Prologue

378 11 0
                                    

"Mama tingnan mo yung bata umiiyak"

Sumbong ng batang lalaki sa kanyang mama habang kumakain nang tender juicy hotdog na karaniwang paborito ng mga bata edad lima.

"Nasaan naman ang magulang nito, teka nga" bumalik ang mama ng batang lalaki roon sa binilihan nila ng hotdog, samantalang ang batang lalaki naman ay lumapit sa batang babae na kasing edad rin niya

"Usto mo hotdog? "tanong ng batang lalaki

"Ayaw ko niyan usto ko balik mama" sabay hagulgol ng batang babae

"Hija nasaan ba kasi ang kasama mo?" tanong ng nanay

"Umalis po kaninang umaga pa po sabi niya balik siya rito sa'kin" habang patuloy pa rin sa pag-iyak at 'di mapatahan na batang babae

Inabot naman ng nanay ng batang lalaki ang hotdog na binili nito pero imbes na iwan at umuwi na lang ang mag-ina mas pinili nilang bantayan ang batang babae hanggang sa tumahan.

Inihatid nila ang batang babae sa Police Station para kung sakali na may humanap sa kanya ay madali lang siya makukuha at mahahanap ng magulang nito.

"Oh hija hintayin mo na lang ang magulang mo rito, mag-iingat ka ha" niyakap niya ito

"Babye na bata 'wag ka na iyak papangit ka tsaka 'pag laki natin hahanapin kita ha" sabi ng batang lalaki at ngumiti

"Salamat bata pero paano mo ako mahahanap?" tanong ng batang babae

"Ito sa'yo na lang itong cap ko, bagong laba ni mama 'yan kaya huwag mong dudumihan at iwawala" sabi ng batang lalaki at inabot ito sa batang babae ang kulay asul na sumbrero nito

"Sige sa'yo na rin itong bracelet ko. Ingatan mo 'yan ha ako gumawa niyan" sabi nito

Tulad ng ginawa ng mama niya niyakap niya rin ito at tuluyan na silang umalis

The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 SejunWhere stories live. Discover now