dashboard at isinuot ang hoodie na dala dala ko. "Nilalamig ka? Gusto mo buksan na lang natin mga bintana?" nag-aalalang tanong ni Kameron at tumango agad ako. "Pwede ba? Thank you!"

Binuksan nga ni Kameron ang bintana at pinatay ang aircon. Agad na marahang dumampi sa mukha ko ang hangin sa labas. Ramdam na talaga ang pasko, ang lamig ng simoy ng hangin, eh. Ang mga ibang bahay pa na nadaraanan namin ay may mga Christmas decor na. Kanina ay may nakita pa kaming mga bata na nangangaroling, nakakatuwa at nakakamiss lang na maging bata. Sayang at hindi ko man lang naranasan yung gano'n. 

Maya maya ay naging pamilyar na ang dinadaanan namin. Mall of Asia 'to, sure ako! Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang ganda talaga tumambay dito lalo na kapag gabi. Malamig at maririnig mo talaga ang pag-agos ng alon mula sa Manila Bay dahil sa katahimikan.

Nagpark si Kameron malapit sa Seaside at agad s'yang umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inoffer n'ya pa ang kamay n'ya at tinulungan akong makababa. "Thank you," nahihiya kong sabi.

Dumiretso si Kameron sa sementong upuan na nagsisilbing harang sa Manila Bay kaya ginaya ko rin s'ya.

Tanaw tanaw namin mula rito ang mangilan-ngilang gusali sa malayo. May mga bundok ring makikita at mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid. "Ang ganda dito, shet! Bakit ngayon lang ako nakapunta dito?" mangha kong tugon saka nilabas ang cellphone para kuhaan ng video ang paligid ko. "Kameron, smile!" wika ko nang mahagip si Kameron sa video ko.

"Andaya, ako rin," sabi ni Kameron saka ginaya ang pagkuha ko ng video kanina.

"Tara bili muna tayo snacks," aya ni Kameron saka tumayo. May kaunting tindahan pa kasing bukas dito sa Seaside.

Nauna na ako sa paglalakad at dumiretso sa Milktea shop. "Pili ka," sambit ko saka inabot kay Kameron ang menu. 

"Matcha," sagot n'ya saka ibinalik ang menu.

Umorder agad ako ng dalawang large matcha at binayaran para hindi na makatakas si Kameron sa libre ko. Nagmamadali pa akong kumuha ng pera sa wallet ko kaya nahulog ang ATM card ko.

Nakipag-unahan pa si Kameron na pulutin ang ATM ko saka n'ya inabot sa akin. "'Yan kasi," sabi n'ya at mahinang natawa.

Humarap uli ako sa cashier at sa wakas! Nabayaran ko na at nalibre ko rin si Kameron, whoo! 'Di ko na palalagpasin 'to dapat makabawi man lang ako sa mga nilibre n'ya sa akin dati. Kaya naman habang ginagawa ang milktea namin ay dumiretso ako sa katabing tindahan at umorder ng dalawang malalaking burger at fries. Sinundan lang ako ni Kameron at wala na s'yang nagawa.

"Okay lang naman kasi, kahit 'wag mo na ako ilibre, Alanise," nahihiyang sabi ni Kameron habang tinutulungan akong magdala ng mga binili kong pagkain namin. Dumiretso ulit kami sa pwesto namin kanina saka inilapag ang mga pagkain. 

"Eh! Basta," sabi ko na lang saka humigop ng Matcha.

"Palagi kang tumatambay dito?" kyuryoso kong tanong.

"'Di naman, minsan lang kapag may problema gano'n," sagot ni Kameron saka kumuha ng fries.

"Oh, parehas pala tayo ng coping mechanism, ganyan din ako pag nagsasawa na ako sa mundo eh," kwento ko pa saka sumimsim ulit sa matcha.

"Gusto ko mapag-isa lang tapos tutulala sa kawalan, ang saya lang sa feeling nung ganoon, parang kahit papaano nakakatakas ka sa realidad," dugtong ko at sinimulan ng kainin ang burger.

"Oh ngayon alam mo na, dito magandang tumambay," sabi pa n'ya saka tumawa.

"Eh anlayo naman kasi! Buti kung may sarili na akong kotse," 

"Edi bumili ka," sabi ni Kameron na akala mo gano'n lang kadali bumili ng kotse, palibhasa rich kid s'ya eh!

"Wala pa nga akong license eh! Saka na pag 18 na ako," 

"Sige ha, abangan ko 'yan, tamang tama magkakadrive-in cinema na d'yan sa concert grounds," masayang sabi ni Kameron saka tumingin sa'kin.

"Hala weh? Kailan? Ansaya no'n, punta tayo!" tuwang tuwa kong pag-aaya. Ang saya siguro no'n parang dati sa mga movie ko lang nakikita yung ganoong drive-in cinemas eh! Buti naisipan din nilang gawin sa concert grounds!

"Next month pa ata? Sabihan kita 'pag nagkaroon na."

"Sure 'yan ha!" naeexcite kong sabi.

Ubos na ang burger ko at nakalahati ko na rin ang matcha cookie ko. Tahimik na lang kaming kumakain habang nakatitig sa kawalan. Ang saya mag unwind, parang narerefresh ang utak ko at nawawala ang mga pasaning problema na dala-dala ko.

Malapit na kasi ang Finals. Although nahimay ko naman na lahat ng topic, nagdodoubt pa rin ako sa sarili ko. Ewan ko ba at 'yan talaga ang problema sa akin. Never akong nagtiwala sa kakayanan ko kasi wala naman talagang nagtitiwala sa kakayanan ko in the first place eh. 

 "Sana maulit uli yung ganto, nag-enjoy ako, thank you Kameron!" pagpapasalamat ko pa nang makarating kami sa parking lot. Pinagbuksan ulit ako ni Kameron ng pinto ng sasakyan at pumasok din ako agad. "Thank you."

Umikot s'ya saka pumasok sa driver's seat. "You're welcome, always." sagot n'ya saka ako nginitian.

Nagsimula na s'yang magmaneho at nakabukas pa rin ang mga bintana. Kinonekta ko ulit ang cellphone sa speaker ng kotse n'ya saka nagpatugtog.

Nakakaantok kaya naman pumikit ako habang dinadama ang pagdampi ng hangin kasabay ng himig ni Kameron na sumasabay sa kanta.

"Alanise, wake up, andito na tayo sa basement," nagising ako sa marahang boses ni Kameron. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad na tumambad sa aking ang mukha ni Kameron sa harap ko. Ang lapit n'ya sa akin kaya naman kinusot ko kaagad ang mga mata ko. Nakakahiya, baka may dumi pa ako sa muka, eh!

"Sorry, kanina pa ba tayo nandito?" nahihiya kong tanong. Napatingin pa ako sa orasan ng kotse n'ya at nakitang mag-aalas dose na ng madaling araw. 

"Nope, kararating lang din natin, don't worry," agap ni Kameron nang mapansing medyo nataranta ako. Bumaba agad si Kameron para pagbuksan ako ng pinto saka inalalayan akong bumaba. "Thank you."

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit ko. "Thank you ulit, Kameron! Gala ulit, soon!" sabi ko saka pinihit na ang door knob. Mag-isa lang ako ngayon sa condo dahil nagpaalam na sila Calista at Phoebe sa akin kanina na hindi raw sila makakauwi, paparty pa ata ang dalawang loka.

"Sure, basta ikaw." sagot ni Kameron at kumindat pa. Natawa ako at kininditan din s'ya bago tuluyang pumasok sa loob. 

***

Kameron,

Maybe it's fate that we lose control.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kundiman Where stories live. Discover now