One Shot (2) | Kung 'Di Na Ako

5 1 0
                                    

Kung 'Di Na Ako // Agsunta

"Hon, kailan ba 'yang alumni homecoming na 'yan?" Tanong ko sa asawa ko na naghahanda ng hapunan namin.

"Next week daw. Pupunta ba tayo? Gusto mo ba pumunta?" Tanong niya pabalik at inilapag ang adobong niluto niya sa lamesa.

"Bakit naman hindi?" Natatawang sagot ko at sumandok na ng kanin. Nagkibit balikat lamang siya at sumandok na rin sa pagkain.

Nagdaan ang isang linggo, kasalukuyan kaming naggagayak ni Greg, asawa ko, para sa dadaluhan naming alumni homecoming. Nagkayayaan kasi ang batch namin noong college ng reunion at imbitado ang lahat ng aming ka-blockmates noon.

I was wearing a rose gold satin dress ending above the knee. I paired it with my white three inch heels and a black cardigan. Restaurant kasi ang pupuntahan namin, baka lamigin ang lola niyo!

My husband is wearing a dark blue long sleeves polo and a black slacks. He paired it with his black leather shoes. His hair was brushed up to add up neatness to his look.

"Are you sure you're okay with this?" Paniniguro niya pa sa akin pero tumango lang ako. Nginitian niya ako saglit bago paandarin ang sasakyan.

Nang makarating kami sa nasabing restaurant, agad kaming inalalayan ng receptionist sa isang reserved room. Naabutan naming marami na ang tao na nandoon. Maraming bumati sa amin ni Greg, mga blockmates namin noon. Umupo na kami ni Greg sa isang table kasama pa ang iba naming mga kaibigan noon para makipagkwentuhan sa kanila. It's been almost ten years already! Ang huling kita ko sa kanila ay noong college graduation pa.

"I didn't know na you two are together pala!" Mitch, our blockmate, said at bakas pa sa mukha niya ang gulat.

"Oh! Yea!" Pag sang-ayon ko.

"Akala ko you and Nathan have something dati! Hindi ako informed na kayo na pala ni Greggy!" Diane, another blockmate of ours, said. Napasulyap ako sa gawi ni Greg na nasa tabi ko para makita ang reaksyon niya. Mukhang hindi naman niya narinig ang sinabi ni Diane dahil busy siya sa pakikipagusap sa iba pa naming blockmates na kasama namin sa table.

"Haha! Yea! Things just turned out that way." Maikling sambit ko nalang at uminom ng tubig para mabawasan ang awkward na nadarama ko.

Speaking of Nathan, dadalo kaya siya? Kahit anino niya hindi ko pa nakikita after out break up.

"Hello, everybody! Hope we all have a wonderful night! Let's enjoy the party!" Sabi ni Ricky, class president namin noon, na siyang emcee ngayon.

Nagsimula na ang party. Kumain muna kami ng dinner. Matapos iyon ay may kaunting video presentation na nagpapakita ng memories namin noon. Maraming naiyak sa part na iyon, including me. Nakakamiss pala talaga yung mga panahong puro pagaaral lang ang inaatupag 'no? After that, may mga games lang like, who's who, kung saan may babanggitin na scenario at papangalanan niyo kung sino ang taong nasa scenario or pangyayari na iyon. Well, yung mga scenario naman na nabanggit ay mga nangyari noong college life namin so it's not that hard, unless makakalimutin ka, like me. Hehe.

Puro games pa ang ginagawa nila roon kaya napagpasyahan ko munang lumabas ng restaurant para magpahangin. Nagpaalam lang ako saglit kay Greg, na busy sa pakikipag catch up sa mga kaibigan niya noon.

Sa gilid ng restaurant ay may maliit na play ground. Pumitas ako ng dahon sa nakita kong halaman bago umupo sa swing at mag munimuni.

"Karen?" Nagulantang ang buong pagkatao ko nang may tumawag sa pangalan ko. Tumingala agad ako at nagulat sa tumambad sa harap ko, si Nathan, ex ko. Actually, dating kaibigan namin ni Greg. We're triplets noon. We're trio back then.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Montage of Love | One Shot StoriesWhere stories live. Discover now