Chapter 9: Teka Lang

70 9 0
                                    

"Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo
Pahintuin mga kamay ng oras sa relo
Dahan-dahan, dahan-dahan lang
Dahan-dahan, dahan-dahan lang"

Dinama ko pa ang kanta na pinapatugtog mula sa earphones ko. Nagrereview ako ngayon sa library para sa nalalapit na finals. Mag-isa ako ngayon dahil may mga sariling errands ang dalawa kong kaibigan. Naging tambayan ko na rin 'tong library nitong mga nakaraang buwan, eh. Lalo na kapag hapon at kakaunti na lang ang tao.

CA 501,CA 502 at CA 503 ang kailangan kong aralin ngayong araw. Kaya ko naman basta't 'di ako tamarin.

"Sobrang saya dahil nandito ka na
Kahit mamaya lang ay aalis ka na rin agad
'Wag ka sanang mainis, panahon natin, mabilis
Sandal mo muna sandali, 'di naman nagmamadali, 'di ba?"

Ang ganda talaga ng beat ng kantang 'to. Ang solid siguro kung papakinggan nang live. Sayang at wala sa paskuhan si Emman.

Habang nagrereview ay nagagawa kong lyrics ang mga binabasa ko. Kaya naman nang matapos na ang kanta ay tinanggal ko na ang earphones ko at isinantabi muna. CA 503 na lang ang rereviewhin ko at natapos ko na ang dalawang subject na nauna.

"Magsasarado na ang library, Alanise," 

Napalingon ako sa nagsalita at itinigil ang paghahighlight. Tinignan ko pa ang paligid ko. Luh? Kaming dalawa na lang pala ang tao, 'di ko man lang namalayan! Napatingin ako sa relo ko saka mabilis na niligpit ang gamit ko.

"Ah, thanks, 'di ko namalayan," sabi ko saka humarap kay Kameron na isa't kalahating dipa lang ang layo mula sa akin.

Sinuot ko ang bag ko saka niyakap ang tatlong libro. Ang liit kasi ng bag ko at hindi naman magkakasya.

"Sobrang sipag mo naman at inaabot ka na ng closing ng lib," sabi ni Kameron na sumasabay sa paglakad ko pababa sa building.

"Ikaw din naman, ah!" 

"Gabi naman na kasi nung pumunta ako, ikaw mukhang kanina pa eh," sabi n'ya nang makalabas na kami sa building.

Ang dilim na sa labas at tanging makikita mo ay ang mga lamp post at buildings na nagbibigay ng ilaw. Kasama pa ng mga nagniningning na bituin sa langit at bilugang buwan.

Parang ang liit lang ng USTe at madalas kong nakikita si Kameron. Sabagay, katapat lang ng Miguel de Benavides ang St. Raymund.

Habang naglalakad kami ni Kameron ay isinuot ko ulit ang earphones ko para 'di awkward. Itinodo ko pa ang volume para mas dama ko ang kanta. Inulit ko lang 'yung "Teka Lang" dahil kahapon pa ako LSS do'n.

Nagsisimula na palang i-assemble ang malaking Christmas tree dito sa grandstand. Shet, malapit na nga pala ang Paskuhan! Ilang days na lang. 

Lalo pa akong nailang nang may pumasok sa isip ko.

"will u be my paskuhan date? :)"

Agh! Hindi ko pa nga pala sinasagot si Kameron! Nakakahiya, paano ko ba sasabihin? Like out of nowhere right now? Weird naman no'n! Mamaya na lang siguro? Pag inopen up n'ya or kung hindi, ip-pm ko na lang s'ya?

Nang matapos ko ang kanta ay tinanggal ko ulit ang earphones ko. Nakakahiya at baka kausapin ako ni Kameron at hindi ko marinig.

Ang tahimik lang kasi namin ngayon at ang awkward! Wala naman akong ma-open na topic.

"Teka Lang ni Emman?" sabi ni Kameron at napatingin sa akin.

"Woah, narinig mo 'yon?" taka kong tugon.

Tumango s'ya. "Ganda n'yan,"

"Oo nga eh, kahapon pa ko lss dito," sabi ko sabay tumawa.

Siguro ako na ang dapat mag-open nung about sa paskuhan. Nakakahiya man pero baka kasi isipin ni Kameron na ayaw ko sa kanya or ang choosy ko. Where in fact, nahihiya lang ako.

"Uhm, Kameron, about sa Paskuhan nga pala ano," nahihiyang sabi ko. Buti na lang at madilim hindi masyadong kita ang awkwardness ko!

"Ah, ayos lang kahit hindi," agap ni Kameron. 'Yan na nga ba at iniisip n'yang ayaw ko.

"No, hindi sa gano'n--- I mean oo, yes," agap ko rin. Baka isipin n'ya pa na hindi ko gustong makadate s'ya. Masaya s'ya kasama, gusto ko s'ya, same taste kami sa music, aayaw pa ba ako? Siyempre, hindi na!

Nagliwanag ang mata ni Kameron at tumingin sa akin. "Weh? Baka napipilitan ka lang?" paninigurado n'ya pa.

"Tongek, hindi! Nag-enjoy kasi ako nung nakasama kita sa Snake and Jake last time,"

"Aww," sabi n'ya at nilagay pa ang kamay  sa puso n'ya. Natawa naman ako sa ginawa n'ya. 

Never in my life na naimagine kong ganyan ka-soft si Kameron! Putek, hahaha! Natawa rin ang loko sa ginawa n'ya. Buti at gumaan din agad ang atmosphere.

"Ando'n ulit favorite mong Hale," ani ni Kameron.

"Ando'n din naman paborito mong Silent Sanctuary,"

"Worth it ang tuition! Hahaha!" biro ni Kameron.

"Sa totoo lang, daming banda eh,"

Habang naglalakad ay napagkwentuhan pa namin ang mga dadalong banda. Ang saya lang at nakakarelate kami sa isa't isa pagdating sa mga gantong bagay. Ang sarap pala talaga sa feeling kapag nagkakasundo kayo ng isang tao sa bagay na gusto mo. Sila Phoebe at Calista naman kasi ay 'di hilig ang opm. 

"Good luck sa finals," pagpapaalam ko nang makarating ako sa tapat ng unit.

"Thank you ikaw din, see you sa Paskuhan!" sabi n'ya at inintay akong makapasok sa unit.

***

Kameron,

Kung pwede ko lang pabagalin ang ikot mundo,

Kung pwede ko lang pahintuin mga kamay sa oras ng relo,

Tatakasan natin ang gulo, lilipad tayo papalayo.

---

Sorry for the short update. Dinedicate ko talaga 'tong Chapter na 'to para kay Emman. Thank you para sa magagandang musika, Emman. Bawi ako sa next chapter :)

Kundiman Where stories live. Discover now