1

425 15 2
                                    




"What did you do this time, Azalea?" mariing tanong ng Daddy niya.

Napabuga siya ng hangin. Napatingin siya sa Mommy niya na prente at tahimik na naka-upo sa kabilang side ng sofa. May hawak itong mug na alam niya ay may lamang kape. Mas mahilig sa coffee ang Mommy niya kaysa sa Daddy niya.

"You punched someone outside the bar again. At anak pa ng senador, Azalea," dugtong ng Daddy niya. Napasapo pa ito sa noo.

She rolled her eyes. "Dad, wala na siyang ibang ginawa magdamag kundi mag-offer ng sex! Napuno lang ako!" depensa niya sa sarili.

Huminga ang Daddy niya. Alam niyang nakuha na naman niya ang loob nito. Kahit naman lagi siyang nasa gulo, iniintindi pa rin ng parents niya kung bakit nagagawa niya ang ibang bagay. Kahit kailan naman ay hindi siya ang nagsimula ng away. Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na siya lalaban. Umiiwas naman siya sa gulo, kaya lang gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya.

"I'm just worried about you. Alam mo bang tuwing napapa-away ka ay natatakot ako? Baka may mangyaring masama sa'yo. Para akong aatakehin sa puso sa ginagawa mo," mahinang sabi ng Daddy niya.

Hindi niya napigilang mapangiti. Hindi na siya nagtataka na mahal na mahal ng Mommy niya ang Daddy niya. Gregory Constantino is a good person. A caring father. A loving husband. He was and still is attentive to them. They never felt neglected. Kung usapang responsibilidad ng pagiging ama at asawa ang pag-uusapan, lagpas na ang mga nagawa ng Daddy niya.

"The son of the Senator wants to file a case against you." Napatingin siya sa Mommy niya nang magsalita ito.

Unlike her Dad, kalmado ang Mommy niya sa mga ganitong sitwasyon. Unless nasaktan na siya. Hindi naman 'yon ang unang beses na may gustong magsampa ng kaso sa kanila. Mga pikon na lalaking hindi matanggap na natalo sila sa suntukan ng isang babae.

"Then I will file a sexual harrassment case against him. He basically tried to touch me all night!" naiinis na sabi niya. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'yun kung ito pa ang aarteng na-agrabayado!

"Someone tried to harrass you again, Ate? Hindi na ba sila natuto?" natatawang sabi ng kapatid niyang si Carson Miles. He's holding a glass of milk. May hawak na libro. He's obviously studying again. Her brother's a total nerd. Manang-mana sa Daddy niyang good boy.

Napangiti siya at malambing na ginulo ang buhok nito. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. He is her only baby brother after all. Isa pa, minsan nga ay pinagtatakpan pa siya ng kapatid tuwing may kalokohan siyang ginawa.

"Studying again, baby bro? You should get laid!" biro niya rito.

"Azalea Maeve!" Napangiwi siya nang mapasigaw ang Daddy niya. Ang kapatid niya naman ay natawa lang sa sinabi niya. Not taking her seriously. Of course, she's just joking! He's only fifteen!

Gusto niyang matawa nang mapansing nakangisi lang ang Mommy niya habang napapailing sa kaniya. Mas laid back ang Mommy niya kumpara sa Daddy niya. Madalas ay magkasundo sila sa kapilyahan.

"Diploma first, Ate," nakangiting sagot ng kapatid niya. Nakita niyang nakahinga nang maluwag ang Daddy niya.

Pinisil niya ang pisngi ng kapatid at ginulo ulit ang buhok nito. "Such a good boy. Manang-mana sa Ate!" Nakangising sagot niya.

Napangiti siya nang yumakap sa kaniya si Carson at humalik naman sa pisngi ng Mommy nila. He even hug their Dad too bago nagpaalam na babalik na sa kuwarto nito para mag-aral. Natural ang pagiging sweet nito. She can already imagine kung gaano kasuwerte ang babae na makakabingwit sa kapatid niya. Total package na kasi kumabaga. Matalino, guwapo at mabait!

Safe Haven (Completed)Where stories live. Discover now