13

199 10 2
                                    




"What the hell happened back there, Wyatt?" usisa niya agad dito nang makaalis na sila.

The officials of the Malayan University will conduct an investigation. At kung ang CCTV ang titingnan, siguradong walang laban si Wyatt. Dahil kahit saang anggulo tingnan ang nangyari, si Wyatt ang sumugod. Si Wyatt ang nagsimula ng gulo. Si Wyatt din ang naunang nagpakawala ng suntok.

"Ahm, ako na lang ang oorder. Baka kailangan n'yong mag-relax pareho," sabi ni Marianne.

Nagpabigay na lang din siya ng pera rito. Si Wyatt ay tahimik lang na naka-upo at malayo ang tingin. Probably regrettin what he did. Dahil edukasyon na nito ang pinag-uusapan ngayon.

"I don't understand. Why did you do that?" tanong niya ulit dito.

"Dahil bastos siya!" mataas ang boses na sabi nito. Napalingon pa ang ibang tao sa direksyon nila.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Relax will you? Yes, what he said was very degrading, but what I don't understand is bakit galit na galit ka? Hindi ka pa ba nasanay na asal hayop ang Jordan na 'yun?"

Nagtagis ang panga nito at nag-iwas ng tingin. As usual, hindi na naman ito umimik. Kailangan nitong makita na hindi siya kalaban. Dapat nitong maintindihan na kapag ipinagpatuloy nito ang pagtatago ng nararamdaman, he might snap again. Kagaya nga ng nangyari kanina.

"Wyatt, you have to let me in. Paano kita matutulungan kung hindi mo sinasabi ang problema mo? Gusto kitang maintindihan eh. Gusto ko ring maintindihan mo na kahit ano'ng mangyari, nandito lang ako. I am not your enemy, Wyatt."

Nagkuyom pa ang kamay nito bago huminga nang malalim. "K-Kaya ko namang tanggapin kung ako lang ang masasaktan eh. Kaya kong lunukin lahat nang masasakit na salita. Kaya kong saluhin lahat ng suntok at sipa. Kaya ko naman kung ako lang."

She reached her hand out to him and held his hand. She squeezed it gently to let him know that she's there with him. That she's not going anywhere.

"H-Hindi ko lang matanggap 'yung masasakit na salita na ibinabato sa Mama ko, Azalea. W-Wala naman silang alam. Hindi nila alam ang buong kuwento. Pero bakit ganu'n ang mga tao? Bakit kung tingnan at itrato nila kami ay para lang kaming basura na nakakalat sa mundo," mapaklang sabi nito.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "What do you mean?" naguguluhang tanong niya.

"Can you keep a secret, Azalea?" seryosong tanong nito.

Marahan siyang tumango at pinisil pa ang kamay nito. "Of course. Lalo kung alam kong mahalaga sa'yo ang sasabihin mo."

Binigyan siya nito ng isang maliit na ngiti bago nagsalita. He almost forced the words out of his mouth. Parang hirap na hirap itong bitiwan ang mga salitang gusto nitong ilabas.

"Ako 'yung bastardong tinutukoy nila. At si Mama 'yung tinawag nilang putang ina."

Masuwerte pa rin sila Jordan. Kasi kung siya si Wyatt, kung pagsasalitaan din ng masama ang Mommy niya, sisiguraduhin niyang matatagalan bago makapagsalita ulit ang taong 'yun.

For a while ay hindi siya nakaimik. Hindi niya alam ang sasabihin. Anak sa labas si Wyatt? Kaya ba wala ang Daddy nito? Eh, ano naman kung anak ito sa labas? Ano ba'ng pakialam nila Jordan du'n?

"D-Did you change your mind about me and mama already?" mahinang tanong nito na nakapagpabalik sa sarili niya.

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Where did he get that thought?

Safe Haven (Completed)Where stories live. Discover now