5

247 16 1
                                    




It's been a week, pero until now ay hindi pa rin sila nagpapansinan ni Wyatt. Everytime na magkakasalubong sila ay para silang hangin lang na dumaan sa isa't isa.

In some other cases, normally it would not bother her. Hindi siya ang tipo ng tao na may pakialam sa mga tao kung ayaw sa kaniya. She wasn't raised to chase after a person who doesn't appreciate her.

But with Wyatt, it bothered her. She was still hoping that he would at least simply spare her a glance. But it never happen. She was so frustrated to the point na gusto niya na itong batuhin ng laptop na hawak niya ngayon.

"Hindi pa rin kayo okay ni Wyatt?" napalingon siya kay Marianne nang magsalita ito.

Nasa isang bench sila, with a small picnic table sa ilalim ng isang mango tree sa tapat ng University nila. Vacant time nila kaya doon na lang sila tumambay. The library was crowded already, kaya lumabas na lang sila sa field.

Napatingin siya kay Wyatt na mag-isang nakaupo sa bench. He look like he's sketching. Baka ang assignment nila kay Prof. Roque. Since he's working every night, palagi nitong ginagawa ng maaga ang mga assignments or reports.

"No. Hindi ko rin siya maintindihan. Ako na ang concerned, siya pa ang galit." Umikot pa ang mga mata niya sa inis.

Uminom si Marianne ng Choco Caramel Milktea nito bago napangalumbaba na tumingin sa kaniya.

"Bakit ka nga ba kasi concerned?" usisa nito.

Kumunot ang noo niya. "He's my friend. If someone messes with you too, I'll beat the shit out of them too."

Totoo naman. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang mga taong mahal niya. Not on her watch. Kaya nagpapasalamat din talaga siya na pinag-aral siya ng self-defense ng parents niya simula bata pa lang sila ni Carson. They knew how to protect themselves. They even knew how to shoot a gun for goodness sake.

"Friends nga lang ba talaga?" nakataas ang kilay na tanong pa nito.

Kumunot ang noo niya. "What are you implying? Na may gusto ako kay Wyatt?"

Tumango-tango ito. "Yeah. I mean, palagi kayong magkasama hanggang uwian. Hinahatid mo pa siya palagi. You are protecting him more than you should have already. You exert so much time and effort. I don't call it friendship."

Inirapan niya ito at hinubad saglit ang black maong jacket niya. She was only wearing a black spaghetti strap. Black pants and black converse. Ipinatong niya ang jacket sa lamesa at isinara na ang laptop niya. Wala siyang matatapos na gawain ngayon dahil wala siya sa mood. Might as well enjoy her free time.

"I don't like him that way. He's too... soft. Para siyang 'yung baby brother ko."

Bahagyang natawa si Marianne sa sinabi niya. "Seriously? Baby brother talaga?" natatawang sabi nito.

She took her own milktea at ininuman 'yon. Pasimpleng sinulyapan niya si Wyatt na tahimik na lang na nakatingin sa malayo ngayon. Mukhang tapos na ito sa ginagawa.

"Do you want to hangout tonight? Magba-bar kami ni Linda," she informed Marianne. The two have already met. They clicked too. Tama nga ang hinala niyang magkakasundo rin ang mga ito.

"Sure."

She looked at her phone to check the time. Thirty minutes na lang ay start na ng klase nila. And when she looked at Wyatt's table, wala na ito ro'n. Mukhang bumalik na sa room nila.

"Come on. It's almost time," imporma niya ulit dito.

They gathered their things and headed back to class. Nang makarating sa tapat nf pintuan ng room nila ay mabilis niya 'yung binuksan. Gano'n na lang ang gulat niya nang may matamaan sa kabila.

Safe Haven (Completed)Where stories live. Discover now