10 Lovelife or Career

144 13 0
                                    

Justin's P.O.V

WEDNESDAY

Tinawagan ako ni Yang pero ibang boses ang bumungad, sabi niya siya raw si Monique. Yung tunay na  kapatid ni Yang.
Nandito na sila sa kotse ko.

Sa building kami didiretsyo kasi walang tao sa bahay na mag-aasikaso sa kanya. Hindi namin siya makausap, tulala lang siya

"Nandito na tayo" sabi ko at bumaba na kami, pumunta kami sa third floor kung nasaan lahat ng staffs at members, kahit si Sej nandoon rin kasi may mga bagay pa siyang aayusin.

Pagdating namin sa pinto. Biglang nanlambot si Yang
"Andria!" sigaw ni Sej

"Yang gising!" panggigising namin, nahimatay siya

"Dalhin niyo sa pinakamalapit na hospital." sabi ni Sir Robin

Kaya agad namin siyang dinala sa tapat ng building namin.

"Ano pong nangyari kay Yang?" tanong ni Ken

"Dehydrated siya and maaaring umatake yung Anxiety niya." sabi ng Doctor

"Monique, mag-usap nga tayo sa labas."sabi ko kay Monique

Tumango siya at lumabas kami ng kwarto kung saan nagpapahinga si Yang.

"Ano bang nangyari sa kanya, bakit 'di natin siya makausap kanina? Bakit tulala siya?"tanong ko

"Nabigla siguro siya sa mga sinabi ni Anthony sa kanya, nababaliw na si Anthony! Gusto niya maghiganti sa amin dahil sa pagkamatay ng daddy niya. Aksidente lang lahat kung bakit namatay ang dad niya." umiiyak niyang sabi

"Si Andria, nasan?"nag-aalalang tanong ng mga kaibigan ni Yang, kararating lang nila

"Nandiyan siya sa loob."sabi ko kaya naman pumasok sila sa loob

"Love, masyado na silang marami sa loob, dito ka muna."sabi ko kay Tine

Tumango siya

"Siguro sobrang bigat na ng nararamdaman ni ate, tapos dinagdagan pa ni Anthony."sabi ni Monique

"Kuya, ate, paggising ni ate Andria pasabi na umuwi lang ako saglit. Babalikan ko kayo, isasama ko na si papa."sabi ni Monique

"Sige mag-iingat ka."sabi ko

At iyon umalis na siya

.

.

.


Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko

"Anak, okay ka na ba?" tanong ng isang matandang lalaki

Sila Monique, Sej at matandang lalaki lang ang nandito.

"Opo"sagot ko

"Sir, Monique at Andria, labas muna ako." pagpapaalam ni Sej

I nod

This old man looks familiar.

Nanlaki ang mata ko

"Ikaw po yung grab driver na nasakyan ko last time,"sabi ko

"Oo anak," sabi niya

The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 SejunWhere stories live. Discover now